For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

Kabanata IX ng XXV - [Ang Sugat]

541 25 4

Ika-siyam na Kabanata

***May mga sugat na hindi mo man nakikita yung pagdurugo, tagos tagos naman ang hapdi sa kaloob looban ng iyong puso. ***

 Nagulat kaming lahat sa isang sigaw mula kay Benjo, “Ahas ka!!!”. 

Mabilis siyang lumapit, nagulat ang lahat. Sinapak ako, sinapak ako ng best friend ko.

 Isang napalakas na sapak na nagbuhat  pa siguro sa  napakalalim na galit sa loob niya. Tumilapon ako sa mesa, nabasag lahat ng naroon. Hindi  ko na maalala kung gaano karami ang sapak na natanggap ko.

Isa lang ang nasabi ko, ”Hayaan mo kong magpaliwanag, hindi ko alam”.

“Sinungaling”, isang sigaw na galing sa kanya. Hindi na ko nagsalita, hinayaan ko nalang siya kung ano ang gusto niyang gawin.

Inawat siya nila Ron at Caloy.

Itinayo ako ni Cheng, naramdaman ko ang pagmamalasakit nila sa akin.

 Natulala si Lisa, kaparehas ng naramdaman ko kanina, hindi sya makapagsalita.

Ayaw  paawat ni Benjo.

 Nagsugat ang ilong ko, medyo masakit pero alam kong gagaling din yun.
Pero may mga sugat na hindi mo man nakikita yung pagdurugo, tagos tagos naman ang hapdi sa kaloob looban yung iyong puso.

Hinding hindi ko makakalimutan ang dami ng mga katagang sinabi niya kanina.

“Gago ka. Wala kang utang na loob, pagkatapos ng lahat, itinuri kitang kapatid, KAPATID!!!.. Sana di nalang kita tinulungan, sana hinayaan nalang kita noon para ikaw nalang yung nasaksak, sana di na kita isinama kung nasaan ako ngayon. Lumayas ka sa bahay, ayoko nang makita ang mukha mo.  Umalis ka na rin dito!”

..ITUTULOY

Ang Unang El Bimbo [COMPLETED]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!