Alam ko na darating ang araw mayroong magkakagusto sa Bestfriend ko.


Kung meron mang magkakagusto sa bestfriend ko,

kailangan niya munang dumaan saken!


Lumapit si Yuna sa kanya.

"Magkakilala na kayo?" tanong ni Yuna.

"Ha? Hindi. May pinagusapan lang kami saglit." sagot naman niya.

"Yuna, may naghahanap sayo." tawag kay Yuna ng isang classmate.

Mabilis namang lumabas ng room si Yuna.

Nakatitig lang si Jion kay Yuna na kausap sa labas si Gabriel.

Maya-maya pa pumasok na ulit ng classroom si Yuna.

"Wow sino yun? Nanliligaw sayo?"

"O BF mo na?" mga tanong ng tsismosong kaklase nila.

"Hindi. Gusto lang niyang manlibre para makabawi saken. Gusto niya lang makipagkaibigan." sagot naman ni Yuna.

Makabawi? Magaling rin ang diskarte niya ah.

Alam niyang hindi yun tatanggihan ni Yuna.

"Ha?" nagtaka ang mga kaklase niya.

"Maraming bagay din kasing nangyare." explain niya.

"Ah teka! Siya ata yung parating bumubunggo sayo ah." hinala nung isa.

Napatingin si Yuna kay Jion na nakikinig sa usapan nila.

"Hindi, hindi niya yun sinasadya." pagdedepensa niya.

Hindi mo naman siya kailangang depensahan dahil alam ko na yun.

Bat ba mas nagaalala ka pa saken kesa sa sarili mo?


Dismissal:

Nakita niyang hindi mapakali si Yuna at parang nagdadalawang isip kung pupunta siya.

"Gusto mong samahan kita?" alok niya.

"Jion!" lumingon ito sa kanya.

"Oo. Pwede ba?" sagot at tanong ni Yuna.

"Oo naman. Alam ko namang mahiyain ka sa mga taong kakikilala mo lang eh."

"Ehehe. Sigurado mas enjoy pag madami." sabi ni Yuna.

Sa tingin ko hindi siya mageenjoy.


"HA? Nagbibiro ka ba? Kasama siya?" reklamong tanong ni Gabriel.

"Bakit naman hindi? Ako naman ang magbabayad ng kakainin ko." supladong sabi ni Jion.

"Isa pa, parati kaming magkasama ni Yuna. May problema ka ba don?" dugtong niya.

Tinignan mo na niya si Yuna bago sumagot.

"Hm. Wala naman akong problema..." alanganing sagot nito.

"Walang problema? Kung ganong magenjoy tayo. Tayong tatlo." may pagkademonyong pagkakasabi ni Jion na sinagot naman ng matalim na tingin ni Gabriel.

Kumain sila sa G** Canteen.

Nagorder lang ng regular burger and coke si Yuna.

"Yan lang ang kakainin mo?" tanong ni Gabriel.

"Oo." sagot ni Yuna.

"Hindi mo kailangang magtipid. Ayos lang saken." sabi ni Gabriel.

"Oo nga naman. Orderin mo ang pinakamahal." dugtong ni Jion.

Overly Attached Best FriendBasahin ang storyang ito ng LIBRE!