CHAPTER 15

JuRn's Day

Wesley's POV

"manong,eto po bayad oh!" inabot ko yung bayad kay manong driver.pagbaba ko palang ng Fx tumakbo na agad ako papuntang apartment nya.nung makarating na ko kumatok agad ako kaso walang sumasagot…

*knock* "hoy tora! Andyan ka ba?" *knock*

Sabi nya kanina sa school uuwi na sya? Andito kaya sya? Kumatok pa ulit ako kaso wala talagang sumasagot…aish! Wala atang tao? Saan naman kaya yun nagpunta? Ano nalang sasabihin ni Burn kapag naabutan nya na wala dito si Tora dahil sinabi ko na na-cancelled na yung lakad nila? Shete naman! Sumandal ako dun sa pinto tapos ipinatong ko yung kamay ko sa door knob…napapgod na ko kakatakbo!

*kreaaakk!*

AY PUSA!

Muntik na kong mapaupo sa lapag nung nabuksan yung pinto.nak nang?! Bukas naman pala to eh! Sumilip muna ako bago ako pumasok.. wala sya sa salas? Nasan kaya yun? Iniwan kaya nyang hindi naka-lock yung pinto nya? Tsk! Yung babaeng yun?! Pumasok na ko sa loob..ang dilim naman? Bakit nakapatay yung ilaw nya?

"uy tora?" wala pa ding sumasagot…wala nga kaya sya dito? Malamang naman wala diba? Walang sumasagot eh! Tsk! Kainis! Hinawakan ko na uli yung door knob para buksan yung pinto kaso nga lang may narinig akong parang may nalaglag na bagay sa kitchen? Amp?! Ano kaya yun?! Ampucha! Baka may multo dyan I kung ano ah?! Nasundan pa yun ng isa pang inggay na parang may nalaglag na metal sa sahig..teka nga? nawawala si Tora tapos may parang metal na nalalag sa kusina? Owsh*t! baka naman?! Aish! Ang babaw naman nya! Dahil lang dun sa nangyare kanina magsu---urgh! Tumakbo agad ako papuntang kitchen.

"TORA!"

"AAAAHH!"

Tumakbo agad ako palapit sa kanya at buti nalang nasalo ko siya! Tinignan ko siya halatang nagulat sya sa pagsulpot ko..pero agad din akong umiwas ng tingin..haist! Naiinis ako sa tuwing nag-kakaroon kami ng eye contact! Meron kasi akong biglang nararamdaman na kung ano na parang…yung…parang ano…yung---EWAN! Haist! Ibinaba ko na sya..

"okey ka lang?"

"are you crazy?! Bakit bigla bigla ka nalang sumusulpot?! Pano kung hindi mo ko nasalo?!"

Psh! Gusto ko lang naman sana syang pigilan mag-suicide eh! Malay ko bang may hinahanap lang pala syang kung ano sa taas ng kitchen cabinet?

Jun's POV

Psh! This bakemono! Ano bang pumasok sa isip nya at bigla nalang 'tong sumulpot?! Paano kung hindi nya ko nasalo at tuluyang nalalag dun sa stool chair edi napilayan pa ko?! Kaasar talaga 'to!

"eh kasi akala ko malungkot ka pa din dahil dun sa nangyare kanina sa school..tapos ano..kala ko kasi…" napakamot siya ulo nya…what the heck?! Akala ba nya magsu-suicide ako?! Just b'coz mas kinampihan ni Burn si Ami magsu-suicide na ko?! Ang babaw ko naman kung gagawin ko yun?! Ano ba namang klaseng utak yan?!

"ghad! Did you just seriously think that I can commit a suicide just b'coz of that?!"

"eh malay ko ba?! Kanina pa ko tawag ng tawag sayo hindi ka naman sumasagot?!"

"so ganun nga yung inisip mo? do you really think im a nut head huh?!"

"hindi naman sa ganun?! Aish! Pasalamat ka nga concern pa din ako sayo!"

Natigilan ako sa sinabi nya…concern? Concern sya sakin? Pero bakit? Akala ko ba hindi kami magkasundo? Tsaka lagi ko siyang sinasaktan kaya naiinis siya sakin diba? Kaya paano nya nasabing concern nga talaga siya sakin? Tinignan ko lang siya..nung napansin nyang nakatingin ako sa kanya bigla nalang siyang hindi mapakali..

Enchanted (♥ On Hold ♥)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!