Pagbukas ko ng pinto, nakita ko si Cyriel, Andy at DK na magkakaharap. Problema ng mga 'to?

Lumapit ako tapos kinalabit ko si DK, "Hey."

"Hey," she replied. Hmm. Something's off, i just can't figure it out, "tawag ka ni Nof. May tatanong daw?"

Bigla naman siyang hindi mapakali, "ah, okay, okay. Tara na sa loob?" Tapos bigla niya akong hinatak. What the hell??

-----------------

Dana's Point of View

Shit! Buti na lang at dumating si Kim! Ang awkward! Ngayon lang ulit kami nagkaharap tatlo after all that happened. Matagal ko na 'tong gustong mangyari eh.. pero bakit ganun yung naramdaman ko? Nasaktan ako na natakot..

"Hey! Stop draggine me, DK!" Napatingin ako sa gilid. Kasama ko nga pala si Kim.

"Sorry," i said.

"It's fine. But what the hell happened there??"

I took a deep breath, "i'll tell you. Pero pwedeng maupo muna tayo?"

Then pumunta kami sa pinaka gilid na table. Kasama ko na silang tatlo. I think they deserve to know the truth.

"Let's start. Ano ba ang gusto niyong malaman?" I asked them.

"What the hell happened there?? And why the hell is Andy crying??" Sabi ni Kim.

"What?! Umiiyak si Andy?" Sabi ni Nof.

"I was trying to.. break up with him.."

Biglang natahimik sila.

"What the fucking hell, DK?! I know you're my friend pero Andy's my friend, too. He doesn't deserve this!" Nof said.

"I know.. and i'm sorry. But don't you think it'll be more unfair kung ipagpapatuloy namin?"

Biglang nagsalita si Sara, "Dana's right, Nof. Kahit maging sila, anong sense? Their relationship was build on lies. Mas mabuti nang maghiwalay sila.."

Nagsalita din si Nof, "look, Sara. Alam ko namang wala akong masyadong alam sa mga pinagdaanan ni Cyriel at Dana. Hindi ko alam kung bakit grabe kang magtiwala kay Cyriel. Pero kaibigan ko si Andy and i know i've seen more than enough. I've seen kung paano niya mahalin si DK, kung paano niya kinalimutan yung pride niya, kung paanong kaya niyang igive up lahat para kay DK.. He did all of these pero ano? What would he get in return? A broken heart?"

Natahimik ako. I'm.. guilty. 

"I know all of that, Nof. Pero alam mo ba kung bakit ganito ako kay Cyriel? I've seen kung paano niya mahalin si Dana from the start, kung paano niya handang tanggapin si Dana kahit hindi siya sigurado kung may nangyari sa kanya at sa best friend niya, kung paanong handa siyang lumayo para lang hindi mapahamak si Dana at kung paanong magpapakasal siya para lang matahimik si Dana. Now, bakit sa tingin mo ganito ako kay Cyriel?"

Natahimik lang kaming lahat. Trying to digest everything they said. I know, it's my fault.. Dahil sa'kin, nasisira ang barkada..

Biglang nagsalita si Kim, "whoah. Chill, guys. I know that probably, ako yung pinakawalang alam sa atin dito. And i won't take sides kahit best friend ko si Nof, alright?" then she took a shot, "okay, pampalakas loob. Where was i? Aaaah. Okay, pero based sa narinig ko, they both love DK.. Well, in their own ways. Please, wag na lang tayong magtalo."

"Tama si Kim, please, wag na kayong magtalo, Sara and Nof. I'm breaking up with Andy and that's final. And for Cyriel? He's with Ynna and that's final."

"DK's right. She needs some space. Kung ipagpapatuloy nila ni Andy, it's fucking useless. Para kang nag invest sa kumpanyang alam mong mabbankrupt na. And as for Cyriel, wala tayong magagawa. He chose to be with Ynna. And don't you think it would be better pag wala silang connection sa isa't isa? They can grow as individuals."

Nagsalita si Nof, "fine. I get it. But not breaking up, cool off. You heard it, DK? Cool off."

Nagsalita naman si Sara, "fine then, Nof. And please don't give up on Cyriel, Dana. He loves you."

Don't give up on the both of them. What should i do?!!

----------------

Andy's Point of View

Umalis si Dana kasama si Kim. Kami lang ang naiwan ni Cyriel. Tangina. Bakit sa lahat ng makakakita sa akin umiyak, eto pa?!

"Do you really need to cry para lang hindi ka niya iwan?" Sabi niya. Gago pala to eh!

"Paki mo? At least, kaya kong sabihin sa kanya na mahal ko siya. Kaya kong gawin lahat para wag niya akong iwan. Eh ikaw?"

Umupo siya sa bench, "wag mo ng tanungin kung ano ang kaya kong gawin para kay Dana. Matatalo ka lang."

I smirked, "oo nga pala. Kaya mong magpakasal sa iba para kay Dana. Sorry, pare, hindi ako ganun."

"Hindi ka talaga ganun kasi selfish ka."

"Hindi ako selfish, tanga ka lang talaga."

"Sorry kung tanga ako. Masyado lang kasi akong tanga para isipin yung sarili ko. Masayado akong tanga para mas gustuhin na makasama yung babaeng mahal ko kaysa mamatay siya. Pasensya talaga, Andy, kung tanga ako."

Tumayo ako at sinuntok siya, "Tangina mo pala eh! Ano bang problema mo?!!"

Pinunasan niya yung labi niya na sinuntok ko, "Ikaw. Alam mo, okay na sa'kin na sa'yo si Dana dati kasi alam kong aalagaan mo naman siya. Pero ngayon? Nagdadalawang isip na ako na iwan siya sa gago na kagaya mo!"

Good Girl Gone Bad (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon