For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

Pangarap lang kita

64 0 0

Libre lang naman ang mangarap at walang masama sa pag tupad ng ating mga pangarap. hangga't wala tayong tinatapakan na ibang tao.

Walang masama! kahit kasunod nito ay ang umasa at sa huli pwedeng sakit o kasiyahan ang kapalit. parang pagtaya sa lotto walang kasiguraduhan ang swerte.

Para sa akin isang pala isipan ang salitang mangarap! Bakit nga ba kailangan nating mangarap pa! eh puro disappointments lang yan pag hindi mo natupad. well, sabi ng kaibigan ko walang kwenta ang isang tao kung hindi sya marunong mangarap. Libre na nga lang e! negative mo!

nakakatawa kasi madalas akong natutulala at nag da-day dream. nakatingin sa mga kotseng dumadaan sa harap ko at nagtatanong sa sarili "Kailan kaya ako mag kakaroon ng kotse, mag ddrive sa highway habang nag sosoundtrip ng kanta ni taylor swift?" sa may bandang tabi ng kalsada may mag bf/gf na nag lalandian este lalambingan na parang sila lang ang may ari ng mundong ito. Binaling ko nalang ulit ang aking tingin sa isang kotseng kulay pink, Pero napapaisip pa din ako kung ano ang dream guy ko...

Pauwi na ako sa bahay galing sa Office sa makati traffic at tila barkong hinahantay ang mga sasakyan sa kalsada. natulala nnman ako at nangangarap maging president,, aba! bwal ang loading and unloading sa mga area na hindi naman dapat binababaan ng mga pasahero yan ang nag ccause ng Traffic eh, mga Bus na kung saan saan sumisingit para lang makakuha ng pasahero!! sa katabing pwesto ko ay may nag kkwentuhan na mga kakaibigan tila naiisip din nila ang iniisip ko.

Pag ako ang naging presidente ng pilipinas! PA-PAAIRCON ko ang buong pilipinas!

eh ako! papatanggal kita! kasi kurakot ka!

(Nagtatawanan sila) Buti pa sila! ginagawa lang nilang biro ang ganung bagay. sabagay hindi ko dapat sineseryoso kasi hindi naman din ganun kadali ang pag papatakbo ng bansa.

*Sa Bus

Sa wakas nakasakay na din! kapagod kailan kaya ako makakapag vacation na walang iniisip na deadline kinabukasan or sa susunod na araw!

"We have our deadline Everyday I feel Dead na tuloy, kailan kaya ako makakapag vacation leave!!!"

Kailan! ko din mahahanap ang Dream Guy! In my Dream!

At ang KOTSE !!

Sigh!

Nakakapraning!

Atlast! pababa na ako, sa SM Fairview ako palaging nauwi sa aking parents.

*bahay

Im HOME! Thanks GOD!

anak! Kumain ka na may natirang ulam pa dyan!- ma

Sige po! Inaantok n din ako! tsaka Diet ho ako.

Hindi mo na kailangang mag pa sexy! sino pa ba ang Pa-sesexihan mo? eh wala ka namang Boyfriend! -ma

Ouch! ha! .. eh Focus muna ako sa Werk ko! tsaka ma! hindi ko pa nakikita yung Dream guy ko talaga!

ANAK! mag 28 ka na! Minsan try mo din mangarap ng sariling pamilya. baka tumanda kang dalaga!

Okay Fine! bukas na bukas din MA hahanap ako! Pramis!

Pihikan ako eh ayoko nung USAP, KITA, DEAL. ako yung to na hindi naniniwala sa love at first sight ..

Save

Pangarap lang kitaBasahin ang storyang ito ng LIBRE!