For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

Hongkong

133 5 0

KM's POV:

Natapos ang isang linggong bakasyon ng SM artists dito sa resort ko. May mga kanya-kanya na silang gawain. Ang EXO pupunta ng Hongkong for endorsement ng Nature Republic.

Ako naman, nakikisabit sabit lang sa lakad nila.  Allowed akong sumama dahil nagpaalam na ko kay Mr. Soo Man. Wala namang reklamo si manager Hyun Kyun kahit sumama ko.

Syempre, hindi paglalakwatsa ang gagawin ko kapag kasama sila. Magbabantay pa rin ako sa EXO. These past few days kasi, may nararamdaman  akong umaaligid sa kanila. Probably, assassins.

Each group from SM Ent, kahit sa YG or Cube Ent has their own 'bantay'  na from IEPP. Ayon kay Raymond, uso daw ngayon ang pangsasalvage sa artista. Yung mga assassins ay pumatay na ng mga rising stars sa India, Mexico at France.

Anyways, kakalapag lang ng eroplano namin dito sa Hongkong. Ginising na ni manager oppa (eeew oppa, i don't call people oppa, erase erase). Ginising na ni manager yung EXO na kanina pa natutulog. Ewan pero mga mukhang pagod pa sila eh.

Nauna na kong lumabas ng eroplano. Alam ko kasing pagkakaguluhan na naman tong labindalawang mga baklang to kaya mas mabuti na lumayo ako sa kanila.

Alam ko rin na sasalubungin sila ng mga fans na may malalaking lens ng DSLR canon cameras. Ayokong kasama ko sa pictures na maipopost sa internet. -_-

Kasabay ng EXO bumaba ang mga stylist noonas nila. Yung iba nakakapit pa sa kanila. Ako naman pinipigil ko yung sarili ko na wag mainis dun sa stylist na nakakapit kay Yixing.

Yun nga, habang naglalakad ang EXO, puro flash ng cameras at tilian ng fans. May mga sumisigaw pa ng Wo ai ni EXO! Pwe.

Ako deadma lang. Nung pasakay na ng van, yung stylist na nakakapit kay Yixing kanina natapilok. Ang shunga naman kasi eh, nagsuot ng four inches heels, o ayan na-sprain tuloy sya.

Ako naman dahil sadyang matulungin, nilapitan ko tapos tinulungan makapasok sa van. Tapos dahil mabait din ako, hinubad ko yung rubber shoes ko tapos ipinahiram sa kanya. Para hindi siya mahirapan maglakad. Ako nagsuot nung heels nya. Pagkatapos nun pumunta na ko sa van ng EXO.

*mandarin

"Miss, wala na pong bakanteng upuan, doon nalang po kayo sa kabilang van." sabi nung Chinese driver na maghahatid sa amin sa kung saan kami mag-i-stay.

"Ah, sige ho pala." sagot ko.

Bago ko pa maisara yung pintuan ng van, hinila na ko ni Yixing.

"Dito ka na lang. Gusto ka naming kasama." sabi nya saken tapos pinakandong nya ko sa mga hita nya.

Pinalupot nya sa bewang ko yung mga braso nya para hindi na ko makaalis. Gustong-gusto ko naman. Ikaw kayang kandungin ng crush mo. (*^﹏^*) (Oo na crush ko na talaga si Lay)

Anyways, kumpleto sila sa loob ng van. Nagkukwentuhan sila, minsan kumakanta ng chinese version ng mga songs nila. Ako tahimik lang. Nangangawit na kasi ako eh.

Nakakandong nga ako kay Yixing, pero lahat ata ng bigat ko nasa paa at binti na. Nakasquat ako. Ayoko kasing mabigatan siya. Fifty kilos kaya ako. T.T

*krn

"Uy, Lay. Kung nangangawit ka na, palipatin mo muna si KM dito saken. " sabi ni Suho.

"Huwag kaya. Mababali lang yung bones ni Lolo Suho. Dito nalang saken." sabi ni Xiumin.

"Hindi ako nangangawit no. At saka hindi ko siya ibibigay. Comfortable naman kaming dalawa dito sa pwesto namin." kahit di ko nakikita, feeling ko nakangiti si Lay na sumagot dun kay Suho at Xiumin.

Her Life is ComplicatedBasahin ang storyang ito ng LIBRE!