For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

Sabi ko sa sarili ko, pag nagkaroon ako ng kaibigan, hindi ko hahayaan na masira ang pagkakaibigan namen.

Iingatan ko siya.

 

 

Eve Yuna ang pangalan ng best friend ko.

Siya ang definition ng modern Maria Clara!

Masyado siyang mabait sa tao at mabilis magtiwala.

Mahirap magsabi ng 'hindi'.

Kung pwede lang lahat ng tao tutulungan niya.

Para siyang santo.

Kaso masyado siyang inosente.

Para sa kanya lahat ng tao ay 'tao'.

Madali siyang magpatawad at madala sa mga bagay at pangyayari.

Madali rin siyang maimpluwensyahan.

"Wow ang cute nito Jion tignan mo oh!" turo ni Yuna sa keychain.

"Bibilhin mo?" tanong ni Jion.

"Uhmm... ? Sa tingin ko... bibilhin ko! Pero... hindi ba masyadong malaki para sa cp ko? Wag nalang ata. Pero... ang cute... uhmm" hindi siya makapagdecide.

May pagkadependent siya at hindi makapagdesisyon magisa.

"Ano sa tingin mo Jion?" tanong ni Yuna.

"Ok naman siya sa tingin ko. Bilin mo na." sabi ni Jion.

"Ah o sige! :D " at binili na niya ang keychain.

Pero ang mga bagay na ito ang dahilan kaya masaya ako na nakilala ko siya at naging magbestfriend kame.

"Ok ka lang ba? Bat parang lumilipad ang isip mo?" tanong ni Yuna habang naglalakad sila.

"Ah... naisip ko lang na kung wala ka malamang boring ang holiday. Akala ko talaga wala na akong magiging kaibigan." sagot ni Jion.

"Ha? Bakit naman? Halos lahat nga gustong makipagclose sayo eh. Pano kasi ang bait mo, ang galing mo sa sports at full of confidence. Bilib talaga ako sayo!" papuri ni Yuna.

Ako nga ang bilib sayo eh.

Ikaw lang ang nakapagtiyaga sa ugali ko.

"Teka akala ko ba maghahanap ka na ng BF?" nagulat si Yuna sa tanong niya.

"P-pero hindi ko naman kailangan magmadali diba? B-bata pa naman ako atsaka may kasabihan na maraming isda sa dagat!" sabi ni Yuna.

"Walang nagkakasyota sating dalawa kaya napagkakamalan na tayo." sabi ni Jion.

"Sa tingin ko nga rin eh." pagsang-ayon ni Yuna.

"Sa tingin mo, kung hindi tayo naging magkaibigan naging tayo kaya?" curious na tanong ni Jion.

"Sa tingin ko... kung hindi tayo naging magkaibigan, magiging crush kita at mab-broken hearted ako dahil sa haba ng pipilahan ko." pag-iimagine ni Yuna.

Napahagalpak ng tawa si Jion.

"Grabe ka naman. Sa tingin ko magugustuhan kita pag nagkataon." pampalubag loob naman na sabi ni Jion.

"Sinungaling! Ako ang pinaka unang mabu-busted." sabi ni Yuna.

Lalo tuloy siyang natawa.

Alam ko na balang araw merong lalakeng magkakagusto sa kanya, pero kailangang mahalin niya si Yuna ng higit sa pagmamahal ko bilang kaibigan niya.

Kung hindi,

hindi ko siya tatanggapin.

Nitong mga nakaraang araw, napapansin ko ang lalaking ito na parating umaaligid kay Yuna.

Naglalakad si Yuna ng mabilis para makalayo sa lalakeng sumusunod sa kanya at naglalakad sa tabi niya.

Napahinto si Gabriel ng merong paang sumipa sa pader para harangin siya.

Napaatras siya ng isang hakbang.

"Anong kailangan mo kay Yuna?" matalim ang tingin niya.

Hindi ito sumagot.

"Ah! Jion! Hindi wala ito, naglalakad lang siya sa tabi ko." depensa ni Yuna.

"Pero diba..." ng lumingon siya sa kanan wala na ito.

"San siya nagpunta?"

"Wala lang iyon." sabi nalang ni Yuna.

Hindi sinasabi ni Yuna saken kung merong nambu-bully sa kanya na babae na gusto ako o mga lalake na ayaw saken.

Pero kahit hindi niya sabihin alam ko.

Nung nakaraang linggo, binubully siya ng lalakeng iyon.

"Ano ba talagang kailangan mo kay Yuna? Balak mo na naman bang ibully siya?" diretsong tanong ni Jion kay Gabriel.

"Hindi no." agad namang sagot nito.

"Pero kailan lang nung parati mo siyang sinasadyang bungguin."  hindi sumagot si Gabriel.

"Iba si Yuna sa mga babaeng kilala mo. Hindi siya lumalaban kahit naapi na siya. Mabilis din siyang magpatawad ng tao. Kung dahil sa mahina siya kaya mo siya binubully, ang masasabi ko lang, napakaduwag mo. Wala ka bang backbone?" pagtatanggol niya kay Yuna.

"Totoo nga ang sinasabi mo. Pero dati na iyon. Tumigil na ako." sabi ni Gabriel.

"Ha? Bakit naman?" tanong ni Jion.

"Wala ka ng pakialam dun." diretsong sagot nito.

Medyo naasar siya dun.

"May pakialam ako. Ang pinaka iniingatan kong bestfriend ang pinaguusapan naten dito." sabi ni Jion.

"At napapansin kong parati mo parin siyang sinusundan." dagdag niya.

"Wala akong balak na asarin siya o ano. Nagpapansin lang ako. Gusto ko lang na mapansin niya ako." sagot ni Gabriel.

"Ha? Bakit naman?" curious na tanong ni Jion.

"Gusto kong magkausap kami at magkakilala. Mali kasi at hindi maganda ang unang pagkikita namin. Gusto kong itama iyon. Kaya naman... wag kang humarang sa daan ko." matapang at diretso sa kanya ang pagkakasabi nito.

Kung ganon, gusto niya si Yuna?

 

Gusto niya ba talaga si Yuna o gusto lang niyang samantalahin ang kabaitan niya?

 

Pag nalaman kong meron siyang ibang binabalak...

akong makakalaban niya.

Kung meron mang magkakagusto sa bestfriend ko,

kailangan muna niyang dumaan saken!

-END

Overly Attached Best FriendBasahin ang storyang ito ng LIBRE!