Chapter 5

1.4K 30 0

Matagal akong gumising ngayon dahil walang pasok. Bumaba ako para kumain nang agahan. Si Duke

ay nasa sala naglalaro ng Xbox niya. Pagkatpos ko kumain nang agahan ay naligo na ako at sinimulan

magbasa ng mga libro. Wala kasi akong magawa dito sa bahay. May bumato sa bintana ko. Tumayo

ako agad at nakita ko si Jefferson kumakaway sa akin. Ngumiti ako at lumabas ng bahay. Pumunta

kami sa playground at nag-usap. Tinanong niya sa akin kung ano nangyari sa amin ni Alexa. Sinabihan

ko siya lahat na nangyari hanggang nagkabati kami

“Nagulat talaga ko noong nalaman kong nag-away kayo ni Alexa. Ang bait mo kaya”

“Salamat” ngumiti ako sa kanya

“Jefferson? Janica?”

Tumingin kami sa likuran namin at nakita namin ang isang babae na morena at mataas ang buhok

“Cloe? Ikaw ba yan?”

Lumapit siya sa amin at yinakap niya ako nang mahigpit. Pinakawalan niya ako “Musta na kayo? Tagal

na natin di nagkita”

“Okay lang kami. Kailan ka pala nakauwi galing Zamboanga?” tanong ni Jefferson

“Kahapon lang”

Umupo kami ulit sa swing “Musta yong buhay mo doon?” tanong ko

“Mabuti naman”

“Dito ka ba magaaral ulit?” tanong ni Jefferson

“Oo! Magaaral ako ulit sa St. Valentine Academy” sabay ngiti niya sa amin

“Mabuti naman! Alam mo madami na ang nangyari sa St. Valentine Academy. Akalain mo, sikat na

sikat si Jefferson doon. Maraming nagkakagusto sa kanya”

Tumingin si Cloe kay Jefferson “Naks naman! Eh sinong hindi magkakagusto sa kagwapo nito?”

“Tumigil nga kayo diyan. Hindi pa rin kayo nagbago”

“Dito pa rin kayo naglalaro?” tanong ni Cloe

“Hindi na kami naglalaro. Naguusap nalang kami” sabi ko

“May boyfriend ka na ba, Nica?” tanong ni Cloe

“Wala. Ayaw ko pa eh. Mag-aral muna ako” ngumiti ako sa kanya

“Sa ganda mo, walang magkakagusto sayo?”

“Ikaw lang ang nagsabi na maganda ako”

“Bakit? Hindi ka ba sinasabihan ng maganda ni Jefferson?” tumingin si Cloe kay Jefferson. Tumingin

My First and Last (JaDine) COMPLETEBasahin ang storyang ito ng LIBRE!