#3 This Love

5.9K 88 13

 This story is dedicated sa isa pang author ng KaRa fanfic na idol ko rin. Inspirasyon ko rin siya eh. Sa kanya lang naman yung stories na NBTT at EFTROOL na every chapter sagad yung kilig at sakit.haha. Intense yung mga UD's niya pero di ka talaga bibitaw :)

*This story is connected to One-shot story #1 and #2 :)

Di ko alam kung One-shot pa 'tong matatawag kasi parang medyo mahaba , so feeling shor story na 'to.Anyway, Enjoy Reading :)

Mika's POV

Isang buwan.

Isang buwan na akong nag-aalala, palaging tulala, nagtataka, naguguluhan at higit sa lahat, nasasaktan.

Ano ba kasing nangyari? Bakit sa isang kisapmata lang parang nagbago bigla ang lahat. Mali. Siya lang pala.

Isang buwan na mula nung huli kaming nagkulitan, kumain ng magkasabay, nagkatabing matulog at nakapag-usap ng matino.

Siguro masyado lang akong madrama. Pareho kaming student-athlete kaya malamang busy busyhan kami palagi.

Siguro natural lang yung di ko na siya makasabay kumain lalo na kapag hapunan kasi marami pa siyang tinatapos na project, yung di ko na siya makausap kahit sa trainings kasi palagi siyang may ginagawa, yung gabi na siya umuuwi at sa sofa na lang nakakatulog, yung papasok lang siya sa kwarto namin para magbihis at maaga ring aalis. Natural lang ang mga yun di ba?

Ako lang naman 'tong nasasaktan eh. Naiinis ako sa sarili ko kasi nahihirapan akong intindihin yun kahit na ako pa 'tong dapat na mas nakakaunawa sa kanya kasi ako ang bestfriend niya. Bestfriend lang ako kaya wala akong karapatan magdrama at hingin yung time niya na ginugugol naman niya para sa future niya. Ayaw ko mang ipakita na naaapektuhan ako nang sobra sa mga ginagawa niya ay hindi ko pa rin maitago. Nakikita na yun ng mga bullies kaya kapag magkasama kami, pilit nila akong pinapasaya. Nahihiya na nga ako sa kanila eh.

Shet lang, namimiss ko na yung daks ko eh. Ano ba ang nangyari sa'yo?

"Ye, nag-enjoy ka ba sa panunuod ng movie?"

Nahimasmasan ako nang biglang magsalita si ate Kim na nasa tabi ko. Nakita kong yung credits na pala ng movie yung lumalabas.

"Ha? Oo naman! Haha. Nakakatawa nga eh. Hahaha!"

sabi ko habang pasimpleng pinupunasan ang luha na namumuo saking mga mata. Kunwari na lang naluha ako sa kakatawa. Ayokong madisappoint ang bullies kasi alam kong niyaya nila akong mag-movie marathon para makalimot. Pero ito naman ako, buong oras na nakatulala habang iniisip na naman siya. Haay. Nakakapagod na.

KaRa One-Shots (Mika Reyes and Ara Galang)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!