Sabrina Ericka

"Aaaaaaaaahhhhhhhhhhh!" sigaw ko....

Tapos pumasok sina yaya, may dalang kung anong halaman tapos pinaghahampas ako...

"Masamang espiritu, lubayan mo si ma'am Sabrina!!!" sabi ni yaya habang hinahampas ako... May lahing albularya pala siya?!

"Yaya, hindi ako sinasapian... Ano ba?!?"

"Umalis ka na sa katawan ni ma'am Sabrina!!!"

"Aaaaaaaaahhhhhhhhhh!!!" nagising ako...

Kinuha ko agad yung phone ko para tignan kung anong oras na ...

Monday, June 20 3:07 am

3:07?!? Conjuring ang peg...

Hay.... Buti naman at panaginip ko lang pala yun... *sighs*  Akala ko wala na ang first kiss ko... Okay sana kung si Luhan gagawa nun eh... Bakit sa dinami-dami pa siya pa? Pero buti na lang at panaginip lang yun...

Pero, lahat ba ng nangyari dun panaginip lang? Yung napahiya si Cruz, ginantihan ako ng fans nya, nilagnat ako, etc????

Tumayo na ako at nagprepare para sa pagpasok sa school... Gulat na gulat sina Yaya, dahil sobrang aga ko daw gumising...

"Sab." sabi Lorenz. Nakasalubong ko kasi siya... Eh? Bakit sa dinami dami ng estudyante sa campus na to itong nilalang na 'to pa ang nakita ko. Iwasan ko na lang kaya...

"Sabrina." sabi niya sabay hawak sa braso ko... Eh? What does he want?

"What? Can you let go of me?"

"We need to talk."

"Talk about what?"

"Sa nangyari kahapon..." anong nangyari?!? So totoo? Totoo ba na hinalikan niya ako? Eew!!! TT_TT

"Anong nangyari?"

"Yung  sa mall... Impossible kasing wala kang narinig eh..." hay salamat naman at panaginip lang yun... Pero kahit panaginip lang yun, kadiri pa rin eh. "Magtapat ka nga sa akin Sabrina... May narinig ka ba?"

"Wala... Kakababa ko pa lang ng car nung nakita mo ko. Bakit ba alalang alala ka?"

"Ahh wala..."

Tumunog na ang bell kaya start na ng klase.

Lorenz Ivan

"Wala... Kakababa ko pa lang ng car nung nakita mo ko. Bakit ba alalang alala ka?"

"Ahh wala..."

Nag bell na kaya nagstart na ang klase...

Impossible naman yun... Pero pwede ring hindi nya talaga narinig... Sigurado ba siya? O tinatago niya lang para malaman niya kung kaano ano ko si Monique?  Ughhh!!! Ansakit sa ulo! Bat pa ba kasi nagparamdam 'tong si Monique eh TT_TT

Yayain ko na lang kaya gumawa ng task 'tong si Sabrina.. Para malaman ko kung may narinig siya o wala... Ayoko lang kasi na may nakakaalam ng kwento ko... Lalo na kung hindi ko kinwento mismo sa kanya...

To: Sabrina Ericka; tahimik na nilalang

Gawa tayo ng task mamaya ha

*sent*

From: Sabrina Ericka; tahimik na nilalang

Pag-iisipan ko...

Lorenz... Kailan mo ba makakalimutan si Monique?!? Ano ba!!! Kalimutan mo na nga siya...

Lumipas ang araw, hindi kami nakagawa ng task ni Sabrina... Pagka-uwi ko sa bahay...

"Renz." that's how mom calls me... Para tuloy katunog nung bakla sa ... oh nevermind -_-

"Yeah?"

"Heart breaker ka daw?"

"Yup pero dati yun! Got to go." umalis na ako dahil alam kong kung anu-ano na namang tanong ang ibabato niya... Ang rude ko 'no... Lalo na pag wala ako sa mood.

Umakyat na ako at nagpahingga... Sobrang bigat ng araw ko ngayon.

》》》》》》》》《《《《《《《

Sino ba si Monique? TT_TT

Kilalanin siya sa susunod na mga, inuulit ko MGA, Kabanata... Salamat =)

A Former Heart Breaker's StoryBasahin ang storyang ito ng LIBRE!