Vhong: Brad (sabay fist bump sa isa't isa) Asan si Vice? Wala na naman?

Eruption: Nauna na sya sakin, wala pa ba sya dito?

Ryan: Hayun oh! (Sabay nguso sa kinaroroonan ni Vice, naglalakad ito papunta sa kanila.)

Billy: Brad ( sabay fist bump kay vice, at ganun din ang ginawa ng iba) Saan ka galing?

Vice: Nagpapawis lang. (Tsaka niya nilagay ulit ang headphone sa tenga nya)

Vhong: Balik tayo sa dati. (Hinayaan nalang nila si Vice sa ganoong kalagayan, nakaupo busyng nagsasoundtrip habang naglalaro sa iPad nya.) Maiba na nga tayo ng topic, kamusta pala kayo ni Coleen brad?

Billy: Okay naman, every night kami nagkakachat. Eh kayo ni Anne?

Vhong: Feeling ko malapit na to, brad.

Billy: Masyado kang mabilis, brad.

Vhong: Brad, may mabagal sa atin pagdating sa babae.

Billy: Brad, ano kaba, iba sila sa mga babae natin. Dapat siniseryoso sila, we have to take time to get their answer, mas pinaghihirapan mas matatag.

Vhong: Sabagay tama ka. (Tsaka naman ngumiti ito)

Eruption: Vice, saan ka pupunta? (Napatingin naman silang lahat sakanya habang pinapanood nalang ito palayo sa kanila)

Billy: Hayaan nalang muna natin sya.

Vhong: Brad, hindi na maganda to, pag nagkakaganyan naman yan isang araw lang eh, after nun babalik na sya sa dati. At ang masama pa dito hindi sya nagyayang uminom. Alam naman natin na inom lang ang katapan nyan eh.

Billy: Wala ba talagang nakakaalam kung bakit sya nagkakaganyan? Kung okay sila ng daddy nya anong dahilan?

Echo: Baka si K. (Nagtinginan naman silang lahat)

Vhong: Paanong si K?

Billy: Malay natin, hindi narin nya inaasar si K.

Ryan: Baka type nya K.

Vhong: Hoy Ryan, tumigil ka wag mo sasabihin yan ngayong mainit ulo nya kundi lagot ka talaga.

Ryan: Isip ko lang naman.

Billy: Tara na! Baka malate pa tayo.

---

Anne: K, si Vice oh (sabay tingin sa likod ko, nandito kasi kami sa labas ng room ko, hinatid nila ako at naalala kong magkatabi pala kami ng room ni Vice. Narinig kong nag-Hi si Anne, ngumiti lang ito sa kanya at tuloy-tuloy sa paglalakad papunta sa room nya. )

Bakit di man lang sya lumingon sakin? O kahit man lang isang sulyap, para lang syang hangin na dumaan sa harapan ko.

K, ano ba ang inaasahan mo? Diba dapat nga maging masaya ka pa kasi di ka na nya inaasar? Dapat mag-diwang ako at tumalon sa sobrang saya kasi finally di na nya ako ginugulo, pero bakit ganun? Bakit di ko mapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon? Parang may nakadaang mabigat na bagay sa dibdib ko na nagpapasikip nito.

Angel: K, okay ba kayo ni Vice? (Tanong sakin ni gel, ngumiti lang ako ng slight at nagpaalam ng papasok sa room ko)

Anne: Okay, bye! Kita tayo maya dito rin ha, sabay na tayo maglunch. (Nag-nod lang ako at pumasok na)

Coleen: Ano naba ang nangyayari kay Vice?

Anne: Ewan ko, okay pa naman sya nung magkausap kami eh.

Angel: Magkausap kayo?

Anne: Oo last last night sa FB. Nakita ko kasi confirmation nya sa friend request ko kaya nagPM ako then yun na, kwentuhan about sa pang-aasar nya kay K.

Bad Boy meets Good Girl || ViceRylleBasahin ang storyang ito ng LIBRE!