Chapter Three

83.6K 1.8K 290


Hindi ko alam kung bakit pa ako nag-expect.



After that hug moment with Grant, akala ko ay magiging okay na ang lahat. For a second, akala ko ay nagugustuhan niya na rin ako pero pagkatapos akong ihatid sa bahay ay bigla ulit lumamig ang pakikitungo niya sa akin. Not that I have the time to care. Hindi ako nagkaroon ng time para magmukmok dahil busy ako sa preparation for my debut at hindi ko rin masyadong nakikita si Grant.



I didn't need his driving service anymore dahil nasa akin na ulit ang sasakyan ko which I fully regret. And that makes me want to permanently break my car. Gusto ko man ang may sariling ride ay mas gusto ko siyempre na inihahatid ako ni Grant. Every time kasi na sinusundo at hinahatid ako ni Grant, I feel like I'm his girlfriend.


Oh bakit? Bitch man sa paningin, tao pa rin ako at libre pa rin ang magfeeling.



That's why I really tried my best to make sure na we'll still be able to spend time with each other. Gosh. I sound really desperate–but I don't care. It's not like anyone would dare to call me that. If they don't want a piece of me, they'll surely know na dapat nilang itikom ang bibig nila at manahimik. But if they're feeling brave and feeling like visiting hell... then I'll give them the green light.


"Hihintayin ko pa po ba kayo mam?" the driver asked.


"No need, ihahatid na ako ni Grant." ngumisi ako dito. Bubuka pa lang ang bibig ng driver para sumagot nang biglang may umapila agad sa likuran ko.


"Oh? Sabi niya?" I quickly turned around to see the person who just butted into the conversation. Not that I needed to. Even with my eyes closed, alam ko kung sino ang demonyong nagsalita.



"Wala ka bang sariling bahay?" I grimaced at him but he just smirked at me like he always does.



"Wala ka rin bang sariling bahay?" sagot niya sa akin kaya binigyan ko siya ng isang napakatamis na ngiti. It was a cute and charming smile, I've practiced it in the mirror tons of time. But it's also genuine.



My driver already left, I heard the car's engine but I didn't pay attention to it. Nakatingin lang ako kay Rush.



"I'm visiting my future husband." tinaasan niya ako ng kilay at ipinikit-pikit ko naman ang mga mata ko. I applied my mascara quadruple times, kaya ewan ko na lang kung hindi niya pa mapansin ang pagkumpas ng eyelashes ko. Not that it matters kung mapansin niya o hindi. I specially fixed myself (not that I needed it) for Grant and only for him.



"What are you doing?" I was batting my eyelashes.



"Nagpapa-cute." Rush grimaced.


Mean for You (Mean #1)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!