Obfuscate. ('Wag basahin! Hindi kapupulutan ng aral)

127 14 15

Para sa isang taong minsan na rin naging malapit sa aking puso, pakyu sagadness. 10% na lamang ang natitirang baterya ng aking laptop, kung gayo'y limitado lamang ang aking oras sa pagsusulat ng mensaheng ito na alam ko namang hinding-hindi mo mababasa. Aamin na 'ko. 

Unang-una, langya ka. Ilang beses mo na'ng ginugulo yung utak ko, at aaminin kong isa ka sa paboritong isyu na isinusulat ng mga kamay ko sa t'wing nagsusulat ako sa aking journal o kahit dito man lang. (Akalain mo nga, gumawa na talaga ako ng isang chapter na patungkol lamang sa iyo. Watdapackingtape).

Nakakainis ka na nakakainis na nakakainis nang sobra-sobra.

Naiinis ako sa 'yo kasi ayokong mahulog (ang korni, pero wala e) pero 'di ko mapigilan dahil grabe talaga ang hatak mo. Naiinis ako sa 'yo kasi sinusubukan ko namang iwasan ka para mawala na 'tong walanghiyang naramdaman ko, kaso, wala e. Napapabalik mo pa rin ako. Gago ka. Naiinis ako sa 'yo kasi kahit anong pigil ko, nalulunod pa rin ako sa huli. Alam ko naman kasing ganun ka lang sa lahat ng tao. Alam ko na wala akong pinagkaiba sa ibang mga kaibigan mo. Malandi ka kasi. Alam kong kung ano yung tinatrato mo sa 'kin, ganun din ang trato mo sa ibang tao. Nothing's special. Hindi ako espesyal para sa 'yo. Isa lamang akong hamak na kaibigan mo na nilalapitan mo lagi 'pag may kailangan ka. At eto naman ako, bilang isang hamak na kaibigan mo, handa ring tumulong lagi sa iyo. Nakakainis dahil hindi ko mapigilan ang sarili ko. Nakakainis dahil parang nilamon na ako ng emosyon ko na ako mismo, hindi ko na ma-ikontrol. 

Nakakainis ka. Binago mo ako. Binago mo ang pagkatao ko. Binago mo ang buhay ko. 

Noong una kitang nakita, akala ko isa ka lang sa mga taong prends-prends ko. Akala ko isa ka lang sa mga taong makakasundo ko sa kalokohan ko. E, magkaibigan lang naman talaga tayo noon eh. Magkakilala. Naglolokohan. Normal lang tayo na magkaibigan. Wapakels ka lang noon sa'kin, nung medyo 'di pa kita nakikilala nang lubusan. Nilalampasan lang kita. 'Di kita masyadong pansin. Natatawa pa nga ako kasi lagi kang OP t'wing nag-uusap kami. Lagi kang late. 

Maling Akala as background song. E, na-maling akala zone pala ako. 

Nung mas naging malapit tayo sa isa't isa (ewan ko kung mas naging malapit nga ba, pero mas lumala lang ata yung kalokohan natin), du'n na ako nagsimulang malunod. Nalunod ako sa 'di inaasahang pag-apaw ng emosyon ko na sa una ay binabalewala ko lamang ngunit nang lumaon, ay bumuhos na. 

Bawat mensahe na pinapadala mo sa 'kin, bawat pagkakataong pinatawa mo ako, bawat minuto na pinasaya mo ang korni kong puso, nahuhulog na ko, unti-unti sa isang bangin na puno ng korniness. Noong una, ayaw ko pang aminin. Ayaw kong aminin na nahulog na nga ako sa isang kaibigang 'di ko naman inaasahan na lalandingan ng puso ko. Iyon ang mga panahon na puno ng inis-moments. Du'n yung panahon na naiinis ako kapag lumalapit ka sa 'kin, kasi naiisip ko na kung ano man yung inaasta mo sa akin, yun din naman ang inaasta mo sa iba.

Sa normal na sitwasyon, walang masama doon, oo. Pero sa sitwasyon ko, sensya na, pero 'di to normal. Sa sitwasyon ko, lahat ng iyon ay masama sa aking kalusugan (sa aking puso talaga), sapagkat kung iisipin kong ang lahat ng iyong inaasta sa akin ay kakaiba sa inaasta mo sa karamihan, aba, magiging masakit ang lagpak ko sa putikan nito. Bawal mag-assume unless otherwise stated. Wrong gramming 'yan, 'wag masyadong i-feel ang moment. 

Ah, basta. Ang dami ko nang tinitipa pero parang isang salita lamang ang natipa ng lahat ng iyon: laboness. Ako na talaga ang Master of Laboness. Isa lang ang masasabi ko. Ang tunay na malabo rito ay si buhay. Noon naman kasi, wapakels lang talaga ang presensya mo sa buhay ko. Pero bakit dumating ang araw na hinahanap-hanap na kita? At ayokong umasa. Ayoko. Dahil alam ko naman talaga na wala akong aasahan. Ganyan ka sa lahat ng tao. Ganyan ka sa lahat. Marahil ay hindi ka naman talaga malandi, ngunit isa kang mabuting tao na pinapasaya ang lahat gamit ang kanyang nakakaaliw na ugali. Sino bang hindi mahuhulog sa ganyan? Gago ka talaga. Nabalitaan ko nga na kaka-break niyo lang daw nung syota mong matagal-tagal mo ring minahal. Hindi ikaw ang nakipag-break.

'Di ako naging masaya. Nalungkot ako. Sayang. Sinong nilalang ba ang mangangahas pa na pakawalan ang tulad mo? Gago ka talaga. Nagluluksa ka pa sa break-up ninyo. 

Aaminin kong nabaliw ako (nang konti) sa 'yo. 'Di makatulog sa gabi sa kaiisip. Hinahanap-hanap ka. Umaasang magte-text ka. Iniisip ka. At tae lang. Ang daming bagay na nagpapaalala sa akin sa 'yo. Aaminin kong na-inlab ako sa 'yo. 

At ngayon, nagsusulat ako para pakawalan na lahat ng nasa itaas. Gusto kong pakawalan na ang nararamdaman kong 'to. Ayoko na. Gusto ko nang tumigil. Alam kong kapag feelings na ang pinag-uusapan, 'di mo talaga mapipigilan. Pero umaasa akong balang araw, mababalik din sa dati ang lahat. Yung dati na wala pa akong nararamdaman sa iyo. Yung dati na wala pa akong pakealam kung ano mang isipin mo sa 'kin kung kaya't ibang lebel pa ang kalokohan ko sa 'yo, walang akwardness. Yung dati na walang malisya akong nararamdaman. Yung dati na walang pumipigil sa 'kin na kausapin ka dahil alam kong wala na talagang mamumuo. Yung dati na tawa lang tayo nang tawa na parang walang bukas. Yung pure kalokohan at ka-adikan at kalokohan at ka-adikan lamang ang ginagawa natin. Palagi.

Gusto ko na ganun lang. 

Ayoko ng ganito. Yung nakakaramdam ako ng awkwardness. Yung naiilang ako. Yung nag-ooverthink ako. Yung minsan umiiwas ako. 

Gusto ko normal lang. Magkaibigan lang. Walang ilangan. Walang overthinking na nangyayari. Walang inaalala, puro kalokohan lang. Ganun.

At para magawa yun, kailangan ko nang pakawalan 'tong nararamdaman ko.

Let it go, let it go. Can't hold it back anymore. Kantahin muna natin ang Let It Go, pang-warm up lang. 

Panghuli, salamat. Salamat sa lahat ng naging karansan ko sa 'yo. Masaya akong nakatagpo ako ng gaya mo. Walang biro-biro 'yan, baka 'di ka na naman maniwala. Salamat sa lahat. 'Di mo alam kung gaano mo ako nabago. 

At eto nga, nabuhos ko na ang lahat. Sana mawala na 'to. Dito na sana magtatapos yung lahat. Wala na. Wala na. Wala na.

Alam kong di mo 'to mababasa. Ayos lang. Baka kung ano rin maging reaksyon mo kapag nabasa mo 'to. Itatae ko lang lahat. Babalik na ako sa dating gawi. Sana ganun ka pa rin. Sana walang magbago. Kahit alam kong napakalabong mangyari nu'n.

Magkaibigan tayo. No more, no less. Iyon lang. 

Nagmamahal,

(na raw ang langis) Iyong Adik Na Kaibigan

The Chronicles of AdikBasahin ang storyang ito ng LIBRE!