New Year Quote

115 0 0

Ang bilis talaga ng panahon. Bagong taon na naman. Hay. Pero natutuwa ako kasi mamaya magpapaputok kami.

Bumili na nga ako ng...ahhh... lusis. haha. Ba, mas maganda ng safe!

Ilang araw na rin ang nakalilipas simula nung araw na yun. Kasakit pa rin. Pero, siguro it's time for me to move on and to have a fresh start.

My phone went off. Chineck ko kung kanino galing. Kay Maeline.

Jean! Miss na kita :( Kamusta ka na?

Kahit kailan talaga si Maeline, kung anong kinatalim ng mga kuko sa ibang tao, ganun naman siya kabait at kaalaga sa akin.

Aww. Mas miss na kita. :( bumuti ako nung nagtext ka :) nakabili ka na ba ng paputok? xD

Hay nako Jean, sabi ko sayo wag kang magpapaputok! ayaw ko ng coffee party! :(

Maeline.. -_- alam mo namang takot rin ako sa paputok, hanggang lusis lang ako! xD

Haha! xD buti na lang. pero ingat pa rin baka makapaso ka, :P

Oo na- "Jean, anak, pakitulungan mo nga ako dito sa kusina." sabi ni mama. -man. :) Sige tutulungan ko muna si mama. :) later. xx

Haha. Sige =) pakisabi hi! ^_^

Tinulungan ko na si mama pagkatapos nun. Ang rami talagang niluluto ni mama pag New Year's Eve.

Kinagabihan, naligo ako saka nagbihis ng dress na may polka dots. Alam niyo naman, mapamahiin tayong mga nilalang.

Habang nagbabarbecue sila papa, nakaupo ako hinihintay kong mag 12. Mukhang matagal-tagal pa dahil 8 pa lang.

After almost 4 hours, naexcite ako lalo. 20 minutes na lang 12 a,m. na!

19 minutes!

18 minutes!

My phone went off. Ha? bat kaaga naman bumati ng taong to? mali ba yung oras ko?

Tugtug. 

Galing sa...kanya?

Jean, sorry. Alam kong hindi ako naging mabuting best friend. Dapat hinabol kita. Pero nashock lang ako that time. Hindi ko alam gagawin ko nun. Pero, sorry, mukang nahulog na kasi ako kay Matthew. Matagal na niya akong tinetext pero sabi ko dati sa kanya na hindi pwede dahil nga alam kong masasaktan ka. Pero nahulog na yata ako sa kanya kasi sa effort niya. Kaya sorry talaga sana mapatawad mo na ako. Miss na miss na kita kung alam mo lang :'(((((

Dati sa movies ko lang to napapanood. Yung mamimili ka between the guy and your bestfriend. ganito pala kahirap. Ang sakit.

Lenna, sa pasukan na lang tayo mag-usap. Miss na rin kita.

Oo miss ko na si Lenna, Miss ko na yung bonding naming tatlo. Pero hindi ako magpapakaplastik na sasabihin kong okay na ang lahat.

5 minutes na lang.

My phone went off again. Ang bilis talagang magreply ni Lenna.

TUGTUG!

Opening....

Jean, may quote ako para sa'yo. "If you love someone, set him free. If he comes back he's yours, if he doesn't then he was never yours." Malay mo lang.

Anong ibig mong sabihin Matthew?

Hindi ako nagreply. Mafeeling na ba? Well, ganyan talaga pag bitter.

1 minute.

Una kong tinext si Maeline syempre.

Happy New Year Maeline! :* I love you! :)))) <3

Tapos si Lenna.

Sorry kung naging bitch ako Lenna. Alam ko namang hindi mo mapipigilan ang puso. nakakaiyak lang kasi... basta sa pasukan na :) Happy New Year!

Then I greeted the rest of my friends and classmates.

Last si Matthew. Nakakainis na hindi mo matiis yung isang taong yun.

Happy New Year. Marami tayong pag-uusapan nila Lenna sa pasukan. Hindi ako nagmamafeeling. Gusto ko lang maayos ang lahat.

Dry ba? Wala pa yan. Mas malala pa ring masaktan.

Walang problema ;) Gusto ko na ring maayos to para masaya na tayong lahat. :)

Kayo lang. Kayo lang ang sasaya. Sana mapilit ko tong puso ko na sumaya.

Sige. :)

Marami akong gustong tanungin sa kanya ngayon dahil hindi ko matanong ng harap-harapan. Pero siguro hanggang sa text duwag pa rin ako.

Pero sa dinami-rami ng gusto kong itanong, isa ang nangingibabaw-bakit hindi ako?

Bakit ang hirap mag move on?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!