#4 YOUR NUDES ARE SAFE WITH ME

736 6 0

Chapter 4

* 6:12am *

Gumising ako at nakayakap lang sya, naisipan kung umuwi na kaya marahan kung inalis yung kamay nya, binuksan ko na yung pinto kaso nahulog yung phone ko kaya nagising sya at tinawag nya ako

" Karl? " banggit nya

" Uuwi na ako, papasok pa ako Ed, ikaw 'di ka ba papasok? " sagot at tanong ko sa kanya

" Dito ka nalang muna, tinatamad pa akong pumasok "

" Ed, kailangan ko nalang umuwi, malamang sermon aabutin ko neto kay Ate " sagot ko

Tumayo sya bigla at sabay sabing...

" Ah ganun ba? Tara ihahatid kita sa inyo " misteryosong sagot nya

" Naku, wag na Ed, I can handle myself, kita nalang tayo mamaya sa school " sagot ko sabay alis

" Karl, wait " bumangon at tumayo

" Oh? " sabay lingon sa kanya at lumapit

" Basta, handa akong maghintay " Sagot nya sabay halik sa labi

Ngumiti lang ako at sinamahan nya akong bumaba sa hagdan paalis ng  bahay at 'di na ako nagpahatid sa kanya, sumakay nalang ako ng Taxi pauwi ng bahay

Edward's POV

Inihatid ko nalang si Karl palabas ng bahay, nagpunta ako ng kusina para kumain muna bago maligo, eksaktong may cup noddles sa loob ng ref at nilagyan ko ito ng mainit na tubig at kumain

Pagkatapos kung kumain ay umakyat ako ng kwarto at kumuha ng twalya, pumasok sa CR at dun naligo. At habang naliligo ay iniisip ko ang mga pangyayaring naganap kahapon, grabe 'di ko talaga inexpect na si Karl si Mr. Anonymous, matagal na akong may gusto sa kanya at nililihim ko lang ito, ayaw ko kasing malaman ng iba na bi ako.

Masayang masaya ako dahil magkalapit na ang loob namin sa isa't-isa.

Binilisan kong maligo at nagbihis agad para pumasok, gusto ko na rin syang makita agad

( Fast Forwarded )

Nasa school na ako, eksaktong kasusunod ko lang sa pagpasok kay Ms. Elpidang, professor namin sa General Mathematics. Nasa likuran ako naka-upo at sa harap sya pero wala sya, nagtaka ako kung bakit, siguro paparating pa, pero patapos na yung first subject wala pa rin sya.

Karl's POV

Nakarating na ako ng bahay, pagpasok ko ng pinto ay nasa sala si Ate may inasikaso sa laptop nya

" Andyan ka na pala, pumunta ka ng kusina andun si mama " utos ni Ate

Nilagay ko bag ko sa upuan at medyo kinabahan dahil malamang kay mama ako makakatanggap ng sermon

" Magdasal ka na " pang-aasar ni ate

Pumunta ako agad ng kusina, andun si Mama naglalagay ng mga binili nyang pagkain sa ref, at makalat ang kusina dahil nandun nakalagay mga maleta nya na mukhang mag-aabroad

" Ma? " tawag ko na medyo kinabahan, alam kong magagalit ito

Lumingon ito, at yun nga pinagalitan ako, baka ano-ano na daw yung mga ginagawa ko, baka 'di na daw ako pumapasok, baka daw GF na ang inaatupag ko. Pero 'di na ako nagpaliwag pa kung ba't 'di ako umuwi kagabi dahil alam kong sinabi na ni ate ang tinext ko. At maya-maya din ay kumalma na ito at may mga ibinilin

" Cheska? " tawag ni mama

" po? " sagot ni ate

" Halika muna dito, may pag-uusapan tayo " si mama

YOUR NUDES ARE SAFE WITH METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon