Tumingin ako sa orasan ,
"Oh 4:00 palang pala , jeez mamayang 6:00 pa ako tatakbo eh"sabi ko sa sarili ko

Sabay napatingin ako kay Liwanag

"Oh ano , patanggal tanggal ka pa kasi ng shirt eh , ano ngayon?giniginaw ka na diyan" kaya kumuha ako ng kumot at nilatag sa kanya ng hindi nakatingin , inis naman kasi eh , bakit ang hilig mag topless nitong lalaking to

Umupo muna ako at nakita ko yung basong may blueberry juice , at napahawak ako sa dibdib ko ,

"Teka , dahil ba dito gumaan yung pakiramdam ko?"at di ko alam bigla nalang akong napasmile

At bigla nalang akong nakaramdam ng paghinga ulit kaya naman napatingin ako sa tabi ko

"Boo." Nanlaki yung mata ko
"Kyaa!"dahil sa kalokohan niya bigla nalang akong nalaglag sa kinauupuan ko

"A ouch-- "napahawak ako sa balakang ako , asar! Ang sakit ng pwet ko

"Hahahha blueberry juice ininom mo ha? Hindi naman kape diba? Hahahaha" lumapit siya sakin at inabot niya yung kamay niya sakin

Kaya napapikit ako ," Doon ka nga! Magpakita ka sakin kapag naka shirt ka na!"

"Masyado bang nakakasilaw tong katawan ko ?" At bigla na siyang umalis sa harapan ko

"Teka? Okay ka na ba?" Seryoso niyang pagkakasabi , pero di nalang ako umimik

Tumayo na ako at nakita ko siyang binuksan niya yung ref namin

"H-hoy , anong ginagawa mo diyan?"tanong ko sa kanya , at talaga nga naman di pa rin siya nagdadamit

"Magluluto " Siya palang yung lalaking nakilala ko ng ganto yung puro papogi pero ang sarap pala magluto .

"Tatakbo ka ba mamaya?" Napaangat yung ulo ko

"Teka paano mo nalaman na tumatakbo ako?"

"ako pa ba? Hahahahahaha"
"Tsss"kaya naman binato ko siya ng damit

"Aray hahahaha " kinuha niya yung damit na binato ko sa kanya pero bigla niya lang sinampay sa may harang doon sa may pintuan namin

"Hoy di ko pinapasampay yan sayo , s-suotin mo yan" akala ko susuotin niya na kasi kinuha niya eh , pero yun pala nilagay niya lang sa may balikat niya

At lumapit na siya sa may hapagkainan at nilapag na yung mga pagkain

"Oh kain na"napatingin ako sa kanya , habang nagaayos siya ng mga mangkok , napalunok ako , bakit ba ganito siya , di ba siya na iilang na may nakakakita ng katawan niya?

"Aki baka matunaw" napaangat naman ako ng balikat at kunwari wala akong alam sa sinabi niya at kinuha na yung kutsara't tinidor at kumain na

"A-ano.."

"Masarap? "Tanong niya bigla

"Ah e , i-ikaw nalang ba talaga?"Aki , ano bang sumagi sa isip mo at tinatanong mo siya ng ganyan?

"Anong ako nalang?"

"Ah wala wala nevermind"

"Alam ko na , kung ako nalang ba at wala na akong ibang kasama? Hahahaha meron pa naman kaso isa nalang siya" napastop ako sa pag nguya at nakasubo sakin yung kutsara ko at tumingin sa kanya

"Hahaha oh ano? Bakit mo pala natanong?" Napalunok na ako at tinanggal ko na yung kutsara sa bunganga ko

"W-wala naman , kasi n-nakita ko kayo nun"bigla nalang siyang umayos ng upo at nagsuot ng shirt , haysalamat

"Talaga? Hahaha So nakita mo pala kung paano ako iniwan ng ate ko nun?" habang umiinom ako bigla ko nalang nabuga ,

ATE?!

Heart to HeartBasahin ang storyang ito ng LIBRE!