Day Eleven(Continuation): Isolation?

140 0 0

Unti unti na kong kinakain ng paniniwala na isa nga akong Time Eater. Pero ayoko. Ayoko nito. Ayoko maging Time Eater! Hindi maaari ito!

~~~~~~~

Sina Ann at Rose, nagkukwentuhan sa may tapat ng gate nila Ann.

Rose: Ann. Tignan mo tong nakita ko.

Ann: Ano yun?

Rose: Ang Lolo ni John, isa rin palang Time Eater.

Ann: Siguro sa lolo nya nakuha yung pagkakaroon ng Time Eater DNA.

Rose: Siguro nga. Pero eto pa ang masaklap.

Ann: Ano naman yun?

Rose: Ang Lolo ni John ang pumatay sa mga magulang ni Kuya Lolo

Ann: Nako! Malaking problema 'to! Hindi dapat malaman ni Kuya Lolo 'to.

~~~ 

KL: Ano? Anong sabi nyo? Lolo ni John ang pumaslang sa mga magulang ko?

Rose: Nako patay, yari na(bulong ni Rose kay Ann)

Ann: Pano tayo nito?(pabulong nyang tanong)

KL: Dumaan lang ako para kumustahin ang gadget na binigay ko, pasenya na sa abala, ngunit totoo ba ang mga narinig ko? Lolo ni John ang pumaslang sa mga magulang ko?

Ann: Magpapakatotoo na po kami, Opo, totoo po yun.

Rose: Tama po, nandito po yun sa database na nakuha ko.

KL: Kung ganun, nasan si John?

Ann: Nako, yun na nga po ang problema, eto kasing si Rose e, tinaboy si John.

KL: Bakit naman tatabuyin?

Rose: Kuya Lolo, isa rin pong Time Eater si John.

Ann: Ano ka ba Rose! Kilala natin si John, hindi naman syang masamang tao diba?!

Rose: Maaaring lasunin ng Chaotic Time Power ang pag-iisip ni John, pinoprotektahan lang kita!

KL: Ano? Teka nga't pag-usapan natin 'to. Hanapin natin si John. Hindi naman ako galit sa kanya, hindi naman sya ang pumatay sa mga magulang ko ngunit ang kanyang lolo.

Ann: Sige po, maalala ko po pala, hindi ko masukat kung anong klaseng Time Eater sya sapagkat nung lumabas po sya dito sa gadget na hawak ko e, sobrang laking tuldok ang nagrerepresenta sa kanya.

KL: Masama nga 'to, pero di bale, kelangan natin syang hanapin at kausapin.

~~~~~~~~~~~~~

JOHN POV.

Ano ba to? Nasan na ko? Bakit andilim?

John... John..... John...... Paulit ulit na bigkas ng pangalan ko ang naririnig ko. Hindi ko mawari kunsan ito nanggagaling.

Ngunit parang palapit na palapit sakin ang nagsasalita dahil palakas ito nang palakas.

Tuloy pa rin ako sa paglakad. Kahit wala akong makita, tinutuloy ko pa rin ang paglakad.

Tuloy rin ang pagbigkas ng pangalan ko.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pano nga ba ako makakalabas dito?

Hindi kaya..

Ito yung tinatawag nilang Void?

Pero bakit buhay pa rin ako? Dahil kaya sa kapangyarihan ko.

Bigla na lang may screen na sumolpot sa harapan ko, tila nagpapakita ng isang pangyayari.

Teka teka, lolo ko yun ah! Anong ginagawa ni lolo dyan?

Sino naman 'to? Parang mag-asawa? Anong gagawin ni lolo sa kanila?

Nako! Anong ginawa ni lolo? Nasan na napunta ang mag-asawa? Teka! Si Kuya Lolo yun ah! Nagluluksa!

Teka! Ibig sabihin kaya, Lolo ko ang pumaslang sa mga magulang ni Kuya Lolo?

Biglang may sumagot.

"Oo! Pero hindi pa kami patay!"

Sino kayo?! Magpakita kayo!, sagot ko.

Biglang may suminding ilaw sa kanan ko at paglingon ko, sila rin yung mag-asawang napanood ko sa screen na lumitaw.

John! Kami to, ang mga magulang ni Jay, sabi ng dalawa.

Ha? Sino pong Jay?, tanong ko.

Yung Kuya Lolo na tinatawag mo, sagot nila.

Ahh. Nako, pasenya na po kayo. Pasenysa, masama pala ang lolo ko, hindi ko alam! Patawarin nyo po sana ako!, sabi ko.

John, wala kang kasalanan, may hihilingin sana kami sayo., sabi nila.

Ano po yun??, tanong ko.

Tulungan mo kaming makalabas dito., pagmamakaawa nila

Hindi ko po alam kumpano ako makakalabas dito, ngunit susubukan ko po.

Sige John, aasahan ka namin. Ito na ang magsisilbing pambawi mo sa ginawa ng lolo mo samin.

Opo. Pasensya na po talaga.

~~~~~~

Ann POV

KL: Ano? Wala pa rin ba sa mapa?

Ann: Wala pa po e. Nasan na kaya napunta yun?

KL: Alam mo ba Rose, dahil sa ginawa mo kay John, pwede nyang makulong ang sarili nya sa Void, hindi pa natin alam dahil hindi nya rin alam ang maaari nyang magawa.

Rose: Hindi ko po talaga alam, pero wala po talaga akong tiwala sa mga Time Eater, pasensya po.

KL: Wag ka sakin humingi ng pasenysa, kay John, hindi ka pa naman nya nasasaktan ngunit tinaboy mo na sya.

Ann: Kuya Lolo, kunsakali po bang nasa Void si John, makikita nya po ba dun ang mga magulang mo?

KL: Siguro makikita nya ngunit hindi na ko naniniwalang buhay pa sila.

Rose: Teka lang, nakita mo ba yun Ann?

Ann: Ang alin?

Rose: Biglang may sumusulpot na malaking tuldok sa mapa!

Ann: Nasan? Wala naman e!?

Rose: Ayun oh, sumulpot na naman!

Ann: Wala akong makita.

Rose: Titigan mo kasi ng mabuti!

Ann: Ay oo nga no! Ayun nga, biglang nawawala, puntahan natin baka si John na yun!

~~~~~~~~~

JOHN POV

AHHHHH!, sigaw ko habang naglalabas ng enerhiya upang subukan sirain ang pader ng Void.

Nakikita kong bumibigay na ito, ngunit hindi ko matagalan at sobrang nakakapagod.

Konting tiis na lang po! Masisira ko na ang Void!, sabi ko sa mga magulang ni Kuya Lolo.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Unti unti na silang nahuhulog sa patibong ko. Hahahaha!, makikilala sa susunod na kabanata.

Itutuloy...

Paggising ko...Basahin ang storyang ito ng LIBRE!