I never knew love 'til I found You

1.5K 41 99

-* Introduction *-

Hello po! First time ko gumawa ng story. Sana magustuhan nyo. Sana unawain nyo bawat scenario kasi maganda sya. Favorite story ko sa buong buhay ko 'to. Oa ba? Wala eh, proud lang talaga ako at ito nga palang story na 'to ay True Story. Hindi man 'to kagaya ng mga nababasa nyo, pero ito naman ay totoo. Nainspired ako gawin ito para sainyo. Para mai-share ko yung buhay ko.

Ako nga pala si Ma. Kristine C. De Leon, tinatawag nila akong Crasxie ( krasi ) yung name ko kasi sa FB ay Crasxie Unicka hahaha medyo gangstoink ano po? :)) Maraming beses na po ako na-inlove. Pero walang mabuting nangyari, hindi na nga ako naniniwala sa happy ending eh. May ganun ba? -.- Ayoko na ma-inlove pa, kasi nasasaktan lang naman ako. Paulit-ulit nalang.. Pero umaasa ako na mahahanap ko yung taong hindi ako sasaktan, rerespetuhin ako, mamahalin ako, gagabayan ako, ibababa yung pride nya para sakin, yung hahabulin ako pag nag wwalk-out ako, yung pipigilan ako kapag makikipagbreak ako sakanya, yung papasayahin ako, itatrato akong prinsesa kahit medyo boyish ako, tapos yung haharanahin ako haaaay,may ganun pa ba sa mga lalaki ngayon? -__-

***

Nasaan ka na ba? Kapag nakita ba kita, hindi mo ba ako iiwan? Ano ba kasi yung LOVE? Kailan ko ba maiintindihan yun? Ang alam ko lang kasi magkagusto at mahumaling sa isang tao, Pero paano ko ba malalaman na iba na ang nararamdaman ko? Yung tipong LOVE na talaga?

Gusto kong umasa na darating yung kailangan ko sa buhay ko.

Pero utang na loob, ayoko nang iwan pa ako muli..

***

Simulan na natin..

Chapter 1 " The more you hate, the more you love "

Dati akong nakatira sa Novaliches, nalipat kami dito sa San Jose Delmonte Bulacan kasi dito bumili ng bahay sina mama at papa. Infairness thankful naman ako dahil mapayapa dito at nakakarelax. Boring nga lang, kasi sobrang tahimik. 4th Year H.S ako nung lumipat kami dito. Naaalala ko nung first day of school, halos hindi ako makatingin sa mga kaklase ko. Maski sa teachers ko. Nahihiya ako, natatakot narin akong ma-bully. Maraming nag aapproach sa akin, pero hindi sila umubra sa nararamdaman ko. Feel ko hindi ako belong sa kung nasaan ako ngayon, parang naiiba ako, parang hindi pwedeng maging kaibigan ko sila. Yun bang feel ko Forever Alone ako sa school na 'to. -____-

Pero nung nag open ako ng Facebook, nag add ako ng mga kaklase ko. Nakipag-chat ako sa kapwa ko transferee, tapos bumuo sila ng group para sa section namin. Nakilala ko sila sa Fb, hindi sa school o sa room. Hahaha eh kasi naman e, nakakahiya nga sila kausapin sa personal.

Teka, may kaklase akong kakaiba yung pangalan eh? Al..ald.. ano ba yun? nacucurious talaga ako dun. Di ko pa sya nakikita eh, paano lagi akong nakayuko. Naririnig ko lang na inaasar sya sa loob ng klase namin. Narinig ko pa nga na sabi daw nun " Soulmate " kami? aba?! akalain mo nga naman, sa itsura kong 'to -.- Nahanap ko sya sa fb nun.. naaalala ko, inadd ko sya.. tapos nung inaccept nya ko, nag usap na kami.. nakakapagtaka lang, kasi concern ako sakanya. Umuulan kasi nung time na yun. Eh nasa comp shop dw sya, ayun nag alala ako sknya nun. Awkward! :)

Tapos naging magkaibigan na kami ni Aldous, lagi nya kong sinasamahan, napagkamalan nga kaming..

..

Magkapatid eh hays. akala ko mag-jowa na eh. *tin! wag ka ng umasa* Haha, kausapin dw ba ang sarili? -__-

Nung una, inis na inis ako sakanya kasi lagi syang nakasunod sa akin. Kahit isipin ko na Bestfriend ko naman sya, naiinis parin ako.

Naiilang lang ako. Kasi baka isipin ng mga nakakakita sa amin, " kabago-bago ko palang, may suitor agad ako " Hehehe

Pero dun ko napatunayan na " The more you hate, the more you love "

I never knew love 'til I found YouBasahin ang storyang ito ng LIBRE!