----------------------

Nandito ako ngayon sa waiting area ng school ni Sett. Ilang minuto na din kasi, uwian na ni Sett. Ganito ako palagi. Ako palagi yung sumu-sundo kay Sett. Wala siyang service. Ayoko sa ganun. Baka mamaya mapahamak pa si Sett sa ganun e. Mas nakaka-panatag 'pag ako mismo ang nagsu-sundo sa kanya sa school. Pero syempre, minsan sila hyung.

  
"Dad!!!"

  
Ayan na naririnig ko na yung boses ng anak ko. Hindi ko siya nilingon. Bagkus ay tumayo pa ako at nagkunwari na aalis. At hindi ko pa rin siya nililingon. Wait kasi. Pagtitripan ko muna 'to. Pffft.

  
"Huy daddy snobber!!!" Rinig kong sigaw niya pa. Aba, snobber daw oh. Hindi ko pa rin siya nililingon. Hanggang sa naramdaman ko na lang sinuntok niya yung pwet ko. Aba! Dahil dun ay nilingon ko na siya.

  
"O sino ka?" Pagpapanggap ko. Medyo napa-lakas ata yung pagsuntok ni Sett sa pwet ko. Medyo masakit.

  
Ngumiti siya ng malapad, "I'm the Poging Sett."

  
Ngumiti ako at hinilamos yung kamay ko sa mukha niya. "Mas pogi ako. Behlat." Hinawakan ko na yung kamay niya at nagsimula na kaming maglakad papunta sa kotse ko.

  
"Dad! Dad! Dad!"

  
Niyuyugyog niya yung kamay ko kasi hindi niya ako titigilan hangga't hindi ko siya nililingon. "Sett Sett Sett."

   
Ngumuso si Sett. "Dad naman eh!"

  
"Arte mo. Ano ba yun?" Tanong ko. Binuksan ko yung shotgun seat ng kotse ko at sinakay si Sett dun. Kinabit ko yung seatbelt niya at hinagis ko 'yung bag niya sa backseat. Pagkatapos ko ayusin 'yung upuan ni Sett ay pumunta na ako sa driver's seat.

  
"May award po ako sa recognition, yehet!!" masayang anunsyo niya. Aba, improving 'tong si Sett ah? Mana sa daddy. Ahem.

  
Ngumiti ako. "Talaga? O ano'ng award?"

  
Napa-proud naman ako. Syempre, anak ko 'yan. Aba. Ako nga wala akong ibang nakuhang award dati bukod sa most talkative, e! Sana lang, sana lang talaga, hindi yun yung award ni Sett.

  
"Most behave." Sagot ni Sett habang naka-yehet face.

 
Teka, ano raw? Most ano?

  
"Sinong nagturo sa'yo na magsinungaling?"

  
"Joke lang po." Aniya tsaka bumungisngis. "Most active po tsaka ano, yung minor award po. . ."

  
Most active? Dapat ba akong matuwa do'n? Baka iba yung ibig sabihin ng most active kay Sett.

  
"Tsaka..?"

  
". . .Most talkative." Sabi ko na, e! Langya kasi, Sehun, bakit napaka-daldal mo nung bata ayan tuloy nagmana na naman sa'yo 'yung anak mo! Hays.

  
Napa-facepalm ako.

  
Kailangan ba talaga maraming ma-mana sa akin si Sett?

  
"Good job Sett!" Natatawang sabi ko. Sehun Junior na Sehun Junior kasi. Paano na lang 'pag kinwento ko o kinwento ni Sett kila hyung 'to? Edi laughtrip na naman sila sa amin. Naku po.

  
Nagsasayaw si Sett habang naka-upo. "Punta ka sa recognition ha, daddy!" Pa-kantang sabi niya ta's nag-pose pa. Tamo 'to.

  
Inikot ko yung mga mata ko, "Sila hyung na lang."

  
Nanlaki naman yung singkit niyang mga mata. "Hala?!" Tumawa ako ng medyo malakas. Ta's naupo ako hanggang sa magka-level na lang yung mukha namin ni Sett. Piningot ko yung ilong niya.

  
"Ako pa ba, mawawala? Kahit 'di mo sabihin, pupunta pa rin ako!"

-------------------------

"Dad, akala ko sa trabaho mo po tayo pupunta?" Tanong ni Sett.

  
"Andito na tayo." Sagot ko tsaka pina-upo siya sa table. Inabutan ko siya ng pagkain, "'Di ba dapat dad nasa party po tayo? E ba't nandito po tayo? Hindi naman po sila nagpa-party tapos puro sila nagmamadali po."

  
O. Hindi sa'kin na-mana ni Sett ang pagiging ganyan ha. Sa'yo.

  
Bago pa ako maka-sagot ay may tumawag sa pangalan ko, "Sehun!! Ang aga mo ah!"

  
Si Vein. Isang magaling na organizer. Kahit ano, ino-organize niya. Mapa-kasal, debut, birthday bash, concert, at kung anu-ano pa. Siya din ang organizer ng concert-party na 'to. Kahit saan magtrabaho si Vein, palagi akong kasama.

  
"Vein," tawag ko. Hinila ni Sett 'yung dulo ng polo ko kaya nilingon ko siya. Tinaasan niya ako ng kilay at bumulong siya, "O, sino po siya, dad?"

  
"Wo-hoa!! Siya na ba si Sett?" Namamanghang tanong ni Vein. Naka-taas ang kilay na ngumiti ako, "Oo, pogi 'no?"

  
Ngumisi si Vein. Nilahad niya yung kamay niya kay Sett na para bang makikipag-kamay, "Hi, ako si Uncle Vein. Naalala mo pa 'ko? Lagi ka naming kasama ni daddy mo noong baby ka pa."

  
At hindi ko inaasahan na makikipag-kamay si Sett. Aba oh. "Hindi na po e, malaki na 'ko." Sagot niya habang naka-yehet face.

  
Malapad na naka-ngiti si Vein habang nakikipag-kamay kay Sett. Maya maya ay binitawan na ni Sett yung kamay ni Vein. Haha. "Ngayon mo na lang ulit dinala si Sett sa trabaho mo ah?"

  
Nagkibit balikat ako, "Oo nga e. Gusto ko kasi ipakita kay Sett 'yung trabaho ko."

  
"E ano ba kasing trabaho mo, Daaaad?" singit ni Sett. Natawa naman si Vein at inirapan ko si Sett. "Mamaya kasi!"

  
Matagal-tagal din kaming nagusap ni Vein. Hanggang sa sinabi niyang, "O ayusin mo na 'yung mga dapat mong ayusin, Sehun."

  
Tumango ako at binuhat si Sett. "Tara na. Ayan na, ipapakita ko na sa'yo. Napaka-atat mo."

  
Inirapan lang ako ni Sett. Itong batang 'to!

  
Umakyat na kami sa stage at nagpunta kami sa gilid kung nasaan yung sound system. Medyo dumadami na rin yung mga tao dito sa field dahil ilang minuto na din ay magsisimula na yung concert-party. Nagpa-kuha ako ng high chair at doon ko pina-upo si Sett. Kinuha ko naman sa bag ko yung dalawang headphones na pina-customized ko. Yung isa sa akin. At pinagawan ko rin si Sett dahil nga matagal ko na naman siyang isama sa trabaho kong 'to. Pinlug ko yung dalawang headphones sa sound system at sinuot ko yung isa kay Sett.

  
Nginisian ko siya. "This is your dad's awesome work, pal!"

  
Ah. . .

  
Isa na nga pala akong ganap na DJ. Simula nang ma-disband ang Exo at lumipat kami sa Pilipinas ay ito ang nakuha at ginusto kong trabaho. At masaya ako.

Oh Sehun's ChildWhere stories live. Discover now