44.5th Chapter

Magsimula sa umpisa

"Yeah. We're even."

Ganito lang talaga pag mag best friend. Kahit ano pa yung pag awayan namin, at the end of the day, best friend pa din kami. Nothing will change that fact.

"Now, mind telling me what happened? Umiyak ka eh," i asked her. Though alam ko naman na probably dahil 'to sa nalaman niya about dun sa nangyari, mas gusto ko pa din na sa kanya.

"Ah, about that," tumigil siya tapos tumngin siya sa sahig at tinanong ako, "I know you know something, Sara. Ano yung alam mo?"

Nag isip ako. Sasabihin ko ba? 

"Okay. Pero don't judge me. I did this for you," then she nodded. 

"Sabi ni Cyriel, Ynna is sick with HIV then i confirmed it with Ynna and she said that she's sick because of you. Hindi ko alam. That was too much for me to handle."

Dana nodded, "That was another version."

Tumngin ako sa kanya with a puzzled face, "What do you mean by that?"

"I just heard another version of her story. Hindi ko alam kung eto na ba yung totoo. I need to confirm it."

"Ano yung version na alam mo?" I asked her. Now, nalilito na talaga ako. Parang roller coaster lang ang buhay ni Dana. Ang daming ups and downs, twists and turns. Nakakapagod na.

"She was raped," she said without a fuss.

"What she was raped?!!" Sigaw ko.

"I don't know. Hindi ko alam kung maniniwala ako."

"But in any case, sino naman daw?"

"Si Grei."

"Grei?" 

Sino si Grei? Hmm. Familiar yung pangalan niya. San ko ba narinig-- "Fuck! Yung professor natin?!"

"Yeah. That maniac."

"Pero paano, bakit? Ano?!"

Ngumiti lang si Dana, "I don't know either. This night's too much. Si Andy, si Cyriel, si Ynna. They all had their stories to share. Nakakalito. I don't know what to believe anymore."

I hugged her. Naaawa ako kay Dana. 

"Everything will be fine, Dana. Trust me."

"I know. Ang layo na ng narating ko, ngayon pa ba ako susuko?"

Then i smiled, "Yan ang bestfriend ko."

"Sige, uuwi na ako," sabi niya tapos tumayo siya.

FHADGK 2: Good Girl Gone Bad (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!