For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

Chapter seventeen

3.2K 57 0

Matapos na gawin ni Tim ang bagay na yun muli na siyang naupo sa kanyang kinauupuan kanina at umaktong parang walang siyang ginawa at walang nangyari. Sakto din naman na pababa na si Thea.

Nginitian nya lang ito ganun din naman ang ginawa ni Thea.

“Okay ka lang jan ate?”

“Yeah im fine.” Sabay ngiti ulit nito at tumayo.

“Ah buksan mo na lang ate yung TV para hindi ka mabagot jan, malapit ng matapos si ate Sam sa taas nag bibihis na lang siya baba na din yun.”

“Hindi na okay lang. Ahm Thea? Makiki-cr sana ako eh saan ang cr nyo?” tanung nito.

“Ah dito po.”Sabay turo naman nito kung saan naroon ang cr.

“Okay thanks.” At pumasaok na nga sya sa loob.

Nang makalabas na sya, nandun na din sa may kusina si Sam at nagluluto. Nakita din niya na nakaayos na ang mga pagkain sa hapagkainan.

“Tara upo kana dito kain na tayo.” Aya ni Sam.

At nag umpisa na nga silang kumain. Habang nakain nag kukwentuhan naman sila.

“Ate Tim ano po last name nyo?”

“Nicole.” Maikli nitong sagot.

“Aaaah. Alam nyo ate parang panlalaki yung pangalan nyong Timothy. Pero ang ganda nung Nicole diba pangalan yun? Kwento ka naman kung bakit ganun ate.” inusenta nitong tanong.

Nabilaukan naman nun si Tim sa narinig nyang sinabi ni Thea. Kaya kaagad namang tumayo at kumuha ng tubig sa baso si Sam. Inabot naman niya ito agad kay Tim.

“Okay kana?” pagaalalang tanong ni Sam. Sabay baling naman niya kay Thea. “Nako Thea tigil mo na nga yan dami mong tanong di kana nahiya.”

“Sorry nag tatanong lang naman.”

“No its okay, yeah panlalaki nga yung name ko then yung last name ko naman pambabae. Akala kasi nila lalaki ako nung nasa loob pa ko ng tiyan ng mommy ko then pinangalanan na nila agad ako ng Timothy isinunod nila sa panglan ng grandfather ko, then nung lumabas na ko nagulat lahat sila kasi babae pala ako. So ayun, yun yung kwento sa likod ng pangalan ko.”

Hanggang sa hindi na tinigilan pa ni Thea si Tim sa kakatanong, kung ano-ano at kung saan-saan na napunta pa ang usapan nila habang naghahapunan.

After nilang kumain naghugas na ng pinggan si Sam at magkasama parin sila Thea at Tim sa sala ngayon. Hindi na niya tinantanan pa si Tim. Pero syempre maingat at pinag-iisipang pa ring maige ni Tim ang mga isasagot niya sa bawat tanong ni Thea. Madalang siyang sumagot ng mahaba, kadalasan hindi lalampas sa 2 to 3 words lang ang isinasagot niya dito.

“Anong course po ang kinuha mo ate?” pangungulit nito.

“Ahm nursing.”

“Talaga ate? Ako rin eh nursing ang kukunin ko pag college na ko. At gusto ko pag nag ojt na ko dun ako sa Nicole’s Greenfield Hospital.”

“Bakit naman gusto mo dun?” usisang tanong nito.

“Kasi talagang napaka ganda daw nung quality ng pagtuturo nila dun at talagang matututo ako–… wait ate Nicole last name mo diba? Related kaba sa isa sa mga doctor dun sa hospital na yun?”

You Found Me (Lesbian Story) (Short Story)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!