A/N: Dedicated sayo, @phoebe0777. Inspired lang ako sa writing skills niya. Try to read her works.
________________________________________________________________________________________________
SIMULA
Isa lang din naman ako sa mga libu-libong sumasakay sa tren. Kaya nga kadalasan, e, nananakawan pa ko, at idagdag mo pa na wala pa ko sa pupuntahan ko, e, ang haggard ko na. Hay grabe!
Ewan ko lang kung bakit ngayong araw, e, medyo uneasy ako. Siguro dala ng kalagkitan ko dahil sa maghapong pawis. At kapag uneasy ako ay talagang iritado ako, nandyan yung tendency na mang-iirap ako kung kani-kanino at ang worse pa nga ay sinasaktan ko yung sarili ko, if you get what I mean.
Kinuha ko na lang ang iPOD ko sa bag at sinaksak ang earphone sa tenga ko.
Tinodo ko na ang volume ng iPOD ko para feel na feel ko ang music at ma-lessen ang nararamdaman ko. Hindi ko nga iniisip na pwede ng mabasag ang eardrums ko. Umaatake na naman talaga ang pagka wala-me-care ko.
Medyo marami-raming tao ngayon, hindi na pala medyo! Talagang-talaga. Rush hour na naman kasi, e. No choice na lang talaga ko kundi maghintay na makasakay. Pauwi naman na ako at hindi or should I say ay wala naman akong gagawing importante mamaya, kaya ayos lang kung hindi muna ko makasakay agad.
Dumating din sa wakas ang tren pero punong-puno talaga! May mga nakikisiksik na ibang pasahero papasok kaya lang hindi na talaga keri.
Wala din naman akong balak makipagsiksikan kaya nanatili na lang ako sa pwesto ko.
Habang lumilipas ang oras, e, mas nadadagdagan pa ang tao. Sa gan'tong panahon at sitwasyon, kung commuter ka talaga ay masasanay ka na pero kung minsan talaga mabibigla ka na lang sa nakikita mo.
Katulad na lang ngayon, medyo nabigla lang ako sa nadaanan ng mga mata ko.
May isang bagay lang talaga ang pumukaw ng atensyon ko, hindi pala bagay kundi tao. Pano ba naman mukhang gagawa ng krimen. Balot na balot, yung tipong parang branded pa yung jacket na suot, yung may sumbrero, hoodie ata tawag 'ron at naka-shades pa. Sa isang banda naisip ko tuloy baka style niya lang yun.
Nakaramdam na sigurong tinitignan ko siya dahil tumingin siya sa pwesto ko pero dahil alerto ako ay nabaling ko agad yung paningin ko.. bumaon ata sa kanya ang nakakasindak kong paningin.
Nagpalipas lang ako ng ilang minuto at saka lumingon ulit dun sa lalaki na para bang nadaan lang siya ng paningin ko. Kung makaarte lang ako parang daig ko pa yung look out namin sa klase. Kaya lang lumabas ata ang puso ko sa pagkabigla.
Nakatingin lang naman siya sakin. Buti na lang talaga dumating na yung tren.
Pero mukhang pati sa loob ng tren, e, matutuluyan na ko sa sobrang kaba. Kasi naman ilang inches lang ang layo sakin nung Mr. Hoodie. Thank you na lang talaga kay ate na pumapagitna samin.
Habang naandar yung tren, may na-realize na lang ako bigla. Paano ako nakakasiguradong ako yung tinignan niya, e, naka-shades nga siya? Nag-conclude naman agad ako. Hays!
Medyo nangangalay na rin ako dahil nakatayo lang ako, punung-puno nga yung loob ng tren, e.
Wala naman akong mapaglibangan dahil bukod sa wala akong masandalan na matigas na bagay kundi itong mga tao sa paligid ko ay lowbat na ang iPOD ko. At tunog lang ng engine ang maririnig.
Marami-rami ring bumaba sa isang istasyon at isa na dun si ate na pagitan namin, kaya eto magkatabi kami, I'm referring to Mr. Hoodie. May maganda din naman pa lang naidulot ang pagbaba ni ate dahil makakasandal na ko malapit sa tabi ng pinto.
Hindi ko tuloy mapigilang hindi mapatingin kay Mr. Hoodie. Ngayon lang din pumasok sa kokote ko na may codename na pala ko sa kanya. Natawa na lang tuloy ako ng wala sa oras.
"Anong nakakatawa?" out of nowherena tanong ni Mr. Hoodie.
"Ha?" yun na lang ang reaksyon ko habang nakatingin sa kanya. Feeling close pala ang isang 'to!
"Bwiset 'to! Wag ka nga!" mas na-weirduhan pa ko sa kanya. Baliw ba 'to?
"Ikaw nga 'tong react ng react, e. Tumawa lang ako." pabulong na sabi ko.
Siya naman, e, napa "Whatever!" na lang. Sarap bangasan! Naku!
Hindi ko pa din inaalis ang tingin ko sa kanya at dun ko lang nalaman na hindi ako yung kausap niya...kundi yung nasa phone niya! Yung totoo, bakit ang palpak ng sistema ko?! Pahiya ako dun ah!
Buti na lang hindi niya narinig mga pinagsasasabi ko pwera lang dun sa isang babae sa harap namin na nagpipigil na ng tawa. Hays! What a coincidence naman kasi!
Nung nakarating na kami sa istasyon na bababaan ko, na bababaan din pala niya ay bumaba na agad ako.
At ang nagpabilis lang ng tibok ng puso ko ay nung may pahabol pa siyang... "Kala mo ikaw kausap ko, 'no?!" sabay tawa ng mahina. Hindi naman ako boplaks dahil alam kong ako yung sinasabihan niya! AKO!
So ibig sabihin narinig niya nga?! Wag na sanang magtagpo ang landas namin....BWISET!
