Kriiiing .!

First day of School namin ngayon. Napaka boring talaga. Gaya ng dati, punta sa harap tapos magpapakilala. Sawang sawa na ko sa ganun. Ang tagal na naming magkakaklase tapos lagi na lang ganito. Paulit - ulit na lang. 

Nagulat ako ng may sumigaw. "Hoy bhest! Ang aga aga nakatunganga ka jan." Si Ysha yun yung sumigaw. BFF ko siya.

"Oh. Bakit bawal bang tumunganga kapag na bo boring ka? "

"Gusto mo, pumunta tayo ng Mall mamaya. Takas tayo pag break time na at wag na tayong bumalik? "

Napangiti ako dahil alam talaga ni Ysha kung anung magpapasaya saken. Ang SHOPPING.

Inantay lang namin ang break at umalis na kami agad sa campus namin. Dun kami dumaan sa likod na gate ng school. Buti wala yung guard. Tapos ilang saglit lang nakalabas na kami.

Sa Mall .!

Tapos na kaming mag shopping ni Ysha. Pauwi na nga sana kami pero pumunta muna siya ng CR at naiwan ako sa foodcourt habang kumakain ng ice cream.

Nadapa ako dahil sa mga makukulit na batang nagtatakbuhan. Nagulat ako dahil may lalaki akong natapunan. Namantsahan ko pa ang damit niya. 

"Oh. My God .! Sorry. Babayaran na lang kita o kaya kung gusto mo bibilhan na lang kita ng bagong damit."

Hindi pa rin nagsalita yung lalaki.

" Sorry. Sorry talaga. Di ko naman sinasadya e. " 

Nakatingin lang siya saken. Natatakot na talaga ako sa tingin niya. OMG.!

"Anong balak mo ngayon? " Pasigaw na tanong ng lalaki.

Sorry. Aaahhmm. Ipapalaundry ko na lang or kung gusto mo, bibilhan na lang kita ng bagong damit.

Inabot niya ang kamay niya saken. Nanghihingi siguro ng Pera para siya na lang yung bumili ng bagong damit. 

Tinapon ko muna yung Ice Cream ko at tsaka kumuha ng pera sa wallet ko.

"Eto oh! " Inabot ko yung pera pero di niya tinanggap. " Ayaw mo ba? " 

" Akin na yung Cellphone mo ..! " Sabi niya

" Huh? Yung Cellphone ko ? Bakit ? "

"Akin na sabi eh!

Sumigaw siya kaya natakot ako at napilitang ibigay yung cellphone ko kahit bago yun at pasalubong pa saken ni mommy from US . Napaisip ako.

Bakit ba gusto niya yung cp ko e mukha naman siyang mayaman.? Tapos ang gwapo pa niya. Di ko akalaing ganun siya.

Teka! Teka! Anong ginagawa mo sa cellphone ko? tanong ko sa kanya ng pasigaw dahil napansin kong meron siyang tinatawagan gamit ang CP ko .. 

Biglang may sumigaw." Harvey.! "Napalingon kaming dalawa sa sumigaw. HHmmmm .. So He is Harvey :)) HAHA .. Maya maya lang ay inabot na saken ni Harvey yung cellphone ko .

Oh.! Ayan na cellphone mo .! Pagkabigay niya ay nag smirk siya. "Super gwapo pala talaga niya" sabi ko sa isip ko .. Sabay kuha sa cp ko .. 

"Hoy.! Harvey .! Chicks mo? Bat di mo kami pinapakilala ? Hi miss, JC nga pala and you're?" habang inaabot niya ang kamay niya saken para makipag shake hands.

"Huh? haha .. Hello I'm Hanna. "Nakipag shake hands na rin ako. 

"Oh pare! Bat andumi ng damit mo ?" tanong ng isa pa nilang kasama.

Tumingin saken si Harvey. Natakot ako at bigla kong nasabi ang "Aaahhmm.. Sorry ..Natapunan ko kasi ng Ice Cream yung damit ng kaibigan niyo eh.! Di ko naman sinasadya."

"Sus.! Ok lang yan Hanna. Mayaman naman to si Harvey eh.! Pwede siyang bumili ng damit anytime." sabat ni JC.

"ahhh .. By the way . I'm Luis ." Pakilala naman nung isa.

"Aalis na kami ah.! Bye Hanna .! Nice to meet you.!" Pagpapaalam ni JC.

"Ok Bye .! Pakisabi ulit sa kanya ahm I mean pakisabi kay Harvey na SORRY AH .! "Yun na lang ang nasabi ko at umalis na sila.

Buti na lang wala siyang kinuhang kapalit. Kinabahan ako dun ah.! sani ko na medyo nagpa panic pa rin. Nagulat ako ng may tumapik sa likod ko. "Ay. ice cream.."  napasigaw ako. Nagtinginan tuloy ang mga tao. Medyo nahiya ako. Si Ysha lang pala. Akala ko kung sino. HAHA

"Ano bang nangyari bhest at parang takot ka? "

"Too long para ikwento. Next time na lang siguro. Tara uwi na tayo. "

Yaaaaaaan .. Umuwi na kami. 

*******************************

Sa Bahay ko:

"Oi Hanna.! San ka galing? Antagal mo . Inubusan na kita ng pagkain". Sabi ni kuya na halata namang nanloloko lang. "San ka ba galing ha?" tanong niya ulit.

"Ahhmm .. Sa tabi tabi lang.!"

"Sa tabi tabi.? Ang sabihin mo nag shopping ka na naman . "

"HAHA .. Obvious ba kuya? "

"Hinde. Hinde. oh siya sige. Itabi mo muna yan at kumain ka na dun. "

"Yieee .. Bait mo talaga kuya. KayaLOVE kita eh." Kunwaring lambing ko kay kuya .. HAHA

Nang matapos na kong kumain. Umakyat na ko sa room ko. at maya maya ay nag ring ang cp ko.

And big girls don't cry . Don't cry. Don't cry. Don't cry

Sino naman kaya to? Makapagpalit na nga ng sim. Kung sinu-sino na ang tumatawag at nagti text saken. Di ko naman kilala.

Hello ?

Hello? Who's this?

Di ka pa nagbabayad sa kasalanan mo!

huh? Sino ka ba?

Wag ka ng magpa inosente. Kilala mo ko. Bayaran mo na utang mo.

Huh? Utang? Wala kong utang.! Sino ka ba kase? 

ICe cream ..!

Huh? Ice cream? O.O    OMG .! Si Mr. Yabang ..

Kelan mo ako balak bayaran ?

Bukas ?? Magkita tayo. Babayaran kita. 

O sige .. Bukas :))

Ibinaba na ni Harvey ang Phone niya kahit di pa namin napapag usapan kung anong oras at saan kami magkikita. 

Paano niya kaya nalaman yung number ko? Kung gusto niya rin ng bayad. Bakit di na lang niya kinuha kahapon yung inaabot kong pera.? Paano kaya kami magkikita? 

Dahil sa kakaisip ko kaya nakatulog ako ng di ko namamalayan ..

END OF CHAPTER 1 ♥

**************************

NOTE:

HAHA .! Sorry po kung hindi maganda yung gawa ko .. First time ko lang po kasi gumawa eh.. Yung story ko eh dulot lang yan ng ka BORINGan ng bakasyon kaya nabuo yan .. HAHA

Sana matuwa kayo kahit hindi gawang professional yung story .. xD