Chapter 1 Loser

53 1 8

Nararamdaman ko ang patak ng ulan gawa ng maulang July. Grabe. Kung pwede lang may day off ako sa ganitong klase ng weather. But no. I have this duty that I must fulfill. Suot ang aking black boots, tumatalsik ang tinatapakan kong puddle of water sa isang masikip na esquinita sa Manila. Ang panghi dito pero no choice ito ang pinaka magandang vantage point. Tapos ang fun pa, walang masyadong dumadaang mga tao kaya mas madali kong magawa ang aking trabaho. Gosh. Anong oras na ba? Tinignan ko sa aking Hello Kitty watch (Please don't judge me, I'm 16 but I still love herrr!), 9:00 pm. Base sa aking survaillance, dapat nandito na siya ngayon. Baka natraffic sa EDSA kasi maulan. Bakit nga ba ako nandito? Well may underground pasugalan kasi dito sa dingy and old apartment na sinisilip ko. Pero hindi ito small time pasugalan, online poker lang naman na pinupuntahan ng mga sugarol na politician (at may celebrities din, gusto mo ng blind item? hihi next time!) -- Wait! May pumaparadang Crosswind. Tama ang plate number. This is it.

Pababa ang isang matabang manong -- si Senator. Ang aking target. Kasama niya ang kaniyang dalawang trusted guards. Then, just like those nights na tinitiktikan ko sila, bibigyan ni Senator ng bills ang dalawa pangmerienda para makapaghappy happy na siya. Sumakay ang guards sa sasakyan. Wala silang malay na ang boss nila ay nasa panganib. So hindi na ako nagpatumpik tumpik pa, oras na para ang aking Bodyguard naman ang dapat umaksyon. 

Isang tira lang with my M&P Bodyguard pistol ang kaniyang katapat.

Tumumba si Senator sa putikan. Walang nakarinig sa putok dahil na rin sa silencer ng aking hand gun. Umalis ako na parang walang nangyari. Gosh, I hate this weather. Buti na lang bagay ang black rain coat ko sa aking black ensemble. Tight gray v-neck long sleeves top at skinny jeans with my black boots. I love it! Comfy lang. Just around the corner, may nakaabang na sa aking kotse. Mabilis akong pumasok. 

"Kumusta Marla?" sabi ni Mang Syano, ang aking official driver. 

"Syempre deadbol." I said casually. Agad labas ng aking iPhone5s, syempre twitter, ig at fb agad for the weather update. 

Abot langit ang ngiti ko dahil sa mga nabasa ko sa aking newsfeed. 

"Yes walang pasok bukas!" sigaw ko. Natawa na lang si Mang Syano habang hinahatid niya ako pauwi ng bahay.

***

The next day, syempre dahil walang pasok inaya kong tumambay sa aming fave milk tea place near school ang aking two minions -- este bffs na si Charity, na super nerdy at ang makiring beki na si Panch. Balita sa TV ang pagkamatay ni Senator! Syempre malinis ang aking trabaho kaya hindi nila ako mahahanap no at naset up namin na kaaway sa pulitika ang matuturong salarin. 

"Nakakaloka ang pagkadeadbol ni Senator! Well siya naman daw ang tinuturong mastermind ng biggest corruption scandal sa country --" tutok na tutok si Charity sa TV habang umiinom ng kaniyang Wintermelon Milk Tea. 

"Please friend, wala naman akong paki diyan kay Senator, ang paki ko ay ang parating na UPCAT test! Nakakatense. Sabi nila mas mahirap yun over USTET!" reklamo ni Panch habang nakatingin sa kaniyang UPCAT reviewer.

"Relax lang kayo no. Sayang ang araw na ito kung mag-rereview ka lang." Kinuha ko mula sa kamay ni Panch ang reviewer. 

"Next week na kasi yun Marla!" 

"Guys, chill I know we can do it!" Inakbayan ko silang tatlo pero si Charity nakatutok pa rin sa TV. "Papasa tayo sa Big Four okay? Ang proproblemahin lang natin sa March ay kung saan tayo mag-eenrol!" 

"Si Panch lang naman ang ngarag no." sabi pa ni Charity.

"Ang yayabang niyo porke alam niyong papasa kayong dalawa e!" nagtatampo kunyari si bakla. 

"Tutulungan ka naming magreview okay? Basta ang pramis natin ay sama sama tayong magcocollege!" sabi ko sa kanilang dalawa. 

"Nakakasawa na kayong kasama." pabirong sabi na lang ni Charity. Nagtawanan kaming tatlo, pero hindi nila alam na ako yung assassin na bumaril kay Senator na balita sa TV.

***

Pagpasok ko kinaumagahan sa school, deretso ako agad sa aking locker. Nakasalubong ko sina Charity at Panch. Hindi nila ako pinansin. Well usapan namin ito na pagdating sa school hindi kami mag-uusap. So you know outcast kasi ako sa high school department ng Blue Crest Academy. As in wala akong friend kasi nga well bukod sa kailangan dahil na rin sa aking secret identity, pa-low profile ang drama.    Pagdating sa school, para akong si Mandy Moore sa A Walk to Remember. Baduy. Narealize ko nasobrahan pala ang pagpapalow profile ko napansin naman ako in a bad way. Tampulan ako ng tukso. They call me freak at mangkukulam dahil sinadya kong i isolate ang sarili ko sa lahat.

Ang dami ko nang nasabi. Anyway bago pa ako makarating sa aking locker, pinagtitinginan na ako ng mga nakakasalubong kong estudyante. May mga smirk sa kanilang mukha. Oh no. Ano na naman ito -- 

Pagdating ko sa aking locker may nakadikit na nagtwitwirking na Miley Cyrus picture, the diference is mukha ko yung nakadikit sa mukha niya at yes ineffortan pang lagyan ng dila with caption: Fugly Freak. Er. Nasobrahan sa panonood ng Mean Girls. I'm sure gawa na naman ito ng The Bitch Duo. Mga bored sa buhay na ang tanging hobby lang ay sirain ang araw ko sa campus. I was about to remove the not-so-funny picture biglang may humablot na iba rito. Okay pagtritripan na naman ba ako?

Kaso pagtingin ko, isang tall, dark and handsome na lalaki ang nakatayo sa aking harapan. Kaso pakshet, nakakahiya kasi tinitignan niya ang aking Miley Cyrus-ish photo. God. Pagtatawanan ba niya ako to the highest level? Ngumiti siya... I know susunod na ang malakas niyang tawa... but no..

"Alam mo mas maganda ka sa personal." sabi niya sa akin. 

Ah eh. Sabihin mo Marla, alam ko, thank you! Pero walang lumabas na salita sa aking nakangangang bibig. Totoo pala yun no? Mapapanganga ka sa isang lalaking sobrang gwapo! Hihi. 

Natawa na lang siya. "Nathan Salvador. Transferee."

Namula na lang ako. Ang alam ko na lang binubuksan niya yung katabi ng locker ko, well walang nang-ahas na tumabi sa locker ng isang bullied girl na kagaya ko but no katabi ko ang cute guy na ito (Ilang beses ko na bang nasabi na loser ako sa school kaya sobrang saya ko kapag walang pasok). 

Oh my Gosh. Bakit ganun? Parang nagslow motion ang lahat. Ang pagbukas niya ng pinto ng locker.. ang paglalagay niya ng books sa loob.. ang pagsara niya ng metal door at ang paglock... Ito na ba yun? Is this love at first sight?

Or OA lang ako? 

The Secret Life of a Teenage AssassinBasahin ang storyang ito ng LIBRE!