Copyright © ScribblerMia, 2012

Stars filled the sky. A soft breeze touching my skin. It's dark yet peaceful.

Nakaupo lang kami ni KJ sa may bench malapit sa monumento ni Rizal.

Nandito kami ngayon sa plaza. Nagpapahangin. Nobody is talking.

Nagmamasid lang kami sa mga dumadaan at paminsan-minsan ay nakikinig sa usapan ni Manong na nagtitinda ng balot at isa pang manong na nagtitinda ng penoy at itlog ng pugo. Kesyo malakas daw ang benta ng balot paggabi, lalo na at may maanghang na suka. Tapos may Manong daw na lasing na bumili sa kanya, muntik na siyang bugbugin, buti raw at nakatakbo siya. 

Chismosa much? Hehehe.

Hay. Hindi ko alam kung bakit sumama itong si yabang.

Bigla na lang kasing sumusulpot eh. Parang kabute talaga. May pagka epal din ang character nito. Obvious naman 'di ba?

Sinulyapan ko siya.

Nakapikit lang siya habang nakasandal ang ulo sa headboard ng bench. Nakadekwatro at nakahalukipkip.

He looks like an angel. Grabe. Sana forever na lang siyang nakapikit. Hehe.

Ang perfect ng face niya. Kahit laging gulo-gulo ang buhok niya.

Tulog na kaya ito?

"Stop staring," he said.

Yikes! Biglang nagsalita ang lolobelles!

"I'm not." I said, sabay iwas ng tingin.

"Yes, you are." Nagmulat ito at ngumiti ng nakakaloko.

"Did you see me staring at you? Your eyes were closed. So, stop accusing me." Sabay irap. Ano siya? May super powers?

"Well, I just assumed. Masyado kasi akong gwapo. Sanay na akong titigan lagi ng mga babae." Sabay smirk.

KTHNXBYE. Wala na. Bastusan na po ito. Naglolokohan lang yata kami dito eh.

"Alam mo, hindi ka rin hambog." I said sarcastically.

"Hindi talaga. Gwapo lang ako." Sabay lagay ng kamay na nakapang-pogi style sa mukha niya.

"Ewwwwww. Gross. Let's go." Tumayo na ako at nag-inat.

30 minutes din kasi kaming nakaupo sa bench. Hindi naman kami nag-usap. We just sat there silently.