TKSAI 33 - (Promotion video)

2K 46 12

"Sino daw ba siya? Nagpakilala lang ba naman sayo?" Umiling ako sa tanong na yun ni Lacy. Maging si Mama ganun ang tanong sa akin eh. Umiling lang din ako bilang sagot ko sa tanong na yun. 

Dalawang araw na ang nakaraan nung tumawag sa akin ang kung sino man yun. Nagtataka ako kasi nung una, nung nag-hello, boses lalaki. Mas nagtaka ako nun kasi sobrang bilis ng heart beat ko. Eh kay Luhan lang naman tumitibok ang puso ko ng ganun. 

Umuwi na din ako pagkatapos namin mag-shopping ni Lacy. Niyaya niya kasi ako, panay lang daw kasi ang mukmok ko sa bahay. Dumiretsyo na ako sa kuwarto ko at nahiga ako. 

"Hello?" 

["Annika..."] 

Parang tumigil sa pagtibok ang puso ko nang marinig ko ang tinig na yun. Hindi ko alam kung bakit bumilis ng ganito ang puso ko. Samantalang, kay Luhan lang to nagkakaganito. Boses ba ni Luhan to? Hindi ko makakalimutan ang boses niya, pero this time, parang di ko sure na si Luhan to. Para kasing imposible na tumawag pa siya sa akin. Isang taon na din kasi ang nakalipas eh. Feeling ko nga, nakalimutan na niya ako. 

"Hello, who is this? Can you tell me who are you? P-please t-talk..." Tumulo na yung luha ko. "L-Luhan... I-Is that you? T-talk please... I-I want to hear your voice... I miss you so much...." Sabi ko. Hindi ko alam kung bakit ko nasabi to samantalang hindi naman ako sigurado kung si Luhan to. 

Pero hindi pa din nagsasalita ang nasa kabilang linya. Parang nawawalan na ako ng pag-asa. Sino ba talaga to? Sobrang nalulungkot na ako. Sa nalaman ako about Luhan and Chorong, nasaktan talaga ako ng sobra. Confirmed na daw diba? Huhu. Masakit yun for me. Sign na siguro talaga yun para itigil ko na ang paghihintay ko sa kanya. Siguro, hindi talaga ako para kay Luhan. At hindi talaga siya para sa akin. Hanggang pagiging fangirl lang siguro ako. Dun lang ako nababagay. Hindi dun sa idol ko. 

Kahit na hindi ako sigurado na si Luhan to, naglabas pa din ako ng nararamdaman kong sakit at asar kay Luhan. 

"Is it true that you and Chorong are dating?" Sarkastikong tumawa ako kasabay ng pagtulo ng luha ko. "It hurts... It really hurts... I waited him... I waited Luhan... But  I think... This is really the time for me to stop waiting... We are not meant for each other... I'm just a fan... Just his fan..." Pinahid ko yung luha ko. "Yaaa! Who are you anyway?" Hindi nagsalita yung nasa kabilang linya pero sigurado ako na meron pa akong kausap, na may nakikinig pa sa akin. 

Magsasalita pa sana ako nang may umimik. 

"Uhmm, m-miss. S-sorry wrong number. Bye," 

Napatingin na lang ako sa screen ng cellphone ko nang mag-end yung call. Napakunot-noo ako. Kanina lalaki ang nagsalita pero ngayon, babae na? Shit. Sino ba talaga yun? 

Hindi na ako nag-isip. Instead, umiyak na lang ako magdamag. Masisi niyo ba ako kung miss na miss ko na ang baklang yun? Masakit e.  

— 

Napabuntong-hininga ako. Bakit ang sakit? Bakit sobrang sakit? Bakit hindi nawawala ang sakit? Kahit isipin ko na wag dapat akong masaktan, nasasaktan pa din ako e. Tingin ko, totoo na nagde-date talaga sila ni Chorong. Kanina, binuksan ko ang computer ko and nag-spazzed ako about it, wala pang news about Luhan and Chorong. Parang tingin ko, umiiwas sila dun sa balita. And I think... totoo na nga yun. 

Tumulo na naman ang luha ko. Bakit ganito? Ang unfair ng mundo. Kilala na ako ni Luhan, nakasama ko na siya, I had the chance... the chance para ma-in love siya sa akin pero hindi ko yata nagawa. Parang mas lalo lang akong nasaktan. I was just a tour guide back then. I was just his friend, a fan. 

The Kpop Star And IRead this story for FREE!