Pinakamasakit "daw" sa lahat

7 0 0

Pinakamasakit daw? Hahahahahaha

Hi sainyo :))) *kaway* *kaway*

Ito na ang pinakahihintay ng lahat. Hahaha! :))

----

Pinakamatinding Dahilan

Yung pinapamukha na sayo ng lahat ng tao na hindi mo siya makikita,hanggang pangarap mo na lang siya,baliw ka na daw sa kanya, kahit ano daw gawin mo hindi ka niya mapapansin,kahit ano daw gawin mo isang hamak na fangirl lang ang tingin niya sayo,kahit daw anong effort mo hindi ka niya mapapansin,na kahit daw anong pagtatanggol mo sa kanya "as if naman mapapansin ka,ikaw lang magmumukhang ewan jan eh" "Tanggol ka ng tanggol sa kanya,ikaw ba pinagtatanggol niya?" "Kahit anong hirap mo jan,fangirl lang tingin niya sayo,FANGIRL!"

HA-HA-HA

Ang S-A-K-I-T lang

ang sakit lang samin yung mga pinagsasabi nilang ganyan. Na normal na tao lang naman daw yung idol mo eh kung ituring mo daw parang diyos. Oo alam naman namin na normal na tao lang sila ang pinagkaiba lang ay sikat sila pero syempre para sa amin special sila kasi sila yung nagpapasaya sa amin araw-araw at nagpapangiti Bali sila rin yung kumukompleto sa araw namin. Sabihin niyo nang O.A kami pero sila lang talaga ang nagkokompleto ng araw namin bukod sa pamilya namin. Para bang hindi kompleto yung araw namin kapag hindi namin sila nakita,napanuod sa tv,nakapagtweet sa kanila,naka-update sa kanila, nakasilip sa mga accounts nila kung naka-open ba sila o hindi. Tapos kapag naka-open sila eh hindi na kami magkandaugaga kakatweet. Yung kahit alam naming hindi kami mapapansin ayos lang atleast naman nakita nila yung gusto namin sabihin sa kanila di ba?

Yun bang parte na rin sila ng buhay mo.

Yung parte sila ng buong system ng katawan mo (buong system talaga eh noh? O.A much)

Yung nasanay ka na kasama sila sa araw-araw mo. Na dapat makita ko sila,mapanuod sa tv o matweet sa twitter.

Alam naman naming mga fangirl yung limit namin eh. Tsaka yung lahat ng pinagsasabi nilang mga nakakasakit sa damdamin namin (damdamin talaga?) hindi naman na nila kailangang ipamukha yung mga yun kasi alam namin yun lahat. Alam rin namin na nagmumukha kaming baliw,tanga o ewan dahil sa pinaggagawa namin. Ayos lang naman sa amin yun eh as long as makita namin sila. Tsaka yun lang yung nagpapasaya sa amin eh bakita kailan pa nilang kontrahin yun. Sana naman maintindihan nila yun. Kung sila yung nasa posisyon namin for sure maiintindihan nila kami.

--

Hi! Hahahahaha medyo madrama ang chapter na ito. :))) Baka next chapter masaya naman hahaha :)

Thanks for reading (kung may nagbabasa ba :( Hahahaahaha ) Comment naman kayo :)) Para malaman ko kung may nagbabasa nito at kung maganda ba tong nagawa ko o kung maganda yung chapter or suggestions niyo questions o kung anu-ano pa. Pwede niyo rin akong iPm kung ayaw niyo magcomment. Or sa Message Board ko kung gusto niyong makipagchat sa akin. Hahaha tsaka para malaman ko kung ayos lang yung ginagawa ko. Tsaka sa mga nakakarelate jan comment naman kayo oh ;)))

Let's be friends :)) Mabait naman ako hindi ako nangangain :))) Haha Next chapter po ulit. :)))

Buhay Fangirl ♥Basahin ang storyang ito ng LIBRE!