Hello po! Sana basahin niyo po yung chapter na 'to. Thank you sa paglagay sa RL mo yung story na to. I hope na magustuhan mo ito.

And sa dalawang babae na sinabihan kong mag-uupdate ako sa Wednesday, joke lang yun. Tehee~! Kating-kati na ako na ipublish 'to eh. Sana magustuuhan niyo rin! Lalo na ikaw, XiaoCh. =))))

♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂

♂♀ “Miko’s POV” ♂♀

Kanina pa akong tumatakbo. Bakit ako tumatakbo? Well... Bigyan ko kayo ng flashback. Tehee! Anong tehee Miko? Nababaliw ka na ba? Hinahabol ka po kaya!

FLASHBACK

Nandito ako ngayon sa canteen. Bibili na naman kasi ako ng lollipop. Dalawa yung binili ko kanina kaso naubos ko kaagad ito. Kaya ngayon, bibili ako ng tatlo o lima.

Pagkatapos kong bumili, aalis na sana ako sa canteen ng may biglang tumawag sa akin.

"Biko!" Potek. Bakit nandito yung bossy na lalaking 'to? Lumingon ako dito at binigyan siya ng poker face. Ganyan rin kaya yung binibigay niya sa akin tuwing kakausapin niya ako o tatawagin yung pangalan ko.

“Ano ba ang gagawin ko para maintindihan ng utak mo na ang pangalan ko ay Miko at hindi biko?” Bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa kanya. Binigyan niya ako ng question look habang nakapoker face. Tinaasan niya pa ako ng kilay. Sungit sungit ni bossing.

“Lumapit ka dito, biko.” Pinakalma ko muna yung sarili ko. Tiningnan ko ulit siya. Bigyan ko kaya siya ng Miko kick? O mas maganda kung bigyan ko siya ng Miko punch? Ngumiti ako dito at tumakbo papunta sa kanya saka binigyan siya ng Miko flying kick.

Wahahaha! Ang galing! Sumakto yung paa ko sa mukha niya! Nahulog siya sa upuan niya. Heh, buti nga. Tinulungan siya ng mga babae na nakapalibot sa kanya. Hindi ko napansin yung mga babae kanina a. Bakit kaya?

Pagkatapos nilang tulungan si Charles, tumingin yung tatlong babae sa akin ng masama. Kinain ko lang yung lollipop ko. Wag ko nga silang pansinin. Psh. Umupo na ulit si Charles sa upuan niya at ngumisi sa akin.

“May ginawa ba ako na ikinainis mo?” Buti naman tinanong mo bossy. Inirapan ko ito at sinipsip ulit yung lollipop.

“Waa. How dare you! Ba’t mo ginawa yun kay prince Charles?! You ugly duckling!” Tinawag niya ba akong ugly duckling? Ha! Tiningnan ko yung babaeng ‘to at tinaasan ng kilay. Actually, ginawa ko yun para magmukha akong mataray pero tingin ko mukha pa rin akong bata. Wahaha. Hindi bagay sa akin magtaray.

“Tinatarayan mo ba yung friend ko? Wa! Hindi bagay sa ‘yo, Ms.Childish.” Sabi ng babeng may itsura pero mukhang clown dahil sa sobrang kapal ng makeup na nilagay sa mukha. Nginitian ko lang sila at sinaksak na sila ng maraming kutsilyo sa isip ko. Bwisit. Ayoko kasi magkaroon ng away kaya titiisin ko nalang yung inis ko sa kanila. Saka, hindi bagay sa akin magsimula ng away.

“Pwede bang maging dinner kita mamaya?” Napatingin ako sa bumulong. Si Charles nagsabi nun? Wait.. Ano daw? Pwede bang maging dinner niya ako mamaya?

Miko’s Imagination

Tinali ako ni Charles sa lamesa. Nakahiga ako at nakatalikod siya sa akin. Kinabahan ako. Anong gagawin niya? Humarap siya sa akin na may hawak na butcher knife. Teka, anong gagawin niya sa akin?!

“Stay still, biko. Hihiwain na kita. Ano kaya ang pwedeng lutuin? Sinigang? Adobo? Hehe.” Hinarap niya na sa akin yung kutsilyo at sinimulang hiwain more like chop chopin ako. NOO!!

End Of Miko's Imagination

“NOO!!” Niyakap ko yung sarili ko at tumingin kay Charles. Nagtaka siya sa ginawa ko. Cannibal siya. Huhu. Cannibal.

Polemos AgapheBasahin ang storyang ito ng LIBRE!