Chapter 10: Remember my name, It's Trinity, Bitch!

Magsimula sa umpisa
                                    

Pagkuwa'y lumapit ang isang matanda.

                "Ay wala na 'yung mga dating nakatira diyan. Matagal nang abandonado ang bahay na 'yan. Ang alam ko nabenta na nga e," ani ng matandang lalaki. Hindi na nakayanan ni Rufus na pakinggan pa ang sasabihin ng matanda. Alam niyang hindi naman din maganda ang ibabalita nito.

Ilang sandali pagkatapos kausapin ni Red ang matanda at bigyan ng pera ang babae ay pumasok na rin siya sa sasakyan na may lungkot sa mukha.

                "Ako ng bahala sa paghahanap kay Gray, Dad. 'Wag kang mag-alala mahahanap din natin siya." Atsaka na pinaandar ni Red ang sasakyan at umalis na sila.

NAGMAMADALI si Nathan palabas ng kanyang kwarto at bihis na bihis siya.

                "What's with the hurry?" Puna ni Trinity na bagong dating.

Napalingon si Nathan sa nakatatandang kapatid. Bigla siyang nag-isip ng dahilan. Kapag kasi nalaman ni Trinity na pupuntahan niya si Katherine sa hospital ay siguradong pipigilan siya nito. Ayaw lang kasi ni Trinity na masaktan ulit ang kapatid. Lalo na sa babaeng impaktang iyon.

                "Sa b-barkada lang," pagsisinungaling ni Nathan.

                "Barkada? You're lying." Ngiti ni Trinity habang paupo ng sofa. "Sabi ng katulong mo umiiyak ka daw noong isang gabi at sinisigaw ang pangalan ni Katherine. May plano ka bang balikan ang bitch na 'yon?"

Nagulat si Nathan sa tinuran ni Trinity.

                "I'm on my way sa hospital nila Red para ituloy ang deal ni mama. We're still buying the half of the stocks. Dumaan lang ako kung sakaling gusto mong sumama."

                "Sure!" Mabilis na sagot ni Nathan.

Umismid na lang si Trinity saka na tumayo sa sofa at sabay na silang magkapatid na lumabas. Ilang sandali pa ay nasa hospital na sila. Nagpa-iwan na si Nathan sa lobby dahil hinihintay niya si Katherine.

                "You sure ayaw mong makialam sa discussion?" Tanong ni Trinity.

                "Oo. Ikaw na bahala sis, magaling ka naman diyan."

                "Okay. See you later." Atsaka na tumalikod si Trinity at tumuloy na sa conference room.

             ANG tagal naman niya. Asaan ka na ba Katherine? Nakukunot na ang noo ni Nathan sa kakahintay sa dalaga dahil ilang minuto na rin siyang nag-aabang dito.

Nabuhayan siya ng loob nang makita si Katherine na paparating mula sa ER sa first floor. Laglag ang balikat nito at parang wala sa mood magtrabaho. Namamaga din ang kanyang mga mata at mahahalata sa kanyang magandang mukha na may kalungkutan siyang nararamdaman.

            NAGTUNGO si Katherine sa garden ng hospital kung saan madalas siyang tumambay kapag break time niya. Madalas niyang pagmamasdan ang magandang fountain na nasa gitna ng hardin dahil pinapakalma nito ang kanyang kalooban. Naupo si Katherine sa bench sa ilalim ng puno at doon siya nag-isip ng malalim.

                Ang sakit nung nangyari na 'yun. Ang sakit pala talaga ng mga ginawa ko noon kay Nathan. Sana hindi ko siya tinrato na parang hindi tao noon. Ngayong napatunayan ko na hindi na niya talaga ako babalikan ay papalayain ko na siya ng buo sa puso ko. Hindi ko na babalikan ang nakaraan. Siguro tama nga si Charily, baka si Red na ang lalaking para sa'kin.

                "Can I sit here, Miss?" Malamig na tanong ng boses ng lalaki.

                "Sige." Sagot ni Katherine pero hindi niya tiningnan ang nakiupong lalaki sa tabi niya. Si Nathan ang nakitabi sa kanya. Hindi na niya nakilala ang boses dahil sa sobrang kalungkutan na nararamdaman niya.

As I Lay Dying [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon