For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

Chapter One

3.7K 82 3

NAALIMPUNGATAN si Qhuinn dahil sa sunud-sunod na tunog ng kanyang cellphone.  Wala sana siyang balak na sagutin ‘yon pero alam niyang hindi na siya makakabalik sa tulog sagutin man niya o hindi ang tawag.  Iritable man, dinampot na niya ang cellphone sa bedside table.  Dapat may magandang dahilan ang kung sinumang tumatawag sa kanya dahil kung hindi ay malilintikan talaga ito sa kanya.

“Sir Qhuinn.”  Wika agad ng nasa kabilang linya.

Agad naman niyang nakilala ang boses nito, walang iba kundi ang assistant niyang si Perry.  “You better have a good reason for calling me this early Perry.”

“Siyempre naman Sir.  Nagawa ko na po yung pinapagawa niyo.  Nanalo po tayo sa bidding para do’n sa relic sword na matagal niyo nang gustong makuha.”

Napatayo siya sa kinahihigan dahil sa sinabi nito.  “Good job Perry.  Naayos mo na ba ang lahat ng dapat ayusin para sa shipment ng espada pabalik sa Pilipinas?”

“Yes Sir.  Bukas din po ay mailalagay na ‘yon sa personal vault niyo.”

“Good job.”  Pagkawika no’n ay ibinaba na niya ang cellphone.  Hindi na niya napigilang mapangiti, madadagdagan na naman ang kanyang collection.

Nando’n siya ngayon sa London para maisara ang isang business deal.  Ang pamilya niya ang nagmamay-ari ng pinakamalaking car company sa Pilipinas, bukod pa do’n ay nagdidistribute din sila ng iba’t-ibang brand ng kotse.  Tatlong taon na rin ang nakakaraan ng simulan niyang hawakan ang kanilang kompanya and since then ay masasabi niyang mas nag-flourish pa ang business nila.

Pero ang isa pa niyang dahilan kung bakit siya nando’n ay dahil sa nabalitaan niyang magaganap na underground auction.  Isa siyang antique collector.  Kaya kapag lumalabas siya ng bansa ay sinisiguro niya na makakakuha siya ng kahit isa man lang na relic item.  And this time ang nakuha niya ay ang espadang Shusui.

Bahagya siyang nagulat dahil sa mga kamay na biglang pumulupot sa kanya mula sa likuran.  Napailing siya, muntik na niyang makalimutan.  Meron nga pala siyang ibang kasama sa hotel suite na kinuha niya.  Humarap siya dito at buong tamis na ngumiti.

“Good morning pretty lady.”  Aniya sa blonde na kaharap.  Hindi na niya maalala ang pangalan nito.  All he remembered was that he picked her up from a bar the night before.

“Good morning.  You’re up early.”  Wika nito in a rich British accent. 

Masasabi niyang hindi lang antiques ang paborito niyang kolektahin, mahilig din siyang mangolekta ng mga babae.  In his twenty-nine years of existence, hindi na niya mabilang kung ilan ng mga babae ang nagdaan sa kanya.  All his women just came and go.  Ang mga ito ang lumalapit sa kanya, sino ba naman siya para tumanggi?

Pero kahit kailan wala pa siyang babaeng sineryoso.  Siguro dahil alam niyang hindi rin siya sineseryoso ng mga babaeng nakikilala niya.  Hindi naman siya yung tipong hindi naniniwala sa commitment.  Gusto din niyang mag-settle someday.  Naniniwala siya na true love can exist.  Sabihin ng isa siyang hopeless romantic pero ang isa sa mga dahilan kung bakit siya naniniwala sa pag-ibig ay ang kanyang mga magulang.  Saksi siya sa pag-iibigan ng mga ito.  Kaya sa oras na mahanap na niya ang babaeng para sa kanya, hinding-hindi na niya ito pakakawalan.

Pero sa ngayon, mag-eenjoy muna siya sa pagiging binata.

“Let’s have breakfast.”  Wika ulit ng babae.

Isang pilyong ngiti ang sumilay sa kanyang labi.  “I have a better idea.”  Pinangko niya ito at sinimulang halikan.

NAGLALAKAD sa kahabaan ng Mayfair, London si Yukishiro.  Papunta siya sa Claridge’s para kausapin ang isang tao.  Hindi na sana niya kailangan pang gawin ‘yon kung maaga lang siyang nakarating sa auction na naganap kagabi.

The Girl, The Sword, and The PlayboyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!