Pain and Smile (bawal sa broken hearted)

7.6K 80 7
                                    

Hanggang kailan mo itatago?

Hanggang kailan mo hindi sasabihin?

Pinaparamdam niya nang mahal ka niya,

pero wala ka man lang sinasabi?

Manhid-manhidan ba ang drama mo?

Kasi, inaalagaan ka na ng tao

pero sa'yo parang wala lang lahat.

Hanggang kailan mo hindi sasabihin?

Mahal ka daw niya,

Ikaw ba mahal mo din siya?

Bakit  sa kanya hindi mo mabigkas

Ang dal'wang salitang

sa bespren mo,

malamang ay nasabi mo na.

Pinaparamdam na niyang mahal ka niya.

Kaso hanggang ngayon, nakatanga ka pa din.

Walang sinasabi. Walang ginagawa.

At higit sa lahat, walang ipinaparamdam.

Ang tawag sa pakiramdam na 'yan,

ay katumbas ng taong iniwan.

Masakit kaya 'yan.

Baka naman hinihintay mo pang

dumating ang panahon na mawala siya.

O yung araw na hindi naman sigurado

kung darating pang talaga.

Kung ako sa'yo, sabihin mo na.

Sabihin mo nang "Mahal Kita"

Mapa-Mama, Nanay, Mommy,

Ma pa ang tawag mo sa kanya.

****

Happy Mother's Day sa May 13.

Dedicated to sa nanay ko.

Sssh! Baka mabasa niya :D

Love PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon