#5 YOUR NUDES ARE SAFE WITH ME

636 4 0

Chapter 5

" Grabe ang galing mo kanina Ed, pwede ka nang mag-audition as artists, napaniwala mo si mama "

" Sus, parang yun lang "

" Napatitig nga si Ate sayo eh, grabe believe na ako sayo "

" Baka gusto ako nun " sabi nya

Medyo nakadama ako ng sakit kaya tinalikuran ko sya at umupo sa kama

" Uy, biro lang... Syempre baby kita kaya mahal kita "

Lumapit sya pero hindi ako kumibo, kumuha ako ng notebook at libro sa bag para sagutan nalang yung assignment at 'di sya pinansin at may kumatok at si Ate ito

" Karl? "

Tumayo ako at binuksan yung pinto dahil ni-lock ko ito

" Bakit Ate? "

" Kumain na ba kayo? "

" Hindi pa po "

" Kumain mo na kayo, may adobo dun sa kusina "

" Sige po ate, susunod kami "

Bumaba si Ate at niyaya ko si Edward para kumain pero nagtatampo yata

" Ed, Tara kakain tayo " yaya ko

" Ikaw nalang... Wala akong gana... " matamlay na sagot nya

" Sus, Tara na... Nahihiya pa "

Hindi naman ito sumagot at humiga lang at nagtakip ng unan sa mukha

" Galit ka ba? " tanong ko

" Nope " simpleng sagot nya

" If not, so why you're acting like that? " tanong ko

" Galit ka kasi sa'kin "

" Mukha ba akong galit? Eto nga oh, niyayaya na nga kita "

" talaga? 'di ka galit? "

" Oo nga, nagtatampo lang ako kanina, pero wala na yun kasi alam kong mahal mo naman ako diba? "

" Sobra " sagot nya na namumula ang pisnge at nakangiti

Bumaba kami papuntang kusina para kumain, eksaktong nakahanda na si ate

" Kumain na kayo " yaya ni Ate

" Kayo ni Mama? " tanong ko

" Kanina pa kaming kumain, sinabayan ko na si Mama, maagang matutulog daw kasi sya "

Tumango nalang ako at umupo na kami ni Edward at kumain

( Fast Forwarded )

Pagkatapos naming kumain ay hinugasan namin pareho yung pinagkainan namin, talagang masarap sa pakiramdam ang kasama mo ang taong mahal na mahal mo

Pagkatapos naming kumain ay umakyat na kami pareho, humiga ako agad dahil medyo napagod ako sa buong klase at itinabi ko muna yung assignment ko

Nagkumot ako at pinikit ko na yung mga Mata, nagulat ako dahil biglang pumatong si Edward sa katawan ko

" Uy Ed, ang bigat mo " sabi ko sabay alis ng katawan nya

" Ay sorry baby "

" Ba't ka kasi pumatong? "

" Masaya lang ako kasi baby na kita " sabi nya sabay kurot sa pisnge ko

" Sus, Tara matulog na tayo "

Humiga naman sya at yumakap ng mahigpit at humalik sa pisnge

" Ed, nakakarami ka na "

" Eh di bumawi ka " sabi nya sabay kindat

YOUR NUDES ARE SAFE WITH METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon