NOTE:

Si Roniello Samonte po yung nasa picture :)

LYLE'S POV

Kakaiba ang mga titig na iyon mula kay Roniello, alam ko sa sarili ko na parang may mali na ewan, basta ang hirap iexplain pero ang alam ko naramdaman ko na to dati kaso....ayoko ng balikan pa yun.

"Ahm..Lyle, okay ka lang?" tanong ni Ron

Ngayon lang bumalik ang wisyo ko, nakakahiya na talaga sa kanya at buti nalang gabi na wala masyadong makakita.

Binaba niya na ko at ngayon niyaya niya kong umupo muna dito sa may garden.

"Ayy sorry Roniello, sorry talaga, pasensya na kung naabala pa kita pero thank you din dahil nasalo mo ko"

"Ron nalang, haba masyado ng Roniello eh, okay lang yun ginagawa ko lang ang tama. Kakaiba pala talaga kayong apat, nakakaexcite tuloy kapag nagstart na tayo ng training." sabi niya

"Ahm, di ko pa masyadong gamit na gamit ang elemental power ko, gaya ng ginawa ko sa inyo at yung nakita mo..pasensya nga pala ulit sa ginawa ko sa inyo..." 

"Anu ka ba, okay lang yun..nararapat lang samin ang ginawa mo at pinatunayan niyo din samin na deserve namin kayong tulungan" sabi niya

"Kung kayo nga ang sikat na warlocks na nakwento samin dati ni Ms. Cordelia, meron din kayong espesyal na kakayahan bukod sa pag gamit ng mahika? tama ba?"

"Napaka talino mo talaga Lyle, magaling yan...pinag aaralan mo ang mga taong posibleng maging kakampi o kaaway niyo. Gaya ng nakwento sa inyo ni Ms. Cordelia, meron kaming special powers kagaya ng sa inyo... gusto mo bang makita?" tanong niya

"Tignan mo gagawin ko..." sabi niya

Inangat ni Ron ang kanyang kanang kamay at kinumpas ito...

Unti unting nawala ang liwanag sa paligid, pati ang liwanag ng buwan nawala rin!

"Ron? natatakot na ko, asan ka na?" kabado kong tanong

Hinawakan niya ng mahigpit ang aking kamay...

"Wag kang matakot, andito lang ako at ito ang kakayahan ko...." sabi niya

Habang nagsasalita siya sa dilim, unti unting nagkakaroon ng maliliit na liwanag na tila ba galing sa mga alitaptap.

"Ang ganda...panu yun? anung kakayahan yan?"

"Kaya kong icontrol ang liwanag mula sa kahit anu pa mang pinanggalingan nito, kagaya nito, ginawa kong ilaw na parang galing sa alitaptap ang liwanag kanina galing sa buwan."

"Wow... ibig sabihin kaya mong magcause ng sobrang liwanag o kaya naman biglaang pagdilim, ang galing advantage yan kapag mapapalaban ka"

"Anung ako lang, lahat tayo, simula ngayon guardians nyo na kami hanggang sa huli kasama niyo kaming apat, di namin kayo pababayaan" sabi niya

Nakakatuwa naman na yung kanina lang kaaway namin e magiging kakampi namin lubos.

"Bukod dito...panu mo magagamit na panlaban ang mga liwanag?" 

"Simple lang, tignan mo gagawin ko sa pasong yun" sabi niya

Tinutok niya ang kanyang daliri sa paso na kanyang sinasabi...

"1..2...3" bumilang siya

Pag abot ng 3... may lumabas na light beam sa dulo ng kanyang daliri!

"WOW! ang galing!!!!!" 

"Eto pa.... tignan mong maigi"

Yung mga alitaptap kanina, pinalutang niya ito papunta sa mga paso...nang dumikit na ang mga ito sa dahon ng halaman na nakatanim sa paso.

BITCHCRAFTBasahin ang storyang ito ng LIBRE!