Chapter 3

18 0 0

Mabilis lumipas ang sampung taon, wala na rin balita sa isa't isa si Nathan at Avira, May kanya kanya na silang buhay kung baga.

Nakapagtapos si Avira sa kursong journalism at ngayon sinisimulan na nya ang career nya bilang book writer, Marami nang nagbago sa pisikal na anyo nya, ang dating laging naka short at sando ngayon ay napaltan na ng pantalon at salamin, magulo ang buhok na naka-bun, ngunit kahit ganun pa ang anyo nya hindi parin natatago ang magandang hubog ng kanyang katawan plus ang ganda ng kanyang mukha.

Masayahing tao naman si Avira kaya maraming natutuwa sa kanya sa opisina, marami din syang kaibigan pero sa kabila ng positive attitude nya meron parin parte sa puso nyang nasasaktan.

Nagkaron man ng karelasyon si Avira sa nakalipas na 10 taon, Iisa parin talaga ang tinitibok ng puso nya.. Si Nathan.

I want to break free.. I want to break frehehehe

Nakanta sa shower si Avira ng biglang nawalan ng tubig.

"T-T-T-Tubig!" sigaw nya habang nakapikit ang isa nyang mata.

natataranta sya at dahil wala syang choice, naiinis na lumabas ng banyo  na naka-tapis lang ng tuwalya basang basa at punong puno ng sabon.

"Tinamaan naman ng lintek oh! Asan na ba ang management ng condo na to?! bakit ngayon pa nawalan ng tubig!" dali dali syang pumunta sa telepono para tawagan ang namamahala ng condominium.

"Hello, This is Avira Castañeda, yes.. yess. 241A, I'd like to report yung tubig, bigla nalang kasing nawala. kaylangang kaylangan ko sya ngayon, please send someone to fix this asap." Humingang malalim habang nakikinig si Avira sa nagsasalita sa kabilang linya. "Okay, Okay. Thank you." sabay binaba nya ang phone.

"Hay! Avira kumalma ka. Hindi pwedeng masira ang mood mo, Malapit mo nang matapos ang libro mo relax lang.." Sabi ni Avira sa sarili nya habang pabalik balik ang paglalakad nya.

makalipas ng apat na minuto may nagdoorbell. Sa sobrang taranta nya dali dali naman si Avira sa pagbukas ng pinto. nakalimutan nyang nakatapis lang pala sya ng tuwalya.

"Hi! bagong lipat lang ako sa kabilang unit, pwede ba akong ma..ka..hi." tiningnan ng isang gwapong lalaki si Avira mula ulo hanggang paa at napatigil ito sa pagsasalita. ang huli nalang nyang nabanggit ay "ram."

Biglang nanginig ang tuhod ni Avira, naginit ang dulo ng mga daliri nya pati ang kanyang pisngi.

Multo ba tong kaharap ko? Nananaginip ba ako? kung nananaginip man ako sana hindi muna magising. mahirap naman yung hindi na magising may tatapusin pa akong libro sabi ni Avira sa kanyang isipan

"Na-N-N-Nathan?" tulalang bigkas ni Avira ng nabitawan nya ang hawak nyang tuwalya. nanlambot nalang ang buong katawan nya.

"Oh tapos?" natatawang sabi ni Ginnie habang nakikinig sa kwento ni Avira.

"Tapos, nilamon na ako ng sahig ng kahihiyan." sabay takip ni Avira ng kanyang dalawang maliliit na palad sa kanyang mukha.

"Hahahaha! As if namang may tinatago ka pa sa kanya eh nakita na nya yan lahat noon. Hahaha" pangaasar pa ni Ginnie.

"Tse! Iba parin syempre ngayon, ilang taon na ba ang nakalipas mula ng umalis sya papuntang US and God! ang gwapo parin nya." Sabi ni Avira habang sumisipsip ng kape, Nasa isang coffee shop si Avira at Ginnie, para kasing ayaw pa magpakita ni Avira sa building na yun. Dyusme ang kahihiyan.

Sino ba naman talaga mag-aakalang magkukrus pa ang landas nila ni Nathan? Isa pa lumipat na sya ng tirahan kaya kung hindi pa Destiny ang tawag dun ay ewan nalang nya.

"So.." nakatinging sabi ni Ginnie habang nasubo ng cake.

"So? anong klaseng tingin yan?"

"Tingin mo may pagnanasa parin sya sayo? haha!"

"Sira! I'm sure sanay na yun makakita ng hubad na katawan, sa amerika sya nanirahan ng sampung taon, Maraming clubs, maraming babae.. well sa pagkaka-alam ko."

"May point ka girl! Hmm pero sa tingin mo may feelings parin sya sayo?"

"Hello, nagfreeze kaya ako. saka nagwalk out sya after ng mga 5 seconds na nakatitig sakin"

"Ay girl wala ng feelings yan."

"Ouch naman ha O-U-C-H sakit mo magsalita."

"Well, face the reality girl. ang babata nyo pa non."

"But we're crazy inlove with each other."

"What if, he thinks he's crazy inlove with you, pero may nameet syang iba kung san mang lupalop sya pumunta non"

"US" Singit ni Avira.

"Whatever. but remember you broke his heart."

Biglang napatigil si Avira sa  pag inom ng kape, lumipas ang ilang segundong katahimikan, biglang pinalo ng dalawa nyang kamay ang lamesa sabay sabi with full confidence.

"I want him back!"

Ten Ways To Win Him BackBasahin ang storyang ito ng LIBRE!