Date: February 14, 2014

 

Malalanta din yan. Sabi ko nong dumaan ako sa hallway nang school namin. Di naman ako bitter, sadyang ordinaryo lang talaga ang araw nato sa mga single na katulad ko :3

Bakit nakasimangot ka na naman? Ha? Sumulpot naman bigla si Andy.

Ano yan kanta? :3 sagot ko.

Tss. Inggit ka na naman sa kanila no? sabi niya habang nakangiti na parang nang-iinis.

 

Sus. Hindi ako naiingit sa kanila, maghihiwalay din yan noh :3 At yang mga bulaklak na yan…sabi ko habang nakaturo sa mga bulaklak na binigay ng isang estudyante sa girlfriend niya.

 Malalanta din yan.. dagdag ko. at yang mga chocola--- di ko naman natapos ang pagsasalita ko nong napansin ko na may dalang bulaklak si Andy.

 

Napatigil ka? Sabi niya habang nakatingin sa akin na ngiting-ngiti. I looked at him with my frown face at tumingin sa mga hawak niyang bulaklak.

Don’t look at me, like that. Sabi niya at ngumiti na naman at ngayon nakatingin na siya sa daanan.

 

Excuse me, miss. Bigla namang hinila ni Andy ang kamay ko nong dumaan yung babae. Paraanin mo din pag may time Maurine..di mo pagmamay-ari ang daanan :3 sabi niya.

Tss. Sino na namang malas na babae ang makakatanggap ng mga bulaklak mo? Sabi ko sa kanya.

 

Grabe. Malas talaga? Ang sakit naman makapagsalita nito..inggit ka lang kasi walang nagbigay sayo nito. Sabi niya at nag grin. I rolled my eyes at him.

Haha. Just kidding Maurine. Sabi niya habang nang-aasar sa akin.

 

Una na ako, nakakabadtrip yang pagmumukha mo. Tss. Sabi ko at binilisan ko ang paglalakad ko.

Haha. Sorry, nagbibiro lang ako. Sabi niya habang tumatawa. Nang-iinis tong asungot na to ah. Tss. Hindi ko siya inantay at mas binilisan ko pa ang paglalakad ko.

 

Maurine! Dinig na dinig ko ang boses niya habang tinatawag niya ang pangalan ko. Pero di ko siya pinansin…at dumiretso lang ako papunta sa 3rd floor classroom ko.

Dumiretso naman ako sa assign seat ko. Di pa dumadating ang iba naming mga ka-klase. Halos ang mga lalaki wala ditto, nag de-date panigurado :3 Naghiyawan naman yung mga ka-klase ko nong binigyan ni Alex si Cristina ng bulaklak at regalo.

 

Woa. Haba ng hair ni Cristina ah! Sigaw ni Adriana.

 

Kaya mga short hair dyan..seat back and relax. HAHA. Para naman siyang baliw sa kakatawa. Eh..mga short hair kami ngayon eh. XD Naglalaro nalang ako ng flappy bird pampalipas oras…

 

Sarap namang itapon nitong cellphone nato…ang tanga kasi ng bird na to!? Tss. Habang concentrate na concentrate ako sa paglalaro. Napansin ko namang tumahimik ang classroom. Tumingin naman ako sa likuran ko..

Asan na ba yung mga ka-klase ko? Tss. O sige, ako na ang loner :3

Naglaro nalang ako uli…. Concentrate…concentrate…

Someone poke at my shoulder. Di ko ito pinansin kasi concentrate na concentrate ako sa paglalaro…97 na!!!

Di pa din tumigil sa kapo-poke sa akin yung asungot na tao na nasa likod ko…at …

 

Ahhh! Sh*ttt!!!!

Napatayo naman ako bigla nong na game over ako! 99 lang L Itong asungot nato…pinatay si flappy bird kooooo! Tssss!

Napatingin naman ako sa likod ko para bugbugin kung sino man yung umistorbo ng concentration ko…kaso…

Nagulat ako nong nagsipasukan yung mga ka-klase ko at ang lapad ng mga ngiti.

For you Maurine. He said at nakangiti ng malapad.

Di ako makagalaw…nagulat ako nong nakita ko si Andy na nakatayo sa harap ko at binigay yung bulaklak na hawak-hawak niya kanina.

Oyyyyyyy! Naghiyawan naman yung mga ka-klase ko at dala-dala pa yung placard na, “I love you”. Ngiting ngiti naman ang mga ka-klase ko at masyado akong nahiya sa mga pinag-gagawa ng asungot nato kaya napakunot-noo ako bigla.

Ano na namang pang ti-trip to Andy? Kunot-noo kong sabi at bumalik sa pag-upo ko kung saan ako naka upo, malamang :3

Di mo ba talaga ako nararamdaman sa tuwing kasama mo ako? Sa tuwing malungkot ka? I’m always here beside you and cares for you because I really…..really…….

At alam ko na ang susunod na sasabihin niya. Yung mga ka echosan na mga salita. Tsk.

 

Kaibigan lang ang turing ko sayo. I said plainly at bumalik sa paglalaro ng flappy bird. Tumahimik naman ang buong klase pagkasabi ko non.

Makalipas ang ilang minuto narinig ko siyang tumawa.

HAHAHAHA. Bakit nalaman mo agad na trip lang to? Ikaw na talaga! Sabi niya at tawang tawa. Di ko alam parang nasaktan ako sa sinabi niya. Ako na ang tanga :3 Wala din akong pakialam.

Sige Maurine, pupuntahan ko pa yung pagbibigyan ko nito. Pinaktris ko lang sayo. He said at lumabas na.

Di  na ako umimik kasi kunwaring naglalaro ako ng flappy bird at alam ko namang trip lang yun kasi imposible naming magkagusto yung asungot sa akin, sobra akong maldita at mas lalong di ako mabait…pero bakit parang nanghinayang ako at parang naramdaman ko na naman yung pagkahati ng puso ko?

 -----------------------

Thank you for reading guyths! :) God Bless and more power! Acheche!

-MsChassica

Why? (ONE SHOT) By:MsChassicaBasahin ang storyang ito ng LIBRE!