Zoe's Point of View


Nakakainis! Nakakainis talaga! Bakit kailangan pa nilang magpanggap nasa student council sila para lang pagsayawin pa kami? Ano bang trip nila at gusto nila kaming ipahiya? At saka bakit gano'n 'yung mga estudyante dito? Parang may mali talaga sa school na 'to. We need to figure it out.

"Ready girls?" tanong ni Yannie nang nasa harap na kami ng pinto ng room.

"Sandali lang. Remember to act natural. Kunyari hindi natin alam na naloko tayo nu'ng apat na lalaki. Wala tayong gagawin. Hindi tayo makikipag-away except kung kailan na talaga. Okay?" bilin samin ni Ayu.

"Okay," pagsang-ayon naming tatlo at tuluyan ng pumasok ng room.

Wala pa ang teacher nang makarating kami. Pagpasok namin, pansin agad na nakatahimik lang ang girls habang sobrang nanggugulo ang boys. May mga nagbabatuhan pa ng papel at tumatama na ang iba sa mga babae pero mga hindi naman nagsosorry ang mga lalaki. At saka kakaiba ang seating arrangement. Magkakasama sa left side ang boys at nasa right side naman ang girls.

Dire-diretsyo lang kami at inoccupy ang seats sa likod. Ayon na lang kasi ang bakante. Sa kasamaang palad, katapat namin 'yung apat na lalaki kanina. Nabwibwisit talaga ako sa kanila. Pero kailangan kong magtimpi sa ngayon. Bawal gumawa ng gulo.

Nananahimik kami nang lumapit sa amin 'yung isang lalaki. Ito ata 'yung nagpakilalang Josh kahapon.

"You finally got your I.D., huh?"

"Yeah, sure, state the obvious," bulong ni Sab dahilan para sikuhin siya ni Yannie. Keep cool.

"May sinasabi ka?" tanong ni Josh.

"Ang sabi ko, oo nga. Kailangan na kasi namin 'to. Mahirap na, baka mapagsayaw niyo ulit kami, 'di ba? Mukha pa namang strikto ang mga nasa studet council," sarkastikong sabi ni Sab with an emphasis on the 'student council'. Mukha namang hindi nahalata ni Josh 'yun.

Magsasalita pa sana siya nang dumating na ang teacher. "Good morning, class." bati niya sa amin.

"Good morning, ma'am!" Puno ng energy na pagkakasabi ng boys at malatang bati naman ng girls.

Tiningnan niya ang mga estudyante at nang makita kaming apat ay napangiti siya, "Mukhang may mga bagong mukha dito ha." Nagpunta siya sa gilid at itinuro ang unahan ng classroom sa amin, "Girls, please introduce yourselves."

Tumayo naman kami at nagpunta sa harap. Habang naglalakad ay nagbubulungan na naman 'yung girls at nagpipigil ng tawa ang boys. What's with them? May mga saltik ata tao sa school na to.

Pagdating namin sa harap ay agad na kaming nagpakilala.

"Hello, everyone, I'm Zoe."

"Yannie."

"Good morning. I'm Ayumi."

"Sabrina here!"

"Akala ko ba your name is leaving?!" sigaw ni Josh na nasa likod. Nagtawanan naman ang mga boys.

Nang tingnan ko si Sab ay nakataas na ang kilay. Hala na. Napikon na. "Sa 'yo na mismo nanggaling. Akala mo lang 'yun. May tama bang akala?"

"Oooh," kantyawan ng mga lalaki.

"Okay. Okay. Tama na 'yan, boys. And girls, welcome sa Kingdom High. You may go back to your places."

Nasa gitna palang kami at hindi pa nakakarating sa pwesto namin nang magtawanan na naman ang boys. Ano na naman?!

Teen Clash (Boys vs. Girls)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!