NLY 45 - Back Again

710 18 3

Shirley's POV

Sinundan ko si Benj sa utos na din ni Marj...joke lang. Seriously, susundan ko naman talaga sya. Gusto ko naman na rin syang makausap. Naghahanap lang ako ng tyempo at nagiipon ng lakas ng loob. I mean, diba nga may mga katopakan din akong ginawa? 

Tok Tok Tok

Shirley: Benj?...Benj?

Walang sagot. Pinihit ko yung pintuan. Di naman din kasi yun naglo-lock ng kwarto e. Pagbukas ko....wala. Walang tao.

Asan kaya yun?

Bumaba ako at nilibot ang buong bahay nila.Kapagod ha! Ang laki kasi nito e.

Pumunta ako sa may garahe at nakita ko dun si Mang Celo, ang driver nila Benj.

Shirley: Good evening po Mang Celo, nakita nyo po ba si Benj?

Mang Celo: Good Evening din Ma'am Shirley. Si Sir Benj po? Nakita ko pong lumabas e.Hindi ko nga lang po alam kung saan pumunta.

Shirley: Ah sige po. Salamat.

May idea na ako kung saan pumunta si Benj. Malamang dun sa pinupuntahan nya palagi pag gusto nya mapag-isa.

Tama nga ako. Nakaupo sya ngayon sa may puno sa labas lang ng clubhouse. Hindi ko makita ang mukha nya kasi nakayuko sya. Dahan-dahan akong lumapit.

Shirley: Benj...

Inangat nya ang ulo nya sabay ngiti.

Benj: Shirley.

Umupo ako sa tabi nya.Nakangiti ngayon sya sakin pero malungkot ang mga mata nya.

Shirley: Ano ginagawa mo dito? Bakit ka umalis? Andun pa yung barkada.

Benj: Wala naman. Gusto ko lang mapag-isa.

Shirley: Ah, sige...

Sabay tatayo na ako at lalakad paalis nang hawakan nya ang kamay ko.

Benj: Yung sa inyo ni Francis....

Sabi nya sakin ng nakayuko.

Shirley: Ano yung samin?

Benj: Ano nagustuhan mo sa kanya? Naisip ko kasi di ko pa natatanong sayo yan kahit kailan.

Shirley: Si Francis? Besides yung physical features nya, sobrang bait rin ni Francis. Napaka understanding. sweet, gentleman, caring, maalalahanin, thought---

Di ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla syang tumayo at lumakad palayo sakin.

Shirley: Huy, teka san ka pupunta?

Sabi ko habang hinahabol sya.

Benj: Tama na Shirley. Alam mo ba sa bawat salitang binitawan mo kanina parang isa-isa nitong tinutusok ang puso ko?

Shirley: Ano bang pinagsasabi mo? Yung kay Francis? Ikaw kaya ang nagtanong. Ikaw ang nagsimula nun.

Benj: Alam ko. Hindi ko nga alam kung bakit ko gusto malaman yun e. Siguro dahil gusto ko gayahin yun? O baka naman talagang masokista lang ako? Ewan!

Sabay talikod uli.

Shirley: So anong ibig mong sabihin dyan?

Humarap uli sya sa akin. Nakita kong unti-unti nang nabubuo ang mga luha sa mata nya.

Benj: Hindi ko alam! Honestly, hindi ko na talaga alam. Ang alam ko lang masyado na akong nasasaktan. Nahihirapan na ako Shirley. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa nararamdaman ko para sayo. Punong puno na ng sakit at selos ang puso ko. Ayaw ko na.

Nothing Like You Basahin ang storyang ito ng LIBRE!