x20: The Truth in a Bunch of Lies

185K 2.2K 107

x20: The Truth in a Bunch of Lies

[ADRIAN's PoV]

Agad kong pinauna si Chelle sa may readers club nang yayain ako ni Jude na makipag-usap. Kasi naman, type kaya sya ng mokong na yun! Sobrang type to the point na naging stalker na nya yun! TSK. 

Pinanood ko sya hanggang sa makaakyat na sya ng hagdanan.

Naku.. Baka isipin naman pala ni Jude na sinusulot ko ang babaeng gusto nya.

"Pare.. Ano yan?"

Napatingin na ko kay Jude sa tanong nyang yun. Sya naman ay nakatingin sa portfolio ko na nakaipit sa braso ko.

"Anong ano?" tanong ko rin sabay baling ng tingin ko sa tinitignan nya.

Ay AMPOTEK! Yun yung binabasa ko kanina na tinago ko kay Chelle! Dumulas na pala nang unti yun mula sa portfolio ko! Mabilis ko yung inipit ulit patago sa portfolio ko.

"JOB FINDER yun ah? Diba?" Ang galing! Nagtanong pa sya kanina eh alam na rin naman pala nya kung ano yun!

"Job finder nga! Ano naman sayo?"

"Ahh.. Hah.. HAHAHAHAHA" potek. Sige. Tawa. "Parang suicide lang yun ah? Balak mong magtrabaho kasabay ng pag-aaral mo ng arki? Hahahaha.."

=___=

Totoo.. Sa pag-aaral ko pa nga lang kasi ng 'arki' eh kulang na ang 24 hours ng isang araw ko tapos balak ko pang magtrabaho ngayon? Para nga lang talaga akong magpapakamatay nun.

Pero kasi, nahihiya na ko kay Chelle. Sya, nagagawang magtrabaho para sa anak namin tapos ako na naturingang ama, walang ginagawa? Puro gastos lang ako eh. Gastos ng mga perang bigay ni Mama.

"PERO AYOS LANG YAN PRE!" buti naman hindi na natatawa tong si Jude. "Naiintindihan ko, kailangan mo nang mag-bagong buhay. Para sa..hmm..para sa anak mo diba?"

Nanlaki ang mga mata ko sa tanong ni Jude.

A..Alam na nya ang tungkol dun? Paanong..

"Wag ka na magtaka kung bakit alam ko yun! Diba nga, halos stalker na ko ni Rachellyn? At aksidente ko kayong nakita nung Friday..dun sa pinagtatrabahuan nya.. Paalis na kayo nun at may buhat kang batang lalaki...na kamukha mo."

Ah..

"Pero..tama ba ko? Anak mo yung bata? At si Rachellyn ang nanay?"

Bumuntung-hininga ako ilang saglit pa ko nanahimik. Sana lang, hindi magalit si Chelle sa gagawin kong pag-amin na toh sa kaibigan ko.

"T-Tama ka.. Anak ko yung bata.. Anak namin ni Chelle..I mean, ni Rachellyn."

Playboy's Baby (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!