Chapter 37: Her Story

1K 21 3

Happy 5k~ ang saya ko! XD Salamat talaga :3 Sorry kung natagalan. Magiging inactive na ko kaya habang may Wifi pa isusunod sunod ko na ang pagUUD ^^

---

Chapter 37: Her Story

Sino nga ba si Zuriel Min Benelux sa buhay ko?

Siya yung tao kinaiinisan ko simula nung makilala ko siya.


Siya yung tao nanggulo ng buhay ko. Haters, basher nagraroon na ako niyan dahil sa kaniya.


Siya yung taong sobrang gulo, sobrang gulo pa sa kwarto ko.


Siya yung taong, kahit sino hinding hindi siya maiintindihan. May lahing Alien ata.



Sapat na 'to, para sabihin ko na hindi ko talaga siya gusto. Hindi ko siya mahal. Hinding hindi ako mahuhulog sakanya. Kahit na sabihin na nating ilang months kami nagsama.
Kahit na nasaktan na niya ako. Hindi talaga. Naiinis pa din ako sakanya.


Napangiti ako sa lahat ng nasabi ko. Ngayon, alam ko na ang sagot. Hinding hindi na magugulo pa ang utak ko.


"Good mood ka ata." bungad sakin ni Mommy pagkababa ko.


"Always naman Mommy. Tss." nakita ko si Yosef na busy sa text habang kumakain.


"Inlove ka kasi kay Zuriel! Sus. Wala naman yang MadiZu Love team nyo!" narinig yun ni Ate Madison at nagprotesta na balang-araw daw matutuloy ang pagiibigan nila ni Zuriel.
Napailing ako. Ang ingay nila Mommy at Ate Madison. Ayaw paawat sa isa't-isa. Nagsisigawan na nga sila e.

"Shup up will you?! You're always ruining my morning!" napatigil sa pagaaway sila Mommy sa sigaw ni Yosef habang ako napatigil ako sa pagsubo ng cheeseburger.


Bigla na lang nagwalk out si Yosef at sinipa yung maliit na basaruhan sa gilid. Kawawang basurahan, nananahimik tapos sisipain ng isang monster. Tsk tsk.


"Minsan talaga, bilib ako sa anak mo Cristine. Akala mo galing sa U.s dahil ang ganda ng accent tapos minsan ko lang marinig magtagalog." sabi ni Ate Madison habang sinusundan ng tingin si Yosef.


"E puro pa naman englishero at englishera ang mga classmate. Mabuti pa ang Benelux Acedeme mas pinili na ang first language ay Filipino. Dapat ganun lahat ng school! Mahalin ang sariling atin!" pumalakpak si Ate Madison.


"Tama yan Cristine! Iboboto kita huwag kang mag-alala." nagsitawanan yung dalawa at ayun hindi na ulit sila nagaaway.


Ganyan naman yang mga ganyan, kunting away pero mamaya magbabati na ulit. Bestfriends forever na nga ata ang matatawag sa kanila.



And speaking of bestfriend, tatawagan ko na sana si Lenzie kaso may nakita akong message ni Shane.



"Yahnie, samahan mo naman ako. Please.." napangiti ako.



Tinawagan ko siya at pinagusapan namin kung saan kami magkikita at saan kami pupunta.


"Basta, no matter what Yahnie. Huwag mo kong iiwan ha?" napangiti ako at kinurot ko ang pisngi niya.


"Oo naman!" ngumiti siya.

Pumunta kami sa isang napakalaking bahay. Sinabi sakin ni Shane na naghiwalay na yung mga parents niya. Sa condo nakatira si Shane. Mas pinili niya kasing hindi makasama Papa niya. Yung Mama niya naman patay na.



"Dito nakatira si Papa." sabi ni Shane pagkapasok namin sa bahay ng Papa niya.



Sobrang laki ng bahay ng Papa niya. May dalawang hagdan na paikot. At pagtaas mo, may makikita kang malaking aqaurium.




"Teka lang ha. Pupuntahan ko lang sila." tumango ako at tinignan ang buonng bahay.



"WHY ARE YOU HERE?!" Nagulat ako sa sigaw galing sa isang kwarto. "YOU WANT TO SEE YOU'RE FATHER HUH! WALA KA NG PAPA!" Gusto ko na sanang tignan kong anong nangyayari kaso ayoko kong mangialam


"Gusto kong makita si Papa!" narinig ko yung sigaw ni Shane at lumabas sa isang kwarto.


"Shane!" sigaw ko. Napatingin sakin yung babaing galing din sa kwarto.


"At nagdala ka pa ng kaibigan, ni-hindi mo nga 'to mapapahay!" bigla na lang niyang tinulak si Shane. Patakbo akong pumunta kay Shane.


"Shane? Ayos ka lang?" pero hindi niya ako sinagot at dali-daling tumayo at pinagsasabunutan yung babae.


"Ahhhhh!" sigaw nung babae. Hindi ko alam ang gagawin ko. Pipigilan ko na sana si Shane kaso may nagpatigil na sa kanila.



"Shane! Veronica!" napatingala kami at nakita namin ang isang matanda na pababa sa hagnan. "What's goin on here?!" galit na galit na sabi ng matanda.



"Papa." sabi ni Shane kaso bigla tumakbo palapit yung Veronica sa matanda.


"Pa, hindi ko alam na masama talaga ang babaeng yan! Nakita mo yun?! Sinabunutan niya ako!" napailing yung Papa nila at tumingin ng malungkot kay Shane.


"Ano Pa? Kakampihan mo ulit siya?! Ako na naman yung mali? Ako na naman yung mapapaalis?!" nakita kong walang tigil na tumutulo ang luha ni Shane. "Pa! Kahit kailan ni-hindi mo ko kinampihan!" pagpatuloy niya.


"I give up! Ayoko na Pa. Nagpromise ako kay Mama na hindi kita iiwan pero ikaw na yung nagbigay ng rason para sumuko ako." nakita kong ngumiti yung Veronica. Napakasama naman niya!


"Kalimutan mo na naging anak mo ko at kakalimutan ko na din na naging tatay kita." at tuluyan na siyang umalis. Sumunod naman ako sakanya.



"Shane.." humarap siya sakin at ngumiti.



"Masakit." bigla ko na lang siyang yinakap.  Naaawa ako sakanya. Napakabait niya. She doesn't deserve this.



"Felling better?" tanong ko nung medyo hindi na siya umiiyak. Pumunta kami sa isang Park at doon niya binuhos lahat lahat. Ngumiti siya at pinagpatuloy yung kinukwento niya.



"Pero alam mo, kahit ganun nangyari sakin. Masaya pa din ako. Kasi may taong nakaintindi sakin. Siya yung nagpalakas ng loob ko." ngumiti siya at tumingala. "Minahal ko siya kahit ganun pa din yung treatment niya sakin katulad ng ginagawa niya sa ibang tao."



Sino kaya yung mahal niya? Wala naman akong maisip na pwedeng maging lalaki na mahal niya. Nakakalungkot naman pala yung story ni Shane tapos sa school wala pa siyang kaibigan.

"Don't worry Shane. I'm still here. We're still here." ngumiti siya pero mukhang nanghihinayang.


Pagkatapos nun, umuwi na ako sa bahay. Tulala lang ako. Kung ganun kaya nagyari sa buhay ko, ewan ko na lang. Swerte pala ako kahit mga isip-bata mga pamilya ko. Na kahit ganun sila, nandiyan sila. Mahal nila ako.

"Nandito na ako!" sigaw ko. Napatingin ako sa taong naghihintay sa sofa.

Nagulat na lang ako dahil may tao at hindi ko ineexpect na nandito siya sa bahay.


"Monggi.." bulong ko.

She's Accidentally Inlove With A HeartthrobBasahin ang storyang ito ng LIBRE!