Sorry sa matagal na pag update :( I'm very sorry po talaga. sobrang busy ko lang talaga this days. huhu sorry na guyyys XD salamat po sa nakakatabang pusong pag lileave ng comments last chapter ;) kinikilig naman kayo masyado! XD salamat sa mag message sakin na SOLID INFINITYNIANS daw siya! xD
I and my admins will be active in my fb page so please like it. thanks Happy 20k.reads! thankyou sa inyo! ~Ahnn/GirlInfinityy :*

Raiza's Pov

"Tan-Taaaaaaaan! napakatagal mo!!!"  jusko! halos kalahating oras na ako nag iintay sa taong to! nandito kami sa condo niya paalis na sana kami papuntang OB ko ng may makalimutan daw siyang papeles sa kompanya na kailangan ipasa ngayon. at ewan ko ba kung gaano kadami ang papeles na iyon at di niya madala!

"Eto na! kung makasigaw ka,kala mo manganganak ka na!" nakangisi siyang lumabas ng pinto ng kwarto niya dala ang tatlong folder na hawak ng kaliwang kamay niya. Just GREAT -_-  pinaghintay ako ng kalahating oras para kuhain ang TATLONG folder!

"Bwisit!" tumayo ako at akmang tatalikod ng bigla niya akong hinarap sa kanya at dahan dahang yakapin.Nakangisi parin ang gagong 'to!

"Moodswing?" nakangisi nyang tanung. unti unting gumapang ang kamay niya sa likuran ko. dahilan para mas lalong lumapit ang mukha ko sa kanya.

"Hindi." kunot noo kong sagot. unti unting humuhupa yung inis ko sa kanya pero ayokong ipakita. peste,kinikilig ata ako!

Hinapit niya ang baywang ko. kahit medyo kalakihan na yung tyan ko,hindi parin maiwasan na mapayakap ako sa kanya.

"Talaga?" nagtaasan ang balahibo ko ng ibulong niya sa tenga ko iyon. nyeta! nang aakit ata tung loko loko na to ah!

"O-oo." nauutal pa ako! bwiset! inaakit niya ako at gustong gusto ko naman! wattalife! -_-

kakalasin ko na sana yung magkakayakap niya sakin. pero hinapit niya pa lalo yung baywang ko sa kanya. sisigawan ko na sana siya ng

"I love You" umurong ang dila ko, di ako makapagsalita. panay ang titig ko sa mata niyang nakatingin din sakin.

"Hindi tanung ang salitang 'I love You' para mag antay ako ng sagot Rai, Tama nang alam kong ayaw mo kong mawala sa buhay mo. dahil ayun pa lang ang sabihin at iparamdam mo sakin. Mas hihigitan pa yun ng salitang 'I love you too' mo. " he said. hindi ko alam kung ano yung unang ipaprocess ng utak ko,yung pag titig niya sa mga mata ko o yung sinabi niya sakin.

Ayoko munang bitawan ang mga salitang 'yon sa kanya,gusto ko pag sinabi ko kay Tan-Tan yun. Siya lang talaga yung nasa isip at puso ko. Siya lang at wala nang iba. Walang Xander ang gumugulo dito.

Nawala lahat ng galit,inis,pagkainip ko kanina. napalitan iyon ng ngiti.

"Tara!" masaya niya hinawakan ang kamay ko at umalis na rin kami.

Tan-Tan/Dale Tristan Pov

"So ayun, nakita niyo ba tung parang circle na ito? This is your baby, your baby is going to 6months right? so far,he/she's fine right now..." kaya pala excited tung si Taba kasi Ultrasound niya pala ngayon. di man lang ako sinabihan. pero Whoa! ang cute pala ng baby pag nasa loob palang.

"...and let us see kung maririnig na natin yung heartbeat niya. last time kasi mahina e."  tumingin ako kay Raiza na nakahiga sa parang bed hawak ko yung kamay niya at nakaupo ako sa gilid niya. kitang kita ko sa mga mata niya na sobrang excited siya. ngumiti ako sa kanya para icheer up siya,ngumiti din siya.

ilang saglit pa narinig na namin yung heartbeat ni baby. hindi ko maipaliwanag yung feeling ko. napatingin ako kay Raiza na halos mangiyak ngiyak sa saya.

Love & TrustBasahin ang storyang ito ng LIBRE!