Friend Request Accepted

76 3 0

Madz's POV

Good morning Monday!

Hay! Monday na naman. 5 araw na naman ako makikipaglaban sa katamaran ko. Pero grabe! Grabe tong Monday na to! Ang sarap ng almusal ko. HAHA! Pag check ko kase sa friendster ko inaccept na ni Mitch yung friend request ko!

Eto ako oh. :'''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''>

Landi ko talaga. Kinilig talaga ako. Nagmessage ako sakanya.

"Hi Mitch. Ako to. Yung kaibigan ni Laila. Galingan mo maghanap ng trabaho ha! Good luck!"

Log out. Kain. Ligo. Text. Alis.

Kasama ko na sila Bea, Aila at Patrick. Papunta na kami kina Laila. Magkakalapit lang naman kame ng bahay. Di naman kame araw araw sabay sabay. Trip ko lang. Ewan ko ba, pero pag ako nagsabi sumusunod naman sila. Nalalakihan ata sila sakin. Hahaha! Mga bansot kasi sila e.

Habang papalapit na kame sa bahay nila Laila, it feels like the other half of my heart was hoping to see Mitch. Pero iniisip ko na bakit naman ako umaasa? Parang nakausap ko lang naman sya ng ilang minuto kagabi. Tsaka ang tanda na nya para magustuhan ko pa sya. HAHAHAHA!

Laila... Laila... Yung pagtawag na mahaba. Basta imaginin nyo na lang. HAHA!

"Hoy mga bakla! Pumasok na kayo! Para kayong bago ng bago ah." Sabi ni Laila habang nakadungaw sa bintana.

Pag pasok namin. Nakiramdam muna ako. Haha! Baka may multo. Joke. Pinakiramdaman ko kung makikita ko ba si Mitch. Pero mukhang wala si Ate Tin kaya siguro nakaalis na sila.

Naligo muna si Laila tapos pumasok na kami sa school.

Mabilis na lumipas yung oras. Uwian na!

Pag uwi ko. Nagbihis ako kaagad at nagfriendster. Yun oh! May message si Mitch sakin. :'>

"Tingin mo naman sakin makakalimutin? Kagabi lang kaya tayo magkausap. Grabe! Nakakapagod maghanap ng trabaho. Boyish ka pala. Uy Madz, baka crush mo ako ha. Hindi pwede. Bata ka pa. Hahaha!"

Ang kapal naman talaga ng babaeng to. -___-

"Ang tanda mo na kase kaya akala ko makakalimutin ka na! Tsaka hindi kita crush noh! Ang tanda tanda mo e pano kita magiging crush?! Hmp!" reply ko sakanya.

Lalabas na sana ako ng kwarto para maghanap ng pwedeng mameryenda sa ref, kaso bigla naman may message na naman.

"Isang sabi mo pa na matanda ako. Hindi na kita kakausap ulit. Iba-block pa kita! May cellphone ka ba? Ano no. mo? Magtext na lang tayo kase mag-out na ako." reply nya.

Hiningi nya number ko? Binasa ko ulit. Gusto nya kaya ako kausap?

"09177112442 yan number ko. Magpakilala ka ha. Baka mapagkamalan kitang isa sa mga fans ko. Hahaha." reply ko sakanya.

Nag antay ako ng ilang minutes kase baka magreply pa sya. Kaso nung nafeel kong hindi na sya magrereply, bumaba na ako. Kumain muna ako ng meryenda. Pahinga muna ako bago gumawa ng homework.

Mag-GM sana ako sa mga classmate ko pero pag tingin ko sa phone ko.

1 message received.

"Hi Madeline! Mitch Dyosa to. Save mo number ko ha!"

Pagkabasa ko nun, nagreply ako karakaraka!

Tagal namen nagtext. Mga more than two hours. Yung usapan namin parang getting to know each other. Ewan ko lang ha, pero yun kase yung nafeel ko. Nafeel nya din kaya yun?

"Madz, kumain muna tayo tsaka gawin mo na homework mo tapos text ka nalang pag natapos mo na. May sasabihin kase ako sayo."

"Ngayon na lang. Bakit mamaya pa?" Reply ko.

How I met MY EVERYTHING (girlxgirl)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!