Mga kabaliwang nagagawa ko sa school

5 0 0

Kabaliwan talaga eh noh?

----

Everyday Routine ko Hahahaha :))

De loko lang mga pinaggagawa ko yan lagi.

Yung may Got To Believe pa dati lagi akong sumisigaw sa school tuwing umaga. Parehas kami ng kaibigan kong maka-Dj din pagnagkita na kami sa pila niyan G2B agad at titili kami pero yung pigil kasi syempre alangan namang sa pila kami tumili baka mapagkamalang baliw kami dun tumitili ng walang dahilan.Hahaha pag magkikita kasi kami parehas kami titili tapos minsan pipigilan ko siya sabi ko "mamaya na sa room na tayo sumigaw" tapos syempre siya todo pigil tapos pagdating ng room niyan hindi pa kami minsan nakakalapag ng bag titili na kami with matching talon pa at hawak kamay kami hahaha :))) Nasanay na rin yung mga classmate namin na yun lagi naming ginagawa sa umaga araw-araw ba naman eh masasanay talaga sila sa kaingayan namin. Minsan nga natatawa na lang sila sa amin eh. yung iba walang pakialam kasi sa room sari-sarili kaming grupo walang pakialaman sa isa't - isa tsaka iba iba kaming pinaggagawa tuwing umaga eh.

Minsan naman pagnaglelesson kami tapos mababanggit si Dj or ang KathNiel napapatili ako tapos yung mga classmate ko titingin sa akin tapos tatawa pati si Ma'am natatawa eh. Hahaha :))

Minsan naman kapag nagkekwentuhan kami lagi kong nasisingit si Dj sa usapan kahit hindi related sa kanya sasabihin ko na lang "ang gwapo talaga ni Dj" o di kaya "ang gwapo ni Dj noh?" tapos yung mga classmate ko sasabihin "ito laging sinisingit si Daniel sa topic kahit hindi related eh noh? Baliw na baliw ka talaga sa kanya eh!" pero yung pagsabi nila ng ganyan in a good way naman hindi yung masakit sa heart. Hahaha sanay na rin sila sa akin eh. Lalo na yung nga close ko talaga normal na sa kanila yun araw-araw ba naman eh tsaka sanay na sanay na talaga alam na rin nilang baliw ako kay Dj minsan sabi nila "Hindi mo talaga kayang pigilan sarili mo kay Dj eh noh? Kahit isang araw walang araw na hindi mo nababanggit yung pangalan niya. Minsan kaya itry mo?" sagot ko naman "Hindi ko kaya eh" Hahaha dati sinasabihan pa nila akong tigil tigilan ko daw o bawas bawasan yung pagiging fangirl pero in the end ako pa rin nanalo hindi naman nila ako mapipigilan eh. Tsaka hanggang sa nasanay na rin sila.

Yung kuhaan naman ng card nung nakaraan lang edi syempre alam na namin yung section namin tapos tanung tanong kami kung ano section namin tapos sabi ng classmate ko na magiging classmate ko ulit " Ay! May classmate pa rin tayong Daniel ng Daniel Hahahahaha " Hahaha sorry sila ! Sanay naman na sila eh yung iba lang hindi hahahaha :))) Yung mga bagong classmate syempre :))

Isa yung mga classmate ko sa nakatuklas sa mga kabaliwan ko kay Dj. Hahaha :))) Alam na rin nila kung pano ako kabaliw hahaha :))))

--

Sa school pa lang yan. Hahaha baka sa bahay naman sa next chapter :))

Hi!!!! :))) Readers? Meron nga ba? Hahaha :)))

Buhay Fangirl ♥Basahin ang storyang ito ng LIBRE!