chapter 17

226 8 0

Chapter 17.

Halos matulos sa kinatatayuan si Jealeth nang mapag sino ang bisita niya.

Kasalukuyan siyang nag papahinga sa kanyang kuwarto ng katukin siya ni Bebang at sinabing may bisita daw siya.

Nag tataka man siya at nag tatanong ang isip niya kung sino ang bisita niya sa ibaba,agad niyang binaba ito wala mang idea kung sino ito

"Hello my Dear sister!" nakaismir na wika ni Bianca kay Jealeth.

Habang ang mga mata nitoy nakatingin sa kaumbukan ng kanyang tiyan.

"Anong ginagawa mo dito ate?" mahinahong tanong ni Jealeth.

"Ano bang klaseng tanong iyan?di mo man lang ba ako yayakapin?hindi mo ba ako namiss.?" nang uuyam nitong wika

" Saka may karapatan akong pumunta dito,sooner magiging bahay ko din ito." naka pa mayawang na wika ni Bianca.

Napakunoot ng noo si Jealeth sa sinabi ni Bianca na "Sooner Magiging bahay ko din ito" ang totoo nasaktan siya sa narinig.

'nag kabalikan na ba sila ni Aidan?papaano na ang baby ko? Papaano na ako' sa isip ni Jealeth.

Habang pinipigil niya ang sariling maiyak.

"A-anong ibig mong sabihin?" tila nang huhulang tanong ni Jealeth.

"Tanga ka ba sadya o nag tatanga-tangahan lang'? Alam mo ang ibig kong sabihin, Binabawi ko lang ang dating sa akin" maka hulugang wika ni Bianca sa mataray na tono.

Hindi malaman ni Jealeth kung ano ang isasagot sa kaharap.hanggang sa mapagawi ang tingin niya sa center table sa salas na kinaroroonan nila. May brown envelope na nakapatong doon, na nasa harapan ni Bianca kinabhan siya sa maaring lamang ng envelop na iyon.

"Kasal kami ni Aidan at mag kaka anak na kami" tila wala sa sariling sagot ni Jealeth.

Tanging ito lang ang lumabas na salita sa mga bibig niya.

Humalakhak naman ng malakas si Bianca ng madinig nito ang sinabi

niya.

"Kasal kayo!Shonga ka talaga! Malapit ka nang idovorce ng asawa mo at ako ang papalit sa puwestong inagaw mo at isa pa hindi niya kailangan ang baby mo,dahil ako ang mag bibigay ng anak kay Aidan at ako ang mahal niya." mahabang litanya ni Bianca.

Para namang tinusok ng kutsilyo ang puso ni Jealeth sa mga narinig kay Bianca.

Gusto niyang umiyak pero pinigil niya ang mga nag babadyang luhang pumatak sa mga mata niya dahil lalo lamang siyang kakawawain ng kaharap.

"So Sinungalin ako?" taas kilay nitong wika kay Jealeth.

Hinawakan ni Bianca ang envelop na nasa ibabaw ng pabilog na mesa., binuklat niya ito at saka inilabas ang nasa loob ng envelop limang pirasong picture iyon.

"Kung dika naniniwala see this photo ang masasaya naming sandali ni Aidan" malanding wika ni Bianca saka iniabot ang mga litrato kay Jealeth.

Nanlaki ang mga mata ni Jealeth ng makita ang larawang iyon litrato iyon ng kanyang asawa nakahiga ang dalwa sa kama habang natatakpan ng mga kumot ang katawan ng mga ito bagaman kita niyang nakapikit ang asawa at tulog sa litratong iyon.

"Napagod ng husto si Aidan kaya nakatulog agad!".

Wika ni Bianca ng may mabasang mga tanong sa namumulang mata ni Jealeth. At enjoy na enjoy si Bianca sa nakikitang reaksyon ni Jealeth.

Umiiyak na ang kalooban ni Jealeth sa mga nakikitang larawan.

'Bakit mo ginawa sakin ito Aidan? Sana di mo nalang ako pinaniwala at sana di mo sinabi na mahal mo ako, sana hindi nalang ako umasa at nasasaktan ng sobra sobra ,nag mukha akong tanga habang nag papaligaya kayong dalwa ako naman itong nag durusa, oh god sana kunin mo na ako kung pag hihirapin mo lang ng ganito ang kalooban ko.'

Kailan Darating Ang Pag-ibig?(complete)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!