Chapter 1
KINABUKASAN
Monday morning came. Nagising ako dahil sa sobrang sakit ang tyan ko. Bumangon na ako sa pagkakahiga at pumunta na sa CR at ginawa na ang morning routine ko.
Nang matapos na ako sa aking morning routine, bumaba na ako para mag almusal. Inilagay ko muna sa couch 'yung aking bag bago pumuntang kusina.
"Good morning, my lady." bungad ni Mama sa akin ng makarating akong kusina. Nilapitan ko si Mama at nag beso sa kanya.
"Good morning too, Ma." sabi ko at umupo na sa right side ni Mama. Si Papa? Wala si Papa maagang umalis kase tambak pa ang gagawin nya sa Company.
Nagsimula na akong kumain nang mag salita si Mama, "By the way anak, may nag padala kahapon ng McDonald delivery dito." Napatigil ako sa pag subo ng kanin dahil sa sinabi niya.
"Nag padeliver ka ba?" tanong nito.
Nag iwas ako ng tingin at nag focus sa pingan ko kunyare nag sasandok ako ng kanin, "Opo Ma. Nakalimutan ko lang po kahapon na nag padeliver ako." palusot ko. Ba't kase nakalimutan ko' yon. Ang gaga ko talaga.
"Ah, sige." 'yon nalang nasabi niya at nag patuloy na kami sa pagkain.
Nung matapos na ako sa pagkain ng almusal tumayo na ako at nag paalam kay Mama. Pumunta muna ako sa aking kwarto sa taas at kinuha ang phone kong naka charger. Pag kakuha ko nito ay saktong may na received akong text from Claret.
From Claret
Good Morning, my Lady. See you later.
Hindi na ako nag reply at bumaba na ako. "Ma, pasok na ako!" paalam ko. Kinuha ko muna 'yung bag ko at kiniss Si Mama sa cheeks. Nag reready na din siya papasok ng office.
Lumabas na ako ng bahay at sumakay na sa kotse. Medjo masakit pa din ang tyan ko. Haist, sana mawala na 'tong sakit na ito.
Hindi nagtagal nakarating na kami sa school. Almost 20 minutes lang ang byahe mula sa bahay namin hanggang sa school. Nag paalam na ako sa driver at nag thank you tsaka bumaba na ako ng sasakyan.
Pag kababa ko bumungad sa akin ang malaking gate nito na kulay brown. I swipe my ID card at bumukas na ang maliit na gate sa gilid ng malaking gate. Bago pa man ako makapasok ng tuluyan may scanner doon na kung saan kailangan i-scan ka at ang bag mo pagkatapos ko doon ay tuluyan na akong nakapasok sa school, pagkapasok ko madaming studyante na ang naglalakad-lakad doon.
Nakapaskil pa din ang tarpolin na may nakasulat na:
Welcome
to
Far High Academy
(SY. 2017-2018)
Nakapaskil pa din ito kahit na nasa mid-school year na. Nagsimula na akong maglakad. Hindi pa ako nakakalayo ng gate ay may tumawag sa akin.
"Gale!"
Lumingon ako kung sino iyon.Sa lakas ng boses hindi na akong mag tataka kung sino iyon, She is Jayme Alvarez my best friend. Tumigil ako sa paglalakad at hinintay siya.
Nung nakarating na sya sa harap ko ay sabay na kaming naglakad papasok ng building. Umakyat na kami ng hagdan at nag simula nang tumaas.
Ako nga pala si Gale Buenviaje. 16 years old. 4th year student, recently studying at Far High Academy. July 28 is my birthday.
Nang makarating kami sa 3rd floor hindi muna kami dumaretsyo sa amimg classroom. Nag locker muna kami bago pumuntang classroom.
Umupo na kami sa aming mga upuan. Sa second row ako nakaupo right end ng second row. While Jaymie's row was fourth row at the middle column.
After two subjects, break time na inayos ko muna yung mga gamit ko sa upuan ko at inayos ang bag ko.
"Gale!" tawag ni Jaymie. Sign na lalabas na kami ng room. Hindi ako tumingin sa kanya at pinagpatuloy ang pag aayos ng gamit.
"Kakain ka?" tanong ko sa kanya.
"Oo." sabi niya. Kinuha ko na yung baunan ko at lumabas na kami at pumuntang canteen. Sabay naming inilagay ang baunan namin sa table at kumuha ng utensils.
"So anyare?" tanong nito.
Tumigil ako sa pagkain at tumingin sa kanya.
"Ayun, ganun pa din walang nangyayare. We're strangers pa din" sabi ko. She was referring sa crush ko. Si Claret.
"Nakaka chat mo?" Tanong muli nito.
"Oo." maikli kong sagot. Iniiwasan kong sya ang topic, baka masabi ko ang hindi dapat sabihin.
"Eh kayo? Musta?"
"Sineen nya lang ako." paiyak na sabi nito.
"Gah! Sasapakin ko na ba?" pang aasar ko.
Pag katapos nun wala nang nagsalita at pinag patuloy na ang pagkain nang aming baon.
Hindi nag tagal ay bumalik na kami sa aming classroom dahil time na. Computer kami ngayon dahil Monday.
Haist, sana po wag akong antukin. Sabi ko sa sarili ko nung makapasok na ako sa Computer Lab.
Programing ang topic namin ngayong Grade 10 sa computer. Last ywar kase coding.
"Good Morning class!" bati ng aming guro. Nagsitayuan naman kami sabay sabing; "Good Morning Miss. Hernandez." at umupo na kaming muli.
Lumipas ang oras at sumapit na ang lunch. Sabay kami ni Jaymie na bumaba at pumuntang CR. Routine na ata namin ang pumuntang CR o tumambay sa CR tuwing lunch. Mainit kase sa labas at tanging sa CR lang malamig.
"Si Red oh!" sabi ko, tinutukoy ko ay Si Claret dahil ang meaning ng name nya ay Red wine. Lahat ata ng pangalan nila ang meaning ay wine e.
"Mahal mo?" biglang tanong ni Jaymie.
"Oo, sobra." sabi ko.
"Nasasaktan ka?" Umupo ako sa may lababo ng CR dahil mahaba ito. Dun ako umupo sa hindi basa.
"Syempre, oo. Hindi mo naman maiiwasang masaktan ka oag nag mamahal e." sabi ko at tumingin kay Claret. Ayun nanaman sya may kasamang babae.
"Tigilan mo na kung hindi mo na kaya." sabi ni Jaymie.
Haist, jaymie bebewap kung alam mo lang. Kung pwede ko lang sabihin sayo ang totoo. Kaso ayaw ni Claret na pasabi na merong kami. Hindi ko pwedeng sabihin sayo. Sana wag kang magalit sa akin Jaymie pag nalaman mo ang katotohanan. Isip-isip ko.
BẠN ĐANG ĐỌC
Spaces Between Us
Teen FictionHanggang kailan maitatago, Ang pag iibigang meron tayo. Hanggang kailan iiwas sa tuwing tayo ay mag kakasalubong. Hanggang kailan. Hanggang kailan mo ako sasaktan. Hanggang kailan ako magtitiis na hindi sugurin ang mga babaeng luamlandi sayo. ...
