Biglang napatingin sa akin si Grei. Ayoko siyang tawaging Professor kasi wala na talaga akong natitirang respeto para sa kanya.

Tinignan ko siya, puro pasa yung braso niya at ang payat niyang tignan. Ang putla ng kulay niya. Parang yung tatay ko lang...

Pumasok ako sa kwarto at sinara yung pinto. Nakatingin pa din siya sa akin. Siguro inaaalala niya yung saan niya ako nakita dati.

"Dana Kathryn Ferrer," i said to him, "Former student. Yung ibinagsak mo for sex?" I sarcastically said to him.

Natahimik siya. Alam kong naaalala na niya yung mga ginawa niya.

Umupo ako sa couch sa gilid ng hospital bed. Tinignan ko yung buong kwarto. Halatang walang bumibisita. Ni walang pagkain o bulaklak man lang. Wala ba talagang pamilya to?

"Kamusta?" I asked him.

He gave me a weak smile, "Karma, can't you see?"

I smiled at him, "Oo nga naman. Karma strikes twice worse."

"Alam ko, and i am sorry for that. Alam ko namang malapit na akong mamatay kaya naman sana patawarin mo ako, Dana. Nung mga panahon na yun, bago ko pa lang nalaman na infected pala ako. Hindi ako makapaniwala," tapos tumawa siya, "sa bagay, sino ba naman ang taong gugustuhing magka AIDS? Nung mga panahon na yun, galit ako. Galit ako sa mundo. Bakit ako pa? Ulila na ako, walang asawa, tapos ako pa yung makakakuha nun? Ang malas ko naman ata!"

Tahimik lang ako. Alam ko yung nararamdaman niya. Yung biological father ko? Ganito din siya. Alam kong masakit yung pinagdadaanan niya. Maliban dun sa physical pain? Nandun din yung emotional pain. Yung prejudice ng mga tao once na malaman nila na may AIDS ka? Mas masakit yun..

"Tapos, lumapit sa akin si Ynna. Ibagsak daw kita kapalit nun. Ako namang si gago, pumayag. Alam mo kung ano yung nasa isip ko nung mga panahon na yun? Paghihiganti. Inisip ko na hindi lang dapat ako yung magdusa ng ganito kaya pumayag ako. Isa pa, alam kong masama si Ynna kaya pumayag ako. Masama siyang babae kaya siguro dapat lang na mahawa siya sa'kin. Ang gago ko talaga no? Imbes na ako na lang yung magdusa, nandamay pa ako ng iba.."

Tapos yumuko siya. Siguro nahihiya siya sa mga ginawa niya dati.

"Totoo bang nirape mo siya?" I asked him.

Napatingin siya sa akin, mukhang nagulat sa narinig niya.

"Did you rape her?" I repeated my question.

Tumango lang siya. Natigilan ako. So.. she was saying the truth.

"Don't worry, wala akong balak magreport. I just.. want to know what really happened.."

Umayos siya ng upo, nakita ko yung pasa pati sa upper body niya, "I was drunk that day. Narinig kong pinag uusapan ako ng mga estudyante ng St. Claire's.. Diring diri sila sa akin. Alam mo kung gaano kasakit yun? Ang sakit! Nakakagago! Kaya nung pumasok si Ynna sa sasakyan ko, i drove somewhere far. Hindi siya nakapalag dahil nilock ko yung sasakyan. Muntik na nga kaming maaksidente kasi gusto niyang bumaba eh.. Then she told me that she's backing out. But then, i was drunk.. and angry. And i.. raped her.."

FHADGK 2: Good Girl Gone Bad (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!