2

6 1 0
                                    

Matapos ang engkwentro kanina ay heto na kami, nag lalakad lakad, kakatapos kang namin kumain.

Sya? Tawang tawa sa pinag gagagawa nya, ako? My goodness, hyang hiya. Muntik na kaming hindi pinapasok ng Guard kanina. Nakakaloka.

"Krish, gusto mo ba ulit sumaya?" Oh uh! Heto nanaman tayo.

Napatingin ako sa likuran ng escalator na sinasakyan namin at madaming tao. Yaw q naaaaaah.

"OW MAY HAD KRISH!!! GUMAGALAW TONG HAGDAN! Ang galing galing krish gumagalaw sya!"

Lintek na asong kinalbo, sumigaw pa at niyugyog ako! Lahat ng tao napatingin nanaman, face palm! Darn.

Hindi yata matatapos ang araw naming mag kasama na wala syang entry. Halos araw araw nyang pinapasaya sarili nya at ako? Halos araw araw nahihiya sa pinag gagagawa nya. -.-

"Krish?--"

"Hep! Masaya ak--"

"Patapusin mo muna ako pwede? Laro tayo. Tutal bagong sahod naman tayo. Ang unang dadaan na bus yun ang sasakyan natin! Game?"

At dahil may pera kami dahil sahod nag agree ako. Masaya naman ako sa pinag gagagawa nya, talagang gugustuhin mo lang na lamunin ka ng lupa pag pinag titinginan ka.

"Manaog" wika nya.

Punuan ang bus, ang bakanteng upuan lang ay sa gitna at harap.

No choice, naupo ako sa gitna at sya ay sa harapan banda.

10 minuto palang ata ang nakakalipas, lingon ng lingon si josh.
Hindi ko alam kung natatae ba? Hindi kasi sya mapakali.

"KRISH?!!! Gusto mo ba sumaya?!!" Pwede nya naman akong itext diba? Sisigaw pa talaga, at dahil nag titinginan ang mga tao.

Hindi ko sya tinignan bagkus ay dumuko ako ng kaunti.

"HOYY KRISH!!! Tinatawag kita!!!"

Hindi ko padin sya pinapansin.

"KRISHA ALCANTARA!!!!!"

Grabe, tinignan ko na sya ng masama at "Ano ba yun?! Itext mo nalang sakin!!" Gigil na wika ko.

Lahat ng taong nakatitig para akong lalamunin, at sya? Ayun natatawa nanaman. Bes, kailan kaba mag kakahiya?! Darn 'GUSTO MO BANG SUMAYA?'

MPSYAKLNGWhere stories live. Discover now