[Knight’s POV]

“I loathe your whole existence!” paulit-ulit nagrereplay sa utak ko ‘yung sinabi sakin ni Tanya. Napainom ako sa alak na kanina ko pa pinaglalaruan. Maingay sa party na ‘to ngayong gabi pero ‘yung boses ng babaeng ‘yun lang ang nadidinig ko at paulit-ulit sakin.

“Pare! Ano ba ‘yang ginagawa mo? Ang daming chikas dun. Porma na!” inakbayan pa ko ng isa kong kabarkada na si Jules. Tinitigan ko lang siya at lumagok ulit sa alak.

Naiinis ako sa babaeng ‘yun. Naiinis ako kay Tanya. Sa lahat ng ginawa niya sakin. Sa pang-iinis at pagkalaban sakin. Sa pamamahiya sakin. Sa pagsampal sakin. Sa pagtapak sa pride at ego ko. Lahat ng babae patay na patay sakin at hinahabol ako. Walang gumawa sakin ng mga bagay na katulad ng ginawa niya kaya naiinis ako sa kanya.

Isang sorry lang hindi niya mabitawan. Wala pang nakagawa sakin ng mali na hindi humingi ng tawad. Pero siya gusto niya ako pa ang mag-sorry sa kanya? Kalokohan. Isang araw, lalabas sa bibig niya ang salita na ‘yun. I’ll make her pay sa lahat ng atrasong ginawa niya sakin. I’ll make her say sorry and I will feel her very sorry sa pagkalaban sakin.

“P’re, si Shane nga pala ‘to. Gusto ka daw niya makilala,” tumatawang iniharap sakin ni Tristan ang isang matangkad, maputi at sexy’ng babae. Parehas ko silang sinamaan ng tingin.

“Hindi ako interesado,” saktong pagtayo ko sa upuan ko, nahagip ng mga mata ko si Tanya na naglalakad habang parang lamig na lamig. Nakatingin siya sa mga taong sumasayaw hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

“Hi, baby,” bago ko pa matingnan kung sino ‘yung babaeng kumapit sakin na alam kong hindi ko naman kilala pero kilala ako, itinulak ko na siya at lumakad paalis sa alon ng mga taong nagsasaya sa party.

Hinahanap ko kaagad si Tanya sa nilakaran niya, malayo na siya at papalabas na ng resort. Pilit ko siyang sinundan hanggang sa mawala siya sa dilim ng kalsada. Sinusundan ko siya para pagbayarin sa ginawa niya sakin pero hindi ko na siya makita.

Di bale, hihintayin ko na lang siya dito sa entrance. Tingnan ko lang kung may kawala pa sakin ‘yun. Pero lagpas 11:30 na, wala pa siya! Kinain na ba ‘yun ng dilim?! Tss. Babalik na ko dapat sa loob nang marinig ko ‘yung yabag ng paa na parang mga nagtatakbuhan. Hindi ko ‘yun pinansin at aalis na pero may narinig akong sigaw ng babae.

Halos sabay-sabay pa kaming nagkatinginan ng dalawang guards dito at may narinig ulit kaming sigaw. Hindi na ko nagdalawang isip na tumakbo. Tumakbo rin ‘yung dalawang guards papunta sa pinanggalingan ng sigaw pero nauna ako.

Nanggalaiti ako sa galit nang makita ko si Tanya na umiiyak at minamanyak nung isang lalaki. Napayukom ang mga kamao ko at sinugod sila parehas.

“Tanya..”

“Wag!” natakot siya nang hinawakan ko siya. Mas nagalit ako dun sa dalawang lalaki dahil sa nangyari sa kanya. Nagalit ako, nagagalit ako. Naiinis ako. “Sshh. You’e safe now, I'm already here.” napaiyak siya sa dibdib ko habang yakap-yakap ko siya. Nanginginig pa din ako sa galit. “Tan—“

“Layuan mo ko!” sigaw niya sakin at tinulak ako. Dahilan para mapaupo ako sa kalsada. Tumayo siya at tiningnan ako. “Layuan mo ko!” tumakbo siya pabalik sa resort. Nandito na ‘yung dalawang sekyu ng resort namin at dinadampot ‘yung dalawa.

Bago ko ‘yun pabayaan sa kanila at iwan, binigyan ko muna sila ng tig-isang tadyak sa sikmura.

Hinabol ko si Tanya na tumatakbo pabalik sa resort. Medyo malayo siya sakin pero naabutan ko siya dahil nadapa siya sa buhanginan nung dagat. Nilapitan ko siya kaagad na humahagulgol.

The Great EscapeBasahin ang storyang ito ng LIBRE!