Prologue

211K 3.2K 198

"Ang makakatuluyan mo ay isang taong galing sa nakaraan, minamahal mo sa kasalukuyan at makikilala mo sa hinaharap."

Iyan ang hula kay Toby ng isang matanda sa eskenitang nadaanan niya isang araw. Kakatapos lamang ng kasal ng best friend niyang si Jasmine kung saan siya ang best man. Watching her walk down the aisle towards the man she loves, he felt the pain so excruciating, it was like somebody put his heart aflame.

"May tatlo kang kaibigang babae, hindi ba?" dagdag pa ng matanda.

"Opo," sagot niya. Naguguluhan pa rin siya sa kuneksyon noon sa sinasabi ng matanda.

"At ang isa sa kanila ay minahal ka dati?"

Naalala niya si Gale.

"Opo."

"At ang isa ay mahal mo pa rin hanggang ngayon."

It was not a question, but a statement.

"Opo."

The old woman gave him a toothless grin. "S'ya ang makakatuluyan mo, hijo."

Maniniwala na sana siya rito. May mga bagay tungkol sa kanya na nahulaan nito kahit hindi nya sinasabi. But that last statement blew it.

Makakatuluyan nya si Jasmine? Imposible. He just went to her wedding. And now, they're off to their honeymoon. Kilala niya ang best friend niya. Kahit noon pa man, kaibigan lamang ang turing nito sa kanya at sa paglipas ng panahon ay hindi iyon nagbago.

"Imposible ho," sabi niya rito.

"Walang imposible sa mundo, hijo. May mga bagay lamang na sadyang mukhang malabong mangyari."

"Kasal na ho sya," giit niya.

Umiling ito at ngumiti. "May kakaibang paraan ang Diyos ng pagtupad ng mga pangarap. Tandaan mo 'yan."

Nagpasalamat siya sa matanda. Siningil siya nito ng isang daan. Dumukot siya ng isang daang piso sa bulsa at iniabot iyon sa matanda. Saka siya umalis. 

Bago makaliko ay nilingon niya itong muli pero wala na ito sa dati nitong pwesto. Hindi sya naniniwala sa multo o hula. Pero pinangilabutan sya ng mga sandaling iyon.

Shuddering, he continued walking.

Ayaw niyang maniwala sa hula. For he believes that he had already found his greatest love and she just married hers. There's no way he could ever get through that.

Pero baka nga naman tutuparin ng Diyos ang pangarap niya sa kakaibang paraan.

Sana.

T-Shirt Girl (COMPLETED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!