Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

Chapter Eight

340K 11.3K 2.5K
                                    

Chapter Eight

"Ano ba'ng nangyari sa kanya?"

"Ang kulit naman nito, sabi ngang hindi ko alam!"

Naalimpungatan ako dahil sa mga pamilyar na boses. Why am I hearing Mia and Gray's voices? Where am I? Binuksan ko agad ang mga mata ko at nakita si Gray na nakatayo sa dulo ng kama while Mia's face hovered over my head kaya umatras siya nang makitang gising na ako.

"I was looking all over for you tapos natutulog ka lang pala rito!" Mia exclaimed in exasperation.

Nilapitan ako ni Gray at hinipo ang noo ko. "Wala ka namang sakit. Ano ba'ng nangyari sa 'yo?"

Napangiwi bigla si Mia. "You smell like grass."

Naamoy pa niya 'yon? Inamoy ko naman bigla ang sarili ko, suddenly feeling conscious. I smelled normal naman. Maybe that's the vampire in her speaking.

Umupo ako at tiningnan silang dalawa. "Hindi ba pwedeng inantok lang at naisipang matulog?"

Ano naman ang dapat kong isagot sa kanila? Na hindi ko rin alam kung ano ang nangyari sa 'kin? They would freak out if I tell them that. Besides, hindi ko rin alam kung paano ako napunta rito. The last thing I remember was being with Carly Woodsen at hapon pa 'yon. Gabi na ngayon. Anong oras na kaya?

"Magdi-dinner na sana kami kaso hindi ka namin maiwan mag-isa rito," Gray said, answering the question in my mind.

Napabuntonghininga na lang ako. Ang tagal kong natulog, sana hindi ako mahirapan matulog mamaya.

"Gising ka na kaya tara na!" aya agad ni Mia.

I didn't waste time to follow them. Lumabas na kami at nakihalo sa students na pupunta ring dining hall. Niyakap ko ang sarili ko dahil sa lamig. It's always cold in SA kahit na umaga because it's up north and it doesn't rain that much compared to Eraie. We rushed inside the hall. Kumuha agad kami ng pagkain habang daldal nang daldal si Mia. Hindi ko na nga masundan ang kwento niya. I trailed my eyes over the hall instead at saktong tumama kay Carly na nakatutok sa cellphone niya. She's sitting at their usual table with her group. Rianne rambled on while Cain was intently listening to her. Senri, on the other hand, looked bored.

Binalik ko na lang ang attention ko sa pagkain. I can't talk to her now. Wala akong lakas ng loob na puntahan siya to question her about what happened so I'll wait. Maybe when she's alone.

Tumigil si Mia magkwento when her alarm went off. She proceeded to take out the steel box with her daily blood dosage kaya umiwas ako ng tingin to give her a little privacy. Natapos akong kumain at sakto namang namataan kong tumayo si Carly. Sinundan siya ng tingin ni Cain, pero dere-deretso siyang lumabas. Tumayo agad ako para sumunod. She's going to be alone. No one was loitering around the hallway at this time so this was my chance.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Gray nang makita akong tumayo.

"Uhm...I need to pee."

"May comfort room naman dito—"

"Doon na lang ako sa bandang Science Wing. Mapili kasi 'yong bladder ko." Nagmadali na akong lumabas para hindi na niya ako matanong pa. Tumakbo ako palabas at agad na hinanap si Carly. I saw her walking by the end of the hallway kaya tinakbo ko agad ang distansya naming dalawa, calling her in the process. "Carly!"

Nilingon niya ako at tinaasan ng kilay, not looking surprised at all. "Kaunting dipa lang 'yong tinakbo mo, hiningal ka na agad?"

"Pasensya na ha. Hindi naman ako katulad niyo." I glared at her. Kasalanan ko bang nakatatamad mag-exercise at mas gusto kong nasa kama lang?

Sinclaire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon