Chapter 7 

---

Shiwal's Point of View:

     Bigla akong nagising dahil sa lintik na alarm clock. Pucha lang. Kakagulat. Letse. Naalala ko na naman yung nangyari kahapon +___+ Bwiset lang.

     Tumayo na ako at naghanda na sa pagpasok ko sa school. Hay . . . Nakakatamad.

     Pero mas lalo akong tinamad na pumasok ng makita ko ang lintik na mga pagmumukha ng "The 4 UGLY Men" sa mansion ni Oba-chan.

     "Good morning." sabay-sabay nilang bati sa akin matapos nila akong makita. Nakita ko ang isang baseball bat sa lalagyanan ng mga golf club at kinuha ito. Napalunok silang lahat ng makita nilang tinitignan ko si Jack, tila alam na nila ang gagawin ko. Tumingin ako ng matalim dito at ipinosisyon ko ang sarili ko. Iniisip ko na isang bola lamang si Jack at kailangan ko itong hampasin. Hana, dul, set, bulong ko at . . .

     "HUWAAAAAAAAAAAGGGG!!!" narinig kong sigaw nilang lahat except kay Eung.na kalmadong kumakain. As expected =___=

     "Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko at tumingin kay Jeom na kasalukuyang hinahagod ang likod ng nanginginig na si Jack +__+ I'm bad and I love it.

    "Inimbita kami ni Kyo." narinig kong sabi ni Eung. Mas mabilis pa sa kidlat akong tumingin ng masama kay Kyo. Sa isip ko ay nilulublob ko na ang guwapong pagmumukha ni --- what the! Did I just said na guwapo siya? =___= Eeeew. Back to my imagination, sa isip ko ay nilulublob ko ang PANGET niyang pagmumukha sa isang kumukulong tubig at tinututok ko ang isang kutsilyo sa banda niyang lalamunan at inihahagis ang kaniyang bangkay sa the red sea =__= Me and my murderous mind.

     "Who are you to invite him?" I asked. Yumuko lang ito.

     "Ikaw kasi Kyo eh."

     "ANONG AKO?! PINILIT MO KAYA AKO JACK! ULUL!"

     "H-hey . . . chill ka lang Kyo!"

     Napaikot na lamang ako ng mata at umalis sa harapan nila dahil baka tuluyan ko na silang lahat at imbes na sa the red sea ko sila ihagis, ihahagis ko na lang sila sa kanal para mas masaya =___= Dumiretso ako sa porsche ko.

     Nang nasa Kiwal University na ako ay tumingin ako sa salamin para tignan kung panget pa rin ba ako =___= at nagulat ako sa nakita ko. Tangina! Bakit ko suot ang punyemas na gangster suit na ito! Aruuu!!! Jusmeyo Marimar!

     Hindi na ako nagpalit ng damit dahil male-late na ako. Buti na lang ay hindi ko pa rin inaalis ang malapit ng mag expired na make-up kit ko sa bag ko. Just in case lang ito dahil bigla-bigla rin si Auntie na nag-iinvite ng mga party kahit alam ko naman na hindi ako pupunta. Minakeupan ko ang sarili ko ng tama lang na hindi nila ako makikilala agad at nakita ko ang isang gunting kaya't napangisi ako at tinignan ang mahaba ko ang buhok. Lumabas ako at dumiretso sa back door ng school. Nang makita ako ng guard ay dali-dali niya akong pinapasok dahil alam niyang ako ang may ari ng school na ito. 

     Dumiretso ako sa isang cr at ginupit ko ang buhok ko at napangisi. 

---

A/N: PS. NAKAKATAMAD MAGUPDATE :D

Love Haters (DISCONTINUED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!